Kinabukasan...
Naglalakad si Kakay... Patakbong lumapit si Bea kay Kakay.
Bea:"BFF!... balita ko! iba na yung status mo!"
Kakay:"Sh! wag ka ngang maingay..."
Bea:"Eh ano nman! KUNG BF MO NA SI TRIS-!" biglang tinakpan ni Kakay ang bibig ni Bea.
Dumating agad si Tristan...
Tristan:"Hi!"
Kakay:"Elow..."
Tristan:"Akin na yan...(sabay abot ng mga gamit ni Kakay) Tara hatid na kita"
Naglakad na sila... Nakita nila si ryan...
Bea:"Ryan!!!..." agad itong lumapit kay Ryan.
Nakatitig lang si ryan sa dalawang magkasintahan. lumapit si Ryan kay Tristan.
Ryan:"Congrats!" inabot ni Ryan ang kamay niya kay Tristan. Nagkatinginan si Tristan at si Kakay. Inabot naman ni Tristan at nagshake hands sila. Hinigpitan ni ryan ang pagkakahawak niya sa kamay ni Tristan. hindi naman nagpatalo si Tristan.
Ryan:"Balita ko Kayo na daw" sabe niya habang nagpipigil ng saket at hawak hawak pa rin ang kamay ni tristan.
Tristan:"Oo, kahapon niya lang ako sinagot" sabe niya habang nagpipigil din ng saket.
Ryan:"ganun ba?... Sana MAGTAGAL KAYO"
Tristan:"OO MAGTATAGAL KAMI..."
Sabay nilang binitawan ang isa't isa. Napahawak si Tristan sa isa niyan kamay dahil nasaktan ito. Habang si Ryan ay iniling-iling nito ang kamay dahil sa sakit na nararamdaman.
Kakay:"Ayos ka lang?"
Tumango lang si tristan, bigla itong napatingin kay ryan ng masama. Umalis na si Kakay at tristan naiwan si Bea at si Ryan. Bago umalis si kakay ay kinurot niya si Ryan sa may tagiliran at binalaan niya ito.
Bea:"Tara na Ryan? san tayo punta?"
Umupo lang si Ryan sa may upuan malapit sa kanila.
Bea:"Kawawa ka naman..."
Ryan:"Oo nga eh ansakit!"
Bea:"Oo alam ko" biglang napatingin si Ryan kay Bea. todo ngiti lang si bea.
Ryan:"Anong ibig mong sabihin?"
Bea:"Ryan... kung nalilihim mo kay Kakay saken hindi"
Ryan:"Anong pinagsasabe mo?"
Bea:"Hay... naku gusto mo talagang sabihin ko nuh... duhhh... halata kaya sayo na may gusto ka kay Kakay"
Ryan:"Huh?! ahahahah! Ewan ko sayo Bea! hinding-hindi yun mamangyayare ah haha.."
Bea:"Yan tayo eh... Torpe"
Napatingin na lang si Ryan sa baba...
Bea:"Mukhang tama ako ah..."
Ryan:"Baket? may magagawa pa ba ako?"
Bea:"Kung sabagay.... ang akin lang naman dapat kase nung wala pa si Tristan eh inunahan mo na pero wala eh... pagiging torpe pa rin yung pinairal mo"
Ryan:"Oo na, Oo na ako na! Ako na yung TORPE! ako na yung talo..."
Bea:"Buti napansin mo..."
Ryan:"Te-Teka nga! pano mo nalaman?"
Bea:"Ako pa! eh di ba nga nung lumipat sina Kakay sa ibang lugar eh sinundan mo siya, nakiboard ka pa sa apartment nila kahit alam naman naten na kayang kaya mo naman bumili ng isang malakeng apartment kaysa kina Kakay, ang yaman mo kaya! anak ng isang kompanyang nag mamay-ari ng isang model ng kotse duhhh obvious na obvious"
Ryan:"Kung obvious sayo ba't di halata ni Kakay"
Bea:"Alam mo naman ang babaeng yun nuh manhid at tiyaka wala naman siyang mapapansin kung walang magsasabe sa kanya, ewan ko naman sa babaeng yun! Napakabulaaaag"
Ryan:"Andiyan naman ako palagi sa tabe niya di ba?"
Bea:"Pero inaaway mo..."
Ryan:"Tinutulungan ko siya palage"
Bea:"Puro patago..."
Ryan:"Kinocomfort ko naman siya ah pag nalulungkot siya"
Bea:"Kung makapanglait ka nga wagas..."
Ryan:"Oo na! Oo na! ako na yung mali!"
Tumayo na Ryan at umalis na ito...
Bea:"Teka! nag uusap pa tayo eh aalis ka na agad?!"
----- ----- ----- ------
Sa loob ng isang classroom, nakaupo lang si Tristan at Leo sa isang sulok...
Leo:"Congratulations pare!"
Tristan:"Salamat..."
May kinuha si Leo sa bag niya at inabot ito kay Tristan. kinuha naman ni Tristan.
Tristan:"Para san to?"
Leo:"Panalo ka na... napasagot mo siya... at sakto ah nung sinagot ka niya saktong sakto na bago matapos ang isang buwan ...Wow pare! (slow clap)... Ikaw na talaga! bilib na ako sayo"
May narinig silang na para bang may nahulog, napalingon ang dalawa. Nakita nilang dalawa si Kakay nakatayo at nahulog nito ang dala-dalang canned na sofdrink. Napatayo si Tristan.
Tristan:"Kakay... magpapa-" bago pa man matapos ang pagsasalita ni Tristan ay tumakbo na ito palayo sa kaniya. Sinundan naman siya ni Tristan. Nahabol ni Tristan si kakay. Hinawakan niya ang braso nito at pinaharap sa kanya.
Tristan:"Kakay teka!" pagharap sa kanya ay sabay ring sinampal siya ni Kakay. Nagulat si Tristan sa ginawa ni Kakay.
Kakay:"Pinagkatiwalaan kita Tristan.... Pinaniwala mo ako... Akala ko totoo pero shocks! ang tanga ko!"
Lumapit si Tristan kay Kakay at hinawakan ang kamay ngunit inalis naman agad ni Kakay.
Tristan:"Hindi, hindi naman sa ganun..."
Kakay:"Kung hindi... eh ano?!... sabihin mo sa akin kung ano?! (tinulak tulak ni Kakay si tristan) Ano huh?! (tulak) ano?!(tulak) wala ka naman palang masabe eh! naglolokohan lang ba tayo dito?! Ano toh?! isang laro?! panalo ka ba?! CONGRATULATIONS! congrats ha! napa-oo mo ako sa mga imahinasyon na ibinigay mo... ginago mo ako... ginago mo ako Tristan... at salamat ha... Thank you for this Heartbreak!" Umalis na agad si Kakay. Naiwan si Tristan nag sisipa sipa ito dahil sa galit sa sarili.
END OF SCENE 4
YOU ARE READING
SCRIPT: Ang Istorya ng Panget (one shot)
RomanceIsang babae na pinagkaitaan ng kapalaran at ganda... isang mala-cinderelang istorya ang iyong tutunghayan sa buhay ni Kakay... may dadating pa kayang magandang bukas sa isang panget na katulad niya? ABANGAN. author's note: hahaha! ginawa ko lang it...
Broken Trust
Start from the beginning
