♡《That's My Babe-girl》♡

2.9K 38 11
                                    

G/N: Before start reading, here's a little info about the 'AlyDen Love team".

Info: This is a AlyDen Fan Fiction, AlyDen is Alyssa Valdez and Denisse Lazaro from Ateneo De Manila University. They're playing volleyball, and they are part of team "Lady Eagles".

~*~

Alyssa's Pov
Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko, andaming tao ngayon sa MOA Arena. Concert kasi ngayun ng The Vamps.

"Wooohooo~ Ang gwapo mo talaga Connor!!" sigaw ni Den habang tumatalon.

Sobrang ingay dito ngayun sa Arena, ang lalakas ng hiyawan.

"Wooohooo~ Bradley why so hot?!" sigaw ni Den.

Sayang-saya siya sa pagtalon at pagsabay sa kanta ng The Vamps.

"Oh Cecilia! You're breaking my heart!!!" kanta ni Den.

Nakatingin lang ako sa kan'ya, ang cute niya talaga tignan. Tumingin siya sa akin.

"Oh Aly? Bakit di ka nagsasaya?" tanong niya.

She's so very cute. Pero, possible ba ako'ng mainlove sa isang kauri ko?

She waved her hand at my face, "Hello? Aly? Ang cute ni Tristan habang nagd-drums oh! 'Diba favorite mo siya?" sabi ni Den.

Mas cute ka sa kan'ya, Den.

"Oy!" tawag ni Den.

Bumalik ako sa sarili ko, "H-ha? M-may sinasabi ka ba, Den?" tanong ko.

Pinitikan niya ako sa noo, "Sira ka talaga, Aly. Haha! Enjoy this night!!" sabi niya.

Bumalik ang tingin niya sa The Vamps at sumabay ulit sa kanta. Hinawakan ko yung left hand niya, napatingin siya sa akin. Tinaas ko yun at nagsisigaw-sigaw kami. Kahit halos kiligin na ako kasi hawak ko ang kamay niya.

Can I really fall in love with a girl?

~*~

"Ang saya 'no?" tanong sa akin ni Den pagkalabas namin ng Arena.

Ngumiti ako, "Sobra." sabi ko.

"Tara sa---!"

Biglang nagring yung phone niya, "Saglit lang, Aly." sabi niya at sinagot ang tawag.

"Hello?...Aww, salamat....Talaga?! Yehey! Salamat talaga!...sige, bukas? Okay, okay....bye..." sabi niya 'saka binaba yung tawag.

"Sino 'yun?" tanong ko.

"Si Carl, pasado na daw ako sa ibang bansa." sabi ni Den.

Napakunot yung noo ko, "Huh? Hindi ka na sa Ateneo? Paano na ang pagv-volleyball mo? Sa team? Iiwan mo na lang ang Lady Eagles?" tanong ko.

"Easy ka lang, Aly. Sa next month pa naman ako mag-aaral sa ibang bansa eh!" sabi niya.

"Aalis ka? Bakit ganun, Den? Mahal na kita eh!" sabi ko.

"Alam ko'ng mahal mo ko, Aly. Mahal naman din kita eh, as a friend." sabi niya.

Nadisappoint bigla ang mukha ko, "I don't love you as a friend---I love you as my babe-girl." sabi ko.

Nanlaki yung mga mata niya, "Tomboy ka Aly?!" biglang tanong niya.

"I fell in love with you, Den. Do you feel the same way?" sabi ko.

"Hoy Valdez! Ano'ng pinagsasabi mo d'yan? Gutom lang 'yan! Tara sa MOA at mawala naman yang gutom sa tiyan mo!" sabi ni Den at umalis.

Sinundan ko na lang siya, aalis na siya.

~*~

"Den, 'di ako nagbibiro! Mahal na kita!" sabi ko.

"Aly naman, baliw ka ba? Naka-drugs ka ba? Babae ako! Babae ka din naman, dapat sa lalaki ka naiinlove hindi sa akin!" sabi ni Den.

"Den, just love me too. Wala ako'ng pakialam sa sasabihin nila, mahal kita, mahal mo din naman ako diba?" sabi ko habang nakahawak sa kamay niya.

Andito kaming dalawa sa airport, ngayon na siya aalis papunta'ng states. Ayoko'ng mawala ang mahal ko.

"Dennise? Mahal mo din naman ako diba?" tanong ko ulit sa kan'ya.

Nakatingin lang siya sa akin na para ba'ng naguguluhan.

"I---I'm sorry, Aly. M-may boyfriend na ako, at I only see you as my sister." sabi niya.

Napabitaw ako sa kan'ya, "Boyfriend? Wala ka namang kinu-kwento sa akin na may boyfriend ka eh! Sino siya, Den?" sabi ko.

"Si Carl, Aly. Mahal ko siya at nagmamahalan kami, I'm sorry Aly. Mahahanap mo ang para sa'yo. You're a girl and I know na maiinlove ka sa lalaki balang araw, babalik ang senses mo na mare-realize mo na mas mahal mo ang lalaki kesa sa akin." sabi niya at niyakap ako.

"D-Dennise..p-please d-don't g-go." sabi ko na halos magbreak na ang boses ko.

"Sorry, Aly. And goodbye." sabi niya at bineso niya ako 'saka umalis.

Wala na si Den, she's leaving. Mas mahal ko siya kesa kay Carl! 'Di niya ba napapansin 'yun?! Mas mahal ko siya kesa kay Carl, ano naman kung parehas kaming babae? Alam ko'ng mahal niya din ako, I can feel it. Ipaglalaban namin ang pagmamahalan namin, bakit ba di niya yun maintindihan?

I love you, Dennise Lazaro. So long my babe-girl.

The End.

~*~

G/N: Hi sa mga AlyDen shippers/ fans d'yan! Ang cute tignan ng AlyDen so nagawan ko sila ng One Shot hehe.

That's My Babe-girl [One-Shot] (AlyDen FanFic)Where stories live. Discover now