Leo:"(nag-shoulder bump ang dalawa) Pre... mukhang good mood na good mood tayo ah"
Pakipot na ngumiti si Tristan. Biglang kinuwelyuhan ni Ryan si Tristan. Nagulat si Tristan pati na rin si Leo.
Ryan:"Asan si Kakay?! Asan si kakay?! san mo siya dinala?!"
Tristan:"Pare! Easy! wala akong ginawang masama kay Kakay!"
Ryan:"Gago ka... san mo siya dinala ha?! Anong ginawa mo?!"
Ngumiti lang si Tristan, biglang dumating si Kakay. Para bang may malakas na hangin ang dumating dahil palipad-lipad ang buhok ni Kakay. At parang dahan-dahang naglakad si Kakay papasok sa klase. lahat ng tao ay nakanganga pati na rin si Ryan.
Kakay:"Ryan! Ano ba?! Tigilan mo nga si Tristan!"
Nakatulala lang ang lahat ng tao kay Kakay, malalake man o mababae lumapit ito lahat kay Kakay para makasiguro kung si Kakay nga siya.
Ryan:"Ka-kakay?!"
Kakay:"Oh? bakeeett?! (tumingin-tingin ito sa lahat ng tao) parang nakakita kayo ng multo!"
Boy:"Ikaw ba talaga yan? Ang ganda mo na ah!"
Kakay:"(pabebe) ay thank You"
Biglang hinila ni Ryan si kakay palabas. hinigpitan niya ang pagkakahawak kay Kakay.
Ryan:"Halika nga!"
Kakay:"A-Aray! Ryan! Nasasaktan ako! ano ba?! A-Aray!" binitawan agad ni Ryan si Kakay at harap agad dito.
Ryan:"San ka ba galing ah?! Ba't kasama mo yun?! San ba kayo nagpunta?! At anong suot mo?! Punong-puno ka ng kulorete sa mukha mo!alam mo bang naghintay ako sayo kaga-"
Kakay:"Anong pake mo! Baket?! kaano-ano ba kita?! Hindi naman kita Lola! ate! mama! kuya! Tatay! lolo! at mas lalong-lalo na hindi kita boyfriend! kaya wala dapat akong ieexplain sayo! tiyaka sabe ko di ba! hindi tayo ganun kaclose! wala tayong koneksiyon! at pwede ba wag makialam! Ryan minsan lang toh! sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito! Hayaan mo nman akong maging masaya, Pleaseee lang Ryan!Please lang"
Umalis na si Kakay at naiwan si Ryan, Napasuntok na lang si Ryan sa may pader.
Uwian...
Umuwi na si Ryan... maya-maya ay dumating na din si Kakay sa bahay... Nagkatinginan lang ang dalawa. tila umiiwas ang dalawa sa isa't isa. Pagkpasok nilang dalawa sa bahay. Nakita nilang umiinom ang tita ni Kakay ng isang basong tubig.
Tita:"Ryan! di ba sabe ko bawal magdala ng babae sa bahay!"
Ryan:"Wala HO! akong GIRLFRIEND!" nagulat ang tita ni kakay dahil pasigaw niya itong sinabe.
Tita:"Wala?... eh sino toh? (sabay turo kay Kakay)"
Ryan:"Ewan ko Ho! wala ho akong NAKIKITA!" diin niya. Umalis na si Ryan.
Kakay:"Si Kakay ho tita"
Tita:"Huh?! Owwwwsss... di nga?"
Kakay:"Tita naman ih!" inikutan siya ng tita niya, naninigurado kung si Kakay nga siya.
Tita:"Kakay?!"
Kakay:"Oo nga ho!"
Tita:"Ba't ganun si Ryan? Nag away na naman ba kayo?!"
Hindi na inintindi ni Kakay ang tita niya. Umalis na lang ito. Sa loob ng kani-kanilang kuwarto, sinadya ni Ryan na lakasan ang music niya. Habang si Kakay ay nagbabasa ng libro nainis si Kakay kumuha si Kakay ng earphone at nilagay nga siya tenga niya. Ngunit mas lalong nilakasn ni Ryan ang music... Inis man ay kumuha na lang ng unan si Kakay at nilagay sa ulo niya, mas lalo pang nilakasan ni Ryan ang music niya, kumuha si Kakay ng kumot at binalot niya ang sarili niya. Ngunit hindi papigil si Ryan at dinagdag pa ang volume ng music nito. Tumayo na agad si Kakay at pumunta sa kuwarto ni Ryan...
Kakay:"Hoy! Ryan! nananadya ka ba?!"
Walang marinig si Ryan. Tumingin lang ito sa kanya at sinenyasan na wala siyang marinig. Sinenyasan na lang siya ni Kakay na lumapit. lumapit naman si Ryan. Pagkalapit-pagkalapit ni Ryan ay binungangaan siya ni Kakay.
Kakay:"Hoy! lalake! Hinaan mo yung music mo kung ayaw mong bugbugin kita! KAya please! pakihina!"
Ryan:"Huh?! Hindi kita marinig!"
Kakay:"(inis ito) Sabe ko! hinaan mo!"
Ryan:"Huh?! Gutom ka na?!"
Kakay:"PA-KI-HI-NA PO NG MU-SIC MO!!!"
Ryan:"Ah okay! wait lang..."
Umalis muna si Ryan dahil may kinuha sa loob ng kuwarto. Bumalik agad si Ryan pero may dala-dala itong mga damit. Binigay agad ito kay Kakay.
Ryan:"Oh! ayan! LABHAN MO NG MAIGI AH!!!"
Napanganga si Kakay. Kitang-kita na kay Kakay ang inis.
Kakay:"AGhhhhh! (itinapon ni Kakay ang mga damit kay Ryan) Ang baho!!!"
Tumadyak-tadyak na si Kakay dahil sa inis... Umalis na lang ito at nagbalot na lang ulit sa kumot niya. Tawang tawa naman si Ryan.
END OF SCRIPT 3
أنت تقرأ
SCRIPT: Ang Istorya ng Panget (one shot)
عاطفيةIsang babae na pinagkaitaan ng kapalaran at ganda... isang mala-cinderelang istorya ang iyong tutunghayan sa buhay ni Kakay... may dadating pa kayang magandang bukas sa isang panget na katulad niya? ABANGAN. author's note: hahaha! ginawa ko lang it...
Luma naging Bago
ابدأ من البداية
