" Okay ka na? Hindi na ba sumasakit yung ulo mo? " Tanong nito ng makalabas na sila Eziekel.

" Ahh oo. Sige Alice, mauna na rin ako. Kailangan pa ko ni Noah. " Ngumiti ito ng tipid bago lumabas ng kwarto.

Stephanie's POV

Hindi na ko mapakali dahil nakikita ko sa mga mata ni Eziekel na nagagalit ito. Hindi ako makaimik dahil baka masigawan pa niya ako. Nang makarating kami sa bahay ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ni Noah. Bubuhatin ko na sana siya ng harangin ako ni Eziekel.

" Eziekel. " Tawag ko rito, pero parang wala itong narinig sa halip ay naglakad na ito papasok.

" Mommy! " Sigaw ni Noah. Kaya tumakbo ako papunta sa kanila nasa kwarto na sila ni Eziekel ng ibaba niya ito.

Nakita kong tinanggal ni Eziekel yung sinturan niya kaya humarang na agad ako.

" Eziekel anong gagawin mo? " Taranta kong tanong.

" Umalis ka diyan Stephanie. " Matigas nitong tugon.

" Ano ba kasing gagawin mo?! " Hindi ko na napigilan at nasigawan ko siya. Tinignan niya ako na parang hindi niya ako kilala.

Pero imbes na sagutin niya ako ay itinulak niya ako pagilid at naglakad papalapit.

" Dapa. " Napatingin ako kay Eziekel, desidido talaga siyang saktan si Noah.

" Daddy, sorry please. I will not do it again, please don't spunk me. " Nagmamakaawa si Noah habang hawak hawak niya ang mga kamay ni Eziekel.

" Dapa! " Sapilitan niya itong dinapa saka ito sinimulan paluin. " How many times do I have to tell you na wag na wag mong papakialaman ang gamit ko?! Ha? " Patuloy lang siya sa pagpalo ng sinturon sa pwet ni Noah.

" Please! Listen to me, I didn't do it. Please just, just let me explain. "
Napahawak ako sa ulo ko ng may marinig na naman akong boses. Hindi boses ng lalaki kundi boses ko mismo. " Daddy, m-masakit na po. " Pilit kong inalis ang narinig ko. Tinignan ko si Noah na iyak pa rin ng iyak.

" Gagawin mo ulit 'yon?! Ha? Answer Noah! " Pinalo niya ulit si Noah kaya hindi na ko nakatiis. Tumakbo na ko palapit saka hinawakan si Eziekel sa braso.

" Tama na! Eziekel anak mo si Noah! " Sigaw ko rito. Nakita ko naman tumakbo si Noah palabas ng kwarto ni Eziekel. " Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?! Sinaktan mo si Noah-- " Naputol ang sasabihin ko ng sumigaw siya.

" Yes! I'm his father that's why I'm doing this! " Sigaw niya pabalik.

" By doing that?! " Tinuro ko yung sinturon na ngayon ay nasa sahig na. " Eziekel natakot sayo si Noah! "

" Stephanie! Wag kang mangialam, your not his mother and your not my wife! Kaya hindi mo ako pwedeng diktahan ng mga gagawin ko! Taga pag-alaga ka lang! Kaya kung gusto kong saktan si Noah para matauhan siya gagawin ko, and you. You stay out of this. " Hindi ko kinaya ang mga sinabi niya kaya nasampal ko siya.

" Oo hindi ako ang nanay ni Noah at hindi mo rin ako asawa! Pero yung makita kong nasasaktan si Noah?! Eziekel nasasaktan rin ako! Paano kung si Julia ang nandito?! Parehas kami ng mararamdaman, kasi kahit hindi ako ang nanay ni Noah. May parte sa puso ko na anak ko na rin siya! Kasi ikaw kung naaatim mong saktan ang anak mo! Ibahin mo kami ni Julia! " Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko bago ko siya talikuran.

" Wag kang mangialam, your not his mother! And your not my wife! Kaya hindi mo ako pwedeng diktahan ng mga gagawin ko! Taga pag-alaga ka lang! "

Para akong sinaksak ng paulit-ulit dahil sa mga sinabi niya. Ano na lang yung mga nangyari samin sa Pangasinan? 2 days of happiness lang? Tanga mo Stephanie! Malamang kasi all this time si Julia lang ang mahal niya. At hinding hindi ka niya magagawang mahalin kasi hindi naman ikaw si Julia!

Pumasok ako sa kwarto ni Noah at nakita ko siyang nakadapa sa kama niya, lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng Kama niya. Mukhang nakatulog na siya dahil sa kakaiyak, nakita ko pa yung natuyong luha sa gilid ng mata niya. Binaba ko yung suot niyang maong short pati yung brief niya, gusto kong maiyak ng makita ko yung pamumula ng pisngi ng pwet niya ng marka doon yung palo ng sinturon ni Eziekel. Nang hinawakan ko iyon ay bahagyang gumalaw si Noah.

" Daddy? " Tatayo sana ito ng hawakan ko siya.

" Shh it's me, mommy Step. " Naramdaman kong dumapa ulit siya kaya kinuha ko yung petroleum jelly sa drawer niya. " He's still mad at me, mommy. " Narinig ko ulit siyang humikbi kaya hinawakan ko yung kamay niya, umupo ako sa sahig saka siya nginitian.

" Daddy's not mad at you, baby. He just got scared kasi baka napano ka, ayaw kang mawala ng daddy. Nagawa niya lang yun kanina kasi natakot siya. Ikaw na lang ang natitira sa daddy mo. Remember? Wala na si mommy Julia mo? That's why natakot siyang mawala ka. He's worried, scared and nervous. Hush now, ayaw kitang nakikitang umiiyak. " Pagkasabi ko nun ay tumahan na siya. Kaya kinisan ko siya sa noo, bago ko simulan lagyan ng petroleum jelly yung pisngi ng pwetan niya. " Masakit? " Bahagya naman siyang tumango.

Third Person's POV

" Oo hindi ako ang nanay ni Noah at hindi mo rin ako asawa! Pero yung makita kong nasasaktan si Noah?! Eziekel nasasaktan rin ako! Paano kung si Julia ang nandito?! Parehas kami ng mararamdaman, kasi kahit hindi ako ang nanay ni Noah. May parte sa puso ko na anak ko na rin siya! Kasi ikaw kung naaatim mong saktan ang anak mo! Ibahin mo kami ni Julia! "

Tila bang binuhusan ng malamig na tubig si Eziekel, paulit-ulit niyang minura ang sarili. Kanina pa siya nakatayo sa harapan ng kwarto ni Noah. Rinig na rinig din niya ang pinag-uusapan ng dalawa, gustong gusto na niyang sapakin ang sarili ng makita niya yung mga latay ng sinturon sa balat ng anak niya.

Kanina niya pa gustong pumasok sa kwarto ng anak, pero tila may pumipigil sa kanya. Nang makita niyang tulog na ang dalawa, ay dahan dahan siyang pumasok at lumuhod sa gilid ng Kama kung saan doon nakaharap si Noah.

Tinignan niya rin si Stephanie at naalala na naman niya ang mga binitawan niyang salita dito.

' It's not true, ayokong mawalan ka ng pake samin dalawa. Kailangan kita-namin ni Noah. '

Umangat siya at hinalikan sa noo si Noah. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa kabilang bahagi ng kama kung na saan si Stephanie at hinalikan din niya ito sa noo. Lumuhod siya rito saka bumulong.

" I can't afford to lose you again. "

Itutuloy...

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now