Makalipas ng apat na araw...
Si Kakay ay pauwi ng naglalakad sa may hallway. Biglang dumating ang isang grupo. Hinarangan nila ang dinadaanan ni Kakay. Nag iba ng direksyon si Kakay kaso hinarangan pa nila ito. Pilit si Kakay dumaan ngunit hinila siya ng isang babae... Ngunit hindi papigil si Kakay pilit pa rin siyang dumaan.
Girl:"(hawak ng mahigpit sa braso ni kakay) Tekaaa... mag uusap tayo ih."
Kakay:"Ano bang pag uusapan naten?" tumingin tingin si Kakay sa iba pang kasama ng babae.
Girl:"Let's talk about tristan at ang iyong kalandian"
Kakay:"Huh? Ano bang gusto mong mangyare?"
Girl:"Well... naiinis ako eh kaya bibigyan kita ng konting demonstration sa mga babaeng lumalapit sa kanya na para bang linta kung makakapit sa kanya"
Ang iba naman ay hinwakan ang buhok niya at pinaglalaruan, ang iba naman ay hinawakan yung bag niya at pinaglalaruan pati na rin yung gamit niya.
Kakay:"Wala tayong pag uusapan.."
Girl:"Anong wala?...(itinulak niya si kakay ng mahina) anong wala huh? (itinulak siya ulit ng mahina) huh? (tulak ulet) huh??? (itinulak niya na si Kakay ng malakas kung saan nadapa na si kakay)
Girl:"Hoy! (sabay sipa ng paa ni Kaka, may inabot ang babae na spray at band aid)"
Lumapit ang babae kay kakay at inispray niya si kakay. Biglang tumayo si Kakay at pilit umalis ngunit hinila ng babae ang buhok ni Kakay kaya hindi siya nakaalis.
Girl:"Hindi pa ako tapos nuh...(hinila niya ng malakas ang buhok ni Kakay kaya nadapa ulit ito at patuloy ng inisprayan siya ng babae) Yan! Para naman maging mabango ka! Ang sangsang mo kase!"
Maya-maya ay pinagbabato siya ng mga basura.
Girl:"Basura! Panget ka na nga! Lumalandi ka pa!"
Lumapit ito kay Kakay ulit at nilagyan ng band aid ang mukha ni kakay.
Girl:"Sana makatulong ito ah pangtapal ng kapangitan mo"
Tumayo na ito at iniwan si Kakay sa sahig.Kinuha ni Kakay yung gamit niya at kinuha ang mga basura. Itinapo niya ang mga basura... Umalis na nga si Kakay. Nakita ni Tristan si kakay, lumapit ito sa kanya.
Tristan:"KAkay!...(hinawakan ni Tristan ang braso ni Kakay napalingon si kakaY) Oh?! Anong nangayare sayo?! (napatingin lang si Kakay sa baba, Tiningnan tingnan ni tristan si kakay, gulat na gulat ito) Halika nga!"
Hinila ni Tristan si kakay, umupo sila sa isang upuan....
Tristan:"Uy... umimik ka naman oh..." sabe niya habang inaalis yung mga nakadikit sa buhok ni Kakay. Hindi pa rin si Kakay umiimik, nakatulala lang ito)
Tristan:"Kakay... Umimik ka naman para akong tanga dito oh... ano ba talaga ng nangyare?"
Kakay:"Panget ba ako?" Nagulat si Tristan.
Tristan:"Ah..eh...(napakamot siya sa batok)"
Kakay:"panget ako (laugh)..."
Tristan:"Ehh.... hindi naman sa-"
Biglang umiyak si kakay na parang batang kinunan ng candy.
Umiiyak si Kakay...
Tristan:"A-a-alaaaa... u-u-uyyyy..."
Patuloy pa rin si kakay sa pag iyak...
Tristan:"Ka-kakay?..."
Kakay:"(umiiyak)... Alam ko namang panget ako eh...hindi naman nila kailangan ipamukha saken ih... Tiyaka naliligo naman ako ah araw araw...Hindi naman ako masangsang ah...di ba???"
YOU ARE READING
SCRIPT: Ang Istorya ng Panget (one shot)
RomanceIsang babae na pinagkaitaan ng kapalaran at ganda... isang mala-cinderelang istorya ang iyong tutunghayan sa buhay ni Kakay... may dadating pa kayang magandang bukas sa isang panget na katulad niya? ABANGAN. author's note: hahaha! ginawa ko lang it...
