Chapter 2: Blind Training

6.8K 33 6
                                    

Kinabukasan nagising ako at nagulat ako pagkat nakapatong sa ibabaw ko si Bea. "Ano ginagawa mo?" tanong ko at nginitian niya ako. "Athan gusto mo ako halikan?" landi nya. "Ha? Hindi ah, para kitang kapatid" sabi ko kahit na gustong gusto ko pero baka nandyan lang si ninong nakikinig sa tabi. "Really? Be honest tayo lang ang nandito, gusto mo ako halikan?" tanong niya ulit at napatitig ako sa magandang mukha nya. "Oo, sino naman ang hindi gusto, pero syempre kinakapatid kita so di pwede" sagot ko at tumawa sya. "Arte mo, sige hahalikan kita pag nahanap mo ako" landi nya at napangiti ako. "Maglalaro tayo ng taguan?" tanong ko at ngumisi sya at nilabas ang piring. "Hindi ako magtatago, uupo lang ako sa salas sa baba aantayin kita. Pero nakapiring ka at bibigyan kita ng time limit para makababa or else no kiss" sabi nya at piniringan na nya ako. Wala akong makita, tanging naririnig ko ang boses nya. "Ayan, you have ten minutes to come down, don't make me wait" sabi nya. Wala talaga ako makita, "Hoy wag kang mandadaya! Subukan mo lang tignan mo" pahabol nya at narinig kong nagsarap ang pinto. Training pala ito pero maganda ang reward kaya kahit wala ako makita pinilit kong bumangon at naglakad papunta sa pinto. Ang hirap pala, tatlong minuto bago ko nahanap ang pinto, nakaluhod pa ako naghahanap. Nakababa ako ng hagdanan dahan dahan, pero lampas na ng sampung minuto kaya inalis nya ang piring ko, "Sorry, better try again. Tara kain na tayo" sabi nya at nag almusal na kami. After breakfast sa likod kami ng bahay nagtraining. Ngayon may walking stick na ako. Sinuot ko ang piring at sinamahan niya ako maglakad lakad para sanayin ang gamit ng walking stick. "Mahirap ano?" tanong nya. "Oo nga e, pero bakit ko pa ginagawa ito e magpapanggap lang naman ako" tanong ko. "Oo pero dapat mo din malaman pano talaga. Kasi now sasanayin mo pano talaga maging bulag, after oo nakakakita ka na pero kailangan yung acting mo tunay. Pag nasanay ka dito mas madali ka na mag acting" sabi nya.

"So ikaw din nagtraining sa daddy mo?" tanong ko at tumawa sya. "Oo pero wala yung kiss part, sa kanya pagkain ang reward, at yon din ang reward mo sa later training" sagot nya. "So wala na yung kiss?" biro ko at tumawa sya. "Depends, malay mo hindi lang kiss" sabi nya at sa sobrang tuwa ko natisod ako at tawa sya ng tawa. "Bakit di mo sinabi na may harang?" tanong ko habang nakahandusay ako sa lupa. "Kinakausap mo ako e di ko nakita, kaya nga may walking stick ka, dapat alert ka" sabi nya. "E di ko pa alam gamitin to e" hirit ko. "Kaya nga aralin mo e! Dami mo arte, tayo!" sigaw nya at nagbago nanaman ang ugali nya, nakakatakot pala sya talaga.

Buong araw ilang beses ako naumpog at nadapa pero medyo natututo na ako gamitin ang walking stick. Pagsapit ng dinner tinatawanan ako ng ninong ko pagkat ang dami kong pasa. "Ano gusto mo pa ituloy?" tanong nya at napatingin ako kay Bea at kinindatan nya ako. "Oo nong, wala to, sus im still alive naman e. Watch and learn" banat ko at ngumisi silang dalawa.

Second day, din a ako pwedeng lumuhod kailangan nakatayo na ako bababa ng hagdanan. Lalo ako bumagal pagkat natatakot ako humakbang. Inaalalayan naman ako ni Bea gamit ang boses nya. "Sige hakbang, wag mo lakihan, malapit ka na sa baba" sabi nya at talagang nanginginig ang mga paa ko sa bawat hakbang. "Okay, last na tapos ground level na, isa nalang nasa baba ka na" sabi nya kaya pagbaba ko ng isa kampante na ako, humakbang na ako para maglakad pero nagulat ako wala ako hahakbangan. Natumba ako at napadapa sa sahig. Inalis ko ang piring at tawa ng tawa si Bea. "Sabi mo wala na?" sigaw ko sa kanya. "Sira! Naniwala ka naman, madaming manloloko sa mundo ano?! Kaya nga may walking stick ka para kapain mo daan mo e. Ayan buti nga naniniwala ka kasi agad" sabi nya sa akin.

Isang linggo lumipas at talagang pinahirapan ako ni Bea, ni isang reward wala ako nakuha sa kanya. Nagluto sya ng dinner at humarap na sila ni ninong, bigla ako pinunta sa taas at piniringan, kung makababa daw ako sa dining area in ten minutes pwede na ako kumain. Nagawa ko naman at alam ko wala pang sampung minuto, nagawa ko pa maupo sa silya at inalis ko ang piring at konti nalang ang ulam na natira. "Bakit ito nalang?" tanong ko at tumawa si ninong. "Ang tagal mo e at gutom na gutom ako, sorry" sabi nya at tawa ng tawa si Bea. "Lutuan nalang kita, ano gusto mo?" tanong nya at bigla nanaman nagbago ang ugali nya, bumait siya bigla.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Athan: Bulag na Masahista by PaulitoWhere stories live. Discover now