Mabilis naman ang naging pag-aasikaso sa kanya ng empleyada ni Francis and in just a minute ay binigyan na siya nito ng signal na maaari na siyang makapunta sa office nito sa pinakamataas na bahagi ng gusali.

"Hey! My little Katie, a pleasant surprise for you to be here. Kamusta na?" ito ang bungad na bati sa kanya ni Francis pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina nito

Kung wala lang siguro siyang plano baka nga nabuwisit nanaman siya ngayon ngunit kailangan niyang pigilin ito. She must start this with no more delays.

"Hi Frans! Did you miss me? Ako miss na miss na kita" wika niya na ipinulupot kaagad ang kamay sa leeg nito

Halata niya ang pagbabago ng reaksiyon nito base na rin sa mukha ng binata. Kung hindi lang siya umaarte, tatawanan niya talaga ito ng todo-todo

"What the, anong nangyari sa'yo Katie?" wika nito na halata na takang-taka sa kinikilos niya

"I just realized that yeah, I really do like you, hindi ba't iyon din naman ang gusto mo? Ang magkagusto ako sa'yo?" wika niya na umupo sa guest chair sa harap ng lamesa nito at patuloy ang pagpapacute sa binata

"You like me?" nagtatakang tanong nito

"I don't know how but I started to realize na napasuko mo na nga ako" maliit na ngiti pa niyang wika rito na hindi pa rin ikinaalis ng kunot sa noo ng kausap

"Paano naman nangyari iyon samantalang kinaiinisan mo ko?" hindi pa rin ito makapaniwala sa inaasta niya

"Hindi ba't may kasabihan nga na the more you hate, the more you love? And I just realized na gusto na nga talaga kita"

"You're being unreasonable Katie"

"I'm just being me, Francis"

Kung hindi pa sana pumasok ang sekretarya nito para ilapag ang coffee ay sasagot pa sana si Francis. Halata ang pagkadisgusto nito sa ginagawa niya. You want me to play your game? Then I'll make your wish come true isip-isip niya sa sarili

Pagkaalis ng sekretarya nito ay matagal siyang pinagtitigan ni Francis. Hindi siya nagpatalo at ginantihan rin niya ito ng titig. Hindi siya susuko hangga't hindi niya nagagantihan si Francis. Iyon ang dahilan kung bakit ginagawa niya ang kalandiang ito.

"Okay fine, you like me. So what's the plan?" tanong nito na unang bumawi sa pagtitigan nila

"Wala, I don't plan on committing yet. I just want you to know na simula ngayon lagi na kong nandito para sa'yo. I'll stay by your side" ngingisi-ngising wika niya

And so she will be.

MAGAGANDANG ARAW na ang dumadaan kay Katie. Unti-unti na niya kasing napapaikot si Francis at dahil sa ginagawa niya ay marami na siyang nalalaman sa binata. Noong mga nagdaang araw ay paniwalang-paniwala na talaga itong may gusto siya rito. Nakikita niya na hindi na talaga nag-aalinlangan sa kanya ang binata at panatag na ito na may gusto talaga siya.

Sa mga nagdaang araw ay marami na siyang nalaman na weakness nito. Ngayon nga sa araw na ito ay isakakatuparan niya ang isa sa mga plano niya. Makikipagkita siya kay Francis ngayon sa isang fine dining restaurant para magdinner at syempre doon na rin niya gagawin ang plano para mas marami pa siyang malaman sa binata.

"Late na ba ko?" pagpapacute niyang saad kay Francis

"Nope, you're just in time" wika nito na iniurong pa ang upuan para sa kanya Nagpapakagentleman naman ang kutong-lupa

Knowing Francis, hindi naman ito ang totoo. He could have been pero pinili nitong hindi maging gentleman sa mata niya noong mga panahon na binastos siya nito. Isa pa, tuwang-tuwa siya sa nagiging feedback ng kalokohan niya kay Franz. Napapatawa niya ito at napapangiti rin niya. Sige tawa ka lang, magdudusa ka sa'kin mamaya

A War Like LoveWhere stories live. Discover now