Matapos nilang magdinner ay tinuloy na lamang niya ang pakikipagkwentuhan rito na pinapaunlakan naman ng binata. Pakiramdam talaga niya ay malapit na siya sa tagumpay, unti nalang at matutupad na niya ang inaasam niyang pangako sa sarili.

"You want to dance?" tanong sa kanya ni Francis matapos marinig ang slow dance na siyang pangunahing attraction ng restaurant na iyon para sa mga nagdi-dinner

"Nope, let's just stay here" saad niyang ikinatango naman nito

"Can I order another drink for us? May gusto kasi akong drink dito. I wanted you to try it with me" pagpapacute pa niyang tanong rito

"Sure" saad nito na ubod ng tamis ang ngiti sa kanya

Hindi niya pinarinig ang kinuha niyang alak para sa kanilang dalawa at nang dalhin sa kanila ang inorder niya ay halata ang naging pagbabago ng itsura ng binata. Isa iyong vintage wine na nitong mga nakaraang araw ay napag-alaman niyang weakness ni Francis. Madali kasing mahilo ang binata kapag ito ang iniinom. Kailangan sa araw na ito ay mapatumba niya ang dakilang John Francis Arevalo na gumulo sa tahimik niyang mundo.

"Ta-dah!" wika niyang siya na ang kusang nagbukas ng wine bottle na hawak

"O, bakit parang natulala ka diyan? Ayaw mo ba nito? Gusto ko pa naman ipatikim sa'yo ito" naglulungkot-lungkutan niyang wika sa binata

"Hindi naman pero kasi—"mahinang usal nito na halatang kabado sa nakikita

"Huwag mong sabihin na madali kang mahilo dito? Parang normal na wine rin lang naman ito" pagpuputol niya sa sanay sasabihin ni Francis

"Ha? Hindi ah, I have no weakness and such. Nope. Not at al!" wika nito na halata ang pagiging defensive

Agad namang napangisi si Katie sa kinakalabasan ng lahat. Na-provoke na niya si Francis. Mapainom lamang niya ito at makukuha na niya ang mga impormasyong makakapagpaganti sa kanya sa binata.

Wala siyang ginawa kung hindi dumadal ng dumaldal at aliwin si Francis. Siya ang nagsasalin ng wine rito habang siya naman ay napepeke ito sa pagtatapon ng alak na isinasalin sa kanya sa ice bucket na nasa ilalim lamang ng upuan niya.

"Alam mooo, h-hindi ko naiship na after so many yearsh magkakagushto ka sha'kin" wika ni Francis kay Katie na halatang lasing na rin sa tono pa lang ng pagsasalita. Pinindot na niya ang voice recorder para masimulan na ang kanyang plano.

"Talaga? then do you trust me?" ito na ang moment na pinakahihintay niya

"Yesh"

"Pwede ba kong magtanong sa'yo?"

"Sh-ure, my princshess"

"Ano ba ang pinakamalaking kahihiyan mo sa buhay?" unang tanong niya sa binata

"Kah-hihiyan? S-h-siguro iyong pinagt-rripan ako nung mga ka-bashketball ko n-nung college at hh-h-inubaran ako nung p-p-practice game"

"O talaga? Paano mo naman nasabi na iyon ang pinakanakakahiya?"

"E, kas-hi maraming n-nakak-kita lalo na i-iyong mga babae. And I was-h wearing a Barney boxer'sh for people's s-hake"

Hindi niya mapigilan ang sarili niya sa kakatawa. Ang lakas ng kutong-lupang ito na pagtawanan siya sa Hello Kitty underwear niya noong high school samantalang mas malala pa pala ito sa kanya. College na, nagba-Barney pa.

"Okay, okay. Let's skip that topic. How about iyong sa parte ng katawan mo? Ano ba ang pinakapangit na parte ng katawan mo na ayaw mo malaman ng ibang tao?" pangalawang tanong na niya kay Francis

"Will y-you promish-e to keep it a secret?" mapungay na matang tanong sa kanya ni Francis

"Yes" cross finger na sagot niya kay Franz

A War Like LoveWhere stories live. Discover now