Chapter 8 Camera

306 6 7
                                    

At bago pa ako mainis ng todo kasi ang labo niya talaga, umalis na ako. Kumuha nalang ako ng tissue para punasan ang damit ko. At careless na kung careless, pero mas iintindihin kong linisin yung bagong damit na binili sakin ni Mama kesa matalisod ako habang naglalakad kakapunas sa damit ko. Ayoko kayang mabulyawan na naman ni Mama. Pagpili pa nga lang ng damit na susuotin namin, kung ano-ano na mga comments niya. Kesyo ganito dapat at hindi ganyan. Kala mo naman, may pinagkaiba yung long-sleeves sa coat. Well, meron naman pero I mean, pareho lang naman silang pangtakip, diba? Ayun lang naman point ko. Eh sobrang informal daw. Party yung pupuntahan ko, hindi daw gimikan. Eh kung siya nalang kaya pumunta? As if naman ginusto kong pumunta dito diba? Ano naman kayang susunod na kamalas---

“Ahhhh---!” And I bit my lip. Naku. Sana hindi masakit yung pagkadapa ko. Please. Wag sana masakit. Please. Please. Wag sana. Wag sana. Wag sana ma--- ang tagal ko bumagsak ah. Slow motion?

“Okay ka lang?” Dahan-dahan ko dinilat yung mga mata ko. May nakasalo sakin. Nakakahiya!

“Ah. Oo.” Sabay biglang tayo. Aray. Wag kang ma-out of balance. Wag kang ma-out of balance.

“Oh?” Smile. “Tumayo ka agad. Sigurado kang okay ka lang?” Concern siya.

“Oo. Okay lang ako. Salama----“ Sinabing wag ma-out of balance e. Ano ba to! Sobrang nakakahiya na ah. Second time. Sinalo na naman ako.

“Sabi na eh. Hindi ka pa okay. Baka na-sprain yung paa mo. Halika, dun tayo sa bench.” At inakay niya ako papunta sa bench. Hayy. Nga naman, baka nga tama si Tammy. Baka nga crush ko na tong si Mr. Smile. Laging knight and shining armor ang drama eh. Laging nandyan. Lalo pa ngayon. Ang sakit talaga ng paa ko. At sobrang concern ng itsura niya. Kala mo siya yung natapilok eh.

“Okay lang ba hubarin ko yung sapatos mo?”

“Huh?”

“Baka kasi kung sprain yan, mapasama lalo. Need natin i-elevate at i-rest siya para hindi lumala. Kailangan din sana ng ice kaso wala dito kaya… Wait ka lang dito ah.”

“Bakit? Sa tingin mo, saan ba ako pupunta sa lagay kong to?” And he smiled. Parang nawala yung sakit.

He came back with a bandage and ice. He placed the ice on my ankle then after 10 minutes, wrapped the bandage around my ankle. Expert?

“Feeling better?”

“A little.”

“Good.” And then smile. Hay naku! Nakaka--- Wait! Picture! I took my phone and was able to catch his smile on the camera.

“Ah! Yung flash. Masakit sa mata ah. Sandali. Anong ginagawa mo?”

“Sabi ko kasi sa friend ko, pipicturan na kita next time na magkita tayo.”

“Bakit naman?”

How To Write A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon