"Habz habz!! ang crush mo!!!"
sabay turo ni habz dun nga sa lalaking naglalakad na bago ko'ng crush.
He really have the looks and appeal.
ANGELO DE CHAVEZ.
my new crush.
Third year college na sya habang ako naman at ni habz ay second year college.
Parehas kami ni angelo na kinikuhang course na BS Business Administration.
At iyon nga, saka ko lang narealize na crush ko sya noong nakita ko syang nagsayaw.
Yung ngiti nya habang nagsasayaw, ay napapanganga ako.
Pogi na siya pero lalo siyang pumo-pogi pag nagsasayaw.
Tatalikod na sana ako para iwasan siya..
Ang kaso huli na ang lahat dahil nahawakan na ni habz ang braso ko.
Lagot!!
"Kuya Angelo!!! kung pwede daw mag papicture si habz sa'yo!!"
Napatakip ako ng mukha ko sa kahihiyan.
Itong si angelo naman ay tumigil nga at ngumiti pa.
Ganito talaga si habz, walang hiya hiya. kahit sino pa yan.
Nasobrahan sa confident.
Naalala ko tuloy nung nasa jeep na kami pauwe...
May kasabay kaming gwapo, at si habz? ayun nasapian ng kahokagehan.
kinuha nya yung cellphone nya at pinindot ang camera para picturan ang lalaking gwapo.
pasimple nya tinutok sa lalaking pogi yung cellphone nya..
At nung naclick na nya..
Ay biglang nagflash ang camera nya at may sound pa.
Nang marealize nya ang nangyare..
Napamura siya sa kahihiyan kase hinde lang yung lalaking pogi ang nakatingin sa kanya pati yung mga nakasakay sa jeep.
Napasmirk naman yung lalaki kay habz at natatawa.
Pagbaba na pagbaba namin ng jeep ay saka ko binuhos ang kinikimkim kung tawa.
"Habz anu ba! nakakahiya ha!"
tinulak tulak ako ni habz hanggang sa makalapit kay angelo na ngayon ay nakangiti parin sa pinaggagawa ni habz na kabaliwan.
At ng magtama ang mga mata namin ay bigla ko agad iniwas.
"Wag kang anu habz gusto mo din naman."
tawa siya ng tawa at
kinuha ni habz ang cellphone nya at tinutok na nya yung camera.
Dahil gusto ko din naman ay go with the flow na lang ako.
"1, 2, 3. smile!!"
"Ohh one more."
Naramdaman ko na lang na inakbayan niya na pala ako.
Kaya napatingin ako sa kanya.
Ng napansin nya iyon ay napatingin din siya at nag half smirk. Perfect!!
......
Kakatapos lang ng klase namin at andito kami ngayon sa canteen.
Habang si habz ay nakain ay tinitingnan ko naman yung pictures namin ni angelo.
Kinikilig naman ako habang tinitingnan ko iyon.
"Kumain ka muna kaya nu??"
si habz
"Hinde, wag na... nag angelo na ako ehh..hihi"
Sabi ko habang nakatingin parin sa picture namin ni angelo.
Bigla namang may nagtext.
Unknown number.
"Hoy babae, nasa akin yung notebook mo... nakalimutan mo dito kunin sa room NB205.. kunin mo na lang sa akin"
