"Sir, si Ma'am Asha nasa loob pa. Tulog po." agad akong napasilip sa loob ng kotse.

Binuksan ko agad yun at tumambad sakin ang nakabaluktot na katawan ni Asha, she's asleep, naksuksok sya sa gilid ng kotse at nakataas ang paa, nakapatong yung mga kamay nya sa tuhod pero yung ulo nya ay nakalaylay, natatabunan yun ng buhok nyang nakalugay.

Naawa ko syang tiningnan at nilapitan, she looks so helpless. I remove the hair on her face, tumambad sakin ang magang mata nya, namumulang ilong, at ang natuyong luha na umagos sa mga mata nya. Nabigla ako, what happened to her?! D*mn! I hold her hands, at basang basa ang dulo ng manggas ng longsleeves nya! My God! Anong meron na hindi ko alam?!

I tried to move her, para ilapit sa pinto at saka ko sya kakargahin, but when I move her, bigla syang nagising.

"Babe .. what happen to you?" i ask her while wiping her tears. Pero tinabig nya lang ako, at pagapang na lumabas. Nagmamadali sya, at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng Hotel.

Nagtatakang tumingin ako kay Ivan.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Sir di nyo po ba alam?' nangunot ang noo ko sa sinabi ni Ivan. Tanga din tong assistant ko eh. Tatanong ko ba naman kung alam ko? Bopols talaga.

"Ano nga?" ulit ko.

"Sir nung kinurot nya kayo, umiyak na sya." what?! Di ko ata magets?! Ako na kinurot, sya pa umiyak? Connected lang?! Oo naramdaman ko ngang kinurot nya ko at masakit yun pero hinayaan ko na lang, pinalampas ko at bumalik ako sa pagtulog. Ang di ko lang magets eh bakit sya umiyak.

"Sir siguro akala nya galit kayo. Di nyo kasi inamo eh." napatingin ako sa sinabi ni Ivan. Haayyysss .. Pansin ko lang nagiging maarte na si Asha this past few weeks.

Nagdiretso na lang akong maglakad, pagpasok ko nakita ko agad si Asha na nakaupo sa lobby. Nang mapatingin sya sa gawi ko ay nagkatinginan kami, mabilis syang tumayo at inirapan ako. Nag abot kami sa reception, I did a small talk sa receptionist. Naunang ihatid ng mga roomboy si Ivan. Naghihintay kami na bumukas ang elevator, i try to catch her eyes, pero talagang todo iwas sya, i put my hands on her waist pero tinapik nya yun, pagpasok sa elevator pumwesto kami sa likod, but she moved forward, pumwesto naman ako sa likod nya at saka pinatong yung baba ko sa balikat nya; i start trailing a small kisses papuntang leeg nya but she hardly shrug her shoulder. Napahawak ako sa panga ko. Masakit din yun ah.

Haaauyy .. Galit nga!

Mahaba habang usapan na naman ito! Enebeyen! Ang hirap pa naman iesplika ng utak nito ngayon. Tingnan mo ngayon, ayaw akong kausapin, kanina nang aaway tapos biglang taray! Lord naman! Sinabay nyo pa ang flaws ng maganda kong asawa sa nararamdaman ko, this past few weeks, nagiging antukin ako and i crave something, tapos parang ang weird kasi yung mga hindi ko kinakain dati, kinakain ko na ngayon. Ang awkward nga eh.

Nakalabas kami ng elevator at nagtuloy tuloy na pumasok sa isang room. Upon seeing the bed, parang may kung anong enerhiya ang nagmagnet sakin para lumapit dun, bigla akong nakaramdam ng antok. Pero agad ko ding naalala ang away-mag asawa namin. Kelangan ko pala munang asikasuhin ang aking magandang asawa! Hihi ..

Sinilip ko sya sa sofa, nakahalukipkip sya at nakatingin sa kawalan. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at saka tumabi ng upo. Automatic na pinaling nya palingon yung ulo nya sa kabilang direksyon.

"Babe .." tawag ko.

Hindi pa din nya ako pinansin.

"Babe sorry na. Patawarin mo na ako." hinging paumanhin ko. Ayt! Tss! hirap naman oh!

"Ewan ko sayo." yun lang yung sinabi nya pero nainis na agad ako, tumayo ako para sana mag walk out, pero napahinto ako at napalingon sa kanya. He's staring at me. Napabuntung hininga ako at lumapit ulit. Haay .. di ko talaga matiis tong babae na to!

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon