"Ano ka ba wala akong iniisip na iba. Loyal kaya 'to."

"Wala palang iniisip yung kanina pa nakatulala at hindi man lang ako iniimikan. Tss." Maktol niya. His jaw clenched . Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop yun.

"Wala nga ano kaba. Iniisip ko lang yung moments natin dati. Tara na nga, kain na muna tayo. Hindi ako nakapag almusal eh." Napatakip ako sa bibig. Biglang nandilim ang mukha niya.

"A-Ah ano. Let me explain-"

"Bakit hindi ka nanaman kumain?!" Sigaw niya kaya tumakbo na agad ako.

-

Patuloy pa din ako sa pagtakbo habang palingon lingon. Ngayon ko lang napansin na nasa hallway na pala ako ng music room at wala man lang ka-tao tao.

Napamura ako nang may biglang bumangga sakin. Napasinghap ako ng dumaloy pababa sa damit ko yung kapeng hawak nitong lalake. What the eff. Ang init shit!

"Ugh," Reklamo ko sabay pagpag sa uniform ko. Ang lagkit ko na.

"Oh. Look who's here." Tiningala ko yung lalake. Ganon nalang ako napanganga nang makita ko ang mukha niya. Si Zairel. Or let me say Zach. His complete name is Zairel Chron.

Natulala ako. Bat sa dinami dami nang makakabangga ko, ito pang pinaglihi ata sa sama ng loob? Ang malas ko naman ata ngayon. Ay hindi, malas talaga.

Hindi ko naiwasang mapairap.
"Ah. Ano sige aalis na ko. Sorry dyan sa kape mo."

Aalis na sana ako pero humarang siya sa dadaanan ko. Lumipat ako pa-kanan pero humarang naman siya. Lipat sa kaliwa, humarang nanaman ulit.

"Ano bang problema mo sakin? Kung naghahanap ka ng mapagtitripan, pakiusap wag ako. Padaanin mo na ko, please lang."

He smirked and shook his head. Napayukom ako ng kamao. Konti nalang talaga sasabog na ko.


"Uy Zairel. May practice pala daw tayo mamaya, 4pm. Umattend ka ha. Kailangan ka dun."

"Alright. Pupunta talaga ko. Umalis kana nga." Saad niya kay Josh.

"Oh hi Charlene." Ngumiti sya sakin. Lumitaw ang malalim nyang dimples sa kaliwang pisnge.

Si Josh nga pala ay parte din sa bandang Seduction. Half chinese. Siya yung guitarist sakanila. Playboy siya pero hindi siya mahilig ikama ang mga ka-fling niya. Yeah, nirerespeto niya parin ang babae. Bilib nga ko sakanya eh. Sunod naman si Tyrone, na pinakamakulit sakanila, malakas din trip niyan, siya ang pinaka close ko sakanilang lahat at pianist naman siya ng grupo. Then si Yves, na pinaka matured at asal kuya sakanila. Guitarist din yan. Saka mahilig mag aral yun. At walang oras sa mga babae. Masungit din. Pero pag kinausap mo siya, asahan mo na wala kang makukuhang sagot.


At kung hindi ko pa nasasabi, eh sa Seduction din kabilang ang boyfriend ko which is siya yung drummer 'don while Zach. Well, vocalist. Tss if i know mas magaling pa sakanya kumanta ang Cypher ko. So bale lima sila. Pero ang talagang pinagkakaguluhan ng lubos dito ay si Zach. Ewan ko ba, siguro mga malalabo na ang mata at hindi na alam yung pagkakaiba ng gwapo sa panget.

"Quit staring at her Josh." Nakita ko si Zach na madilim ang mukha.

Ngumisi lang sakanya si Josh tapos tinignan ako ng malalim na parang may sinasabi.

Parang sinasabing tumakbo na ko hangga't kaya ko pa. Mabilis akong nakalayo kay Zach pero mabilis niya ding nahablot ang kamay ko at halos lumabas ang mga mata ko sa gulat nang pinagsalikop niya yung kamay namin ng mahigpit. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Pilit kong binabawi sakanya ang kamay ko pero ayaw niya talaga magpatalo.

Napatingin ako kay Josh.
"Josh alis na kami ah?" Napatitig muna samin si Josh bago tumango at umalis. Hinila ko naman agad si Zach

"Zach bitawan mo na ang kamay ko." Galit kong bulong. Gusto kong sumigaw pero baka matunton kami ni Cypher sa ganitong akto. Knowing him, alam kong magwawala 'yon. Hindi niya pa naman alam na magkakilala kami nitong kaibigan niya.

Oo matalik silang magkaibigan ng boyfriend ko. At malaking gulo 'to panigurado. Hindi lang sila ang masisira kundi ang buong banda.

Nagmamakaawa kong tinignan si Zach pero parang hindi man lang siya tinablan. Hinila niya ko sa hallway kung san ako nanggaling. Tinamaan na talaga ako ng matinding kaba sa dibdib. Pinagpapawisan na ko ng matindi. Hayop 'to, ano bang ginagawa niya?

"Zach san mo ko dadalhin?" Tanong ko pero di siya sumagot. "W-Wag dito please. Sa ibang daan nalang." Napatigil naman siya at lumingon sakin ng malamig.

"Why? Natatakot ka bang mahuli niya tayo?" Napapikit siya ng mariin at diretsyong tumingin sakin. "Mahal mo talaga sya 'no?"

"O-Oo sobra. Ayokong mag away kami ng dahil lang sayo. Let me go." Humigpit ang hawak niya na parang inis na inis. Na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"You wished. I won't let you go away from me. Makita na niya ang dapat makita. Kung talagang mahal ka niya, magtitiwala siya sayo. And if no, then, his fault."

Natahimik ako. What does he mean by that? Sa huli, mas pinili ko nalang balewalain 'yon.

Dire-diretsyo lang kami hanggang sa pumasok kami sa gym at dumiretsyo sa locker room. Hawak parin niya ang kamay ko. Napatingin ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag, mabuti nalang at walang nagkalat na mga estudyante ngayon.

Nabalik ang tingin ko kay Zach. Nakatingin siya sakin habang may hawak na jersey.

"You should change your clothes,"

I looked at it. I shooked my head

"That's yours," I just said.

"Yeah. And then?" Napakunot ang noo niya. I blinked twice. He probably out of his mind.

"You owned that, your stupid surname is on that jersey, yet you want me to wear it?" I looked at him with disbelief. I just imagined how will Cypher throw everything he sees when he found out this. Ayaw na ayaw niya na nadidikit ako sa ibang lalake. But he didn't hurt me physically, not even once. And that's the last thing he'll do.

"Ofcourse. And you should wear that now because you look like a mess, and it's my fault. Kaya hindi ito ang tamang oras para mag inarte ka,"

Aangal na sana ako pero tinulak niya ko sa bakanteng kwarto kung saan sila nagpapalit ng kung anu-ano nila. Sinarado niya agad yon. Tinulak ko yung pinto pero nakaharang sya 'don.

"Hoy buksan mo 'to bruho ka! Hinding hindi ko to isusuot. Uuwi nalang ako,"

Nagtitili ako sa sobrang inis. Tinutulak ko parin yon, pero ang lakas niya. Di ko keri bes. Pinaulit-ulit ko yun itulak pero nabigo ako. Kaya sa bandang huli ako rin ang napagod.

"Don't be so stubborn! Susuotin mo yan o hindi kana makakalabas dito? I have locks," Humalakhak siya na parang magtatagumpay siya sa plano niya.

Napatahimik ako don. Wala na kong nagawa kundi titigan ng masama ang pinto na sana masunog pati ang lalaking nasa labas nito.

"Walanghiya ka talaga Zairel Chron. Babawian talaga kita hanggang sa lumuhod ka sa harapan ko."

Siya naman ang natahimik. I heard him sighed.

"Please Charlene, change your clothes now. Please."


Nagtaka ako. Ano nanamang problema nito? Napaka moody nya ha.

Di ako sumagot. Bakit pakiramdam ko nakokonsensya ako? Kahit hindi ko siya nakikita, parang bigla siyang nalungkot. O baka naman may pinagdadaanan yung tao? Ay ewan, bahala siya dyan. Ah basta ako, gustong-gusto ko ng lumabas.



•••

Lustful SecretOnde histórias criam vida. Descubra agora