Chapter 16: Stress reliever

Start from the beginning
                                    


"Sleep on the sofa," I told him and nodded at the sofa. He was about to complain when I speak again, "I won't open my accounts. You could take my phone with you. By the time na magising ka, I'm done. Sige na. Matulog ka na do'n."


Madali naman siyang kausap at natulog na nga sa sofa.

After an hour ay natapos na rin ako sa ginagawa ko. Thanks sa ginawa ni Hunter because that really helped. Nang tingnan ko siya ay mukhang himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog. I won't disturb him.


"Mukhang pagod na pagod boyfriend mo ha."


I was quite shocked nang marinig ko ang boses ni mommy. Maghapon kasi siya kila Tita Sab.


"He's not my boyfriend."

"Doon din balik no'n. Nasaan nga pala kapatid mo?"

"Baka po nakikipaglaro kay daddy sa taas. Kanina pa kami nandito ni Hunter sa baba hindi ko naman sila napapansin."

"It's almost dinner time. Nako 'yang mag-ama talaga. Makapagluto na nga para diretsyo kain na sila."


I looked at Hunter and looked at my mom again. "I'll help you po."


"Sure, sweetie."


By helping, I mean I'll cook while my mom cut and prepare the ingredients. Sinobrahan ko rin ang niluto ko para makapag-uwi si Hunter. He could eat this tomorrow for breakfast para hindi na siya magluto or mag instant food.

When we're done we called everyone na to eat dinner. Sakto rin naman na nagising na si Hunter kaya mommy asked him to eat with us.


After an hour ay nagpasya nang umuwi si Hunter kaya hinatid ko siya sa labas.


"Thank you dito," sabi niya at inangat ang tupperware na nakaplastic. "Good job din sa pagtapos ng ginagawa mo. At least nabawasan na ang requirements mo."

"It's thanks to you."

"Don't plan anything tomorrow."

"Bakit?"

"I'll treat you to an amusement park. Kailangan mo ng stress reliever 'di ba?"


I smile widely because of what he said. "You're the best!" He winked at me at umalis na.


***

Nakapila si Hunter at Warren para bumili ng tickets habang kami nila Nate at Hails ay naghihintay sa isang tabi.


"Para akong 5th wheel dito," reklamo ni Nate.

Inaya namin si Tamara pero hindi siya sumama. Hindi na rin namin siya pinilit kasi alam namin ang sitwasyon niya. Bago pa man may mag-alok sa kaniya na ililibre na lang siya, pinangunahan na niya kami na huwag na siyang ilibre. Hindi na rin kami nagpumilit. Baka kasi mainis pa siya kapag nangulit kami.


"Paano ako mag-eenjoy kung para lang akong extra sa mga nagdouble date?"

"Sino ba kasi namilit sa 'yo na sumama ka? Wala naman 'di ba?" Pangbabara sa kaniya ni Hails kaya nag-inarte na naman 'tong si Nate at kung anu-ano sinabi.

The Relationship CodeWhere stories live. Discover now