Ang Umpisa ng Buhay ng Panget

144 0 0
                                        

Narration

Mayroon isang babae na nagngangalang Kalessa Kae Aurine, tawagin nalang natin siya sa ngalang Kakay. Si Kakay ay ipinanganak noong February 27, 1995 kung saan lahat ng biyaya ay hindi niya nasalo. Ang kanyang ama ay iniwanan siya dahil baon na ito sa utang at ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagpapanganak sa kanya. Siya ay naninirahan ngayon sa kanyang amazonang tita, lagi siya nitong inaalila. Hindi naman niyang magawang magreklamo dahil ito na lamang ang natitira niyang kadugo at ito na din ang nag alaga sa kanya simula pa noong sanggol pa siya. Mala-Cinderella ang kanyang buhay ngunit ang pagkakaiba siya ay kabilang sa mga isinumpa! At hinding-hindi niya iyon ipagkakaila.

Tita: "KAKAYYY!!!!!"

Nagising si Kakay sa sigaw ng kanyang tita.

Tita: "(pumasok ito sa eksena) KAKAYYYYY!!!!!!.... bumangon ka na diyang babae ka! Naku! Naku! Nakung Bata ka!...(inalis ang kumot na nakapatong kay Kakay) Bumangon ka! Bumangon ka!"

Kakay: "Ehhh..titaaaa ang aga-aga pa ooooh..."

Tita: "Anong maaga?! Gumising kana diyan!... (itinapon sa kanya yung unan)"

Kakay: "Ieehhh....Ayokoooooo..."

Tita: "Ah. Ayaw mo ah... nagrereklamo ka na ngayon ah (kinurot ang tenga ni Kakay)"

Kakay: "A-a-a-arayyy! A-a-aray tita! Masaket! Masaket! Macheket!"

Tita: "Masakit? Masakit?(tumango-tango lang si kakay) Gumising kana!... (hinila nito si Kakay hanggang sa makatayo Ito)"

Kakay: "A-a-a-arayyy... gigising na ako tita, gigising na po ako"

Binitawan na nga siya ng tita niya. Napahimasmas ng tenga si Kakay.

Tita: "Hoy babae! Baka nakakalimutan mo! Border ka lang dito! Hindi ka bisita! Gumising kana kung ayaw mong palayasin kita! Susmaryosep na babae ka! (Ginagaya-gaya niya lang ang kanyang tita, iniinsulto niya ito habang nakatalikod ang kanyang tita) Mula nung iniwan ka saken ng walangya mong ama! Naghihirap na ako ng todo! Todo! Alam mo bang mahirap kang alagaan! (Napalingon ito kay kakay)... Kaya bilang kabayaran magtrabaho ka! Asikasuhin mo na yung almusal!"

Kakay: "O-opo"

Umalis na ang kanyang tita. Napabuntong hininga na lang ito at kinuha na ang kanyang tuwalya at sipilyo dinala niya na rin yung kanyang sabonera.

Pagdating niya sa may hallway...Nakita niya ang kanyang kaaway na si Ryan, kapitbahay niya ito dati ngunit noong lumipat sila ng kanyang tita nagboard na ito sa kanila malapit daw kase yung nilipatan nila sa eskuwelahan. Simula nung bata pa sila, Ito na ang laging umaasar sa kanya at nagpapaalala sa kanya na araw-araw ay panget siya.

Ryan: "oh! Gising ka na pala panget" ngumisi ito sa kanya.

Tinarayan lang ito ni kakay.

Ryan:"Wala bang bati galing sayo? Binati ka na ng guwapong katulad ko suwerte mo nga eh" yabang niyang sabe.

Kakay: "Sorry ah... bumabati lang ako sa mga matino hindi sa may sabit"

Ryan: "Sus... aayaw pa ang panget"

Kakay:"Hoy Batchoy!... kung ayaw mong maumpog ko yang mukha mo sa pader, tumigil ka!"

Biglang lumbas sa C.R. yung tita ni kakay... Nag unahan ang dalawa sa pagpasok. Napasandal sa pader ang tita niya.

Kakay: "Batchoy! Kung ayaw mong upakan kita tumabe ka!"

Ryan:"Hoy panget! Ako ang nauna kaya ikaw yung umalis!" Sabi niya sabay tulak kay kakay.

Kakay: "Aray!"

Bumalik ulit ito sa pinto ng C.R. ... ngunit agad isinara ni Ryan ang pinto ng C.R.

SCRIPT: Ang Istorya ng Panget (one shot)Where stories live. Discover now