Sorry na Rico

73 4 0
                                    

Nagising na si Rico at samantalang si Sam ay mahimbing parin na natutulog..

pinagmasdan ni rico si sam habang nasa kasalukuyan ang pagtulog nito.. At maya-maya'y nagising na si sam at nakita niya'ng nakangiti si rico sa kanya at nagulat si rico haha..

"Ahh gising ka na pala!.. Magandang umaga! :)"- Rico

"Magandang umaga rin sayo! :).. "- sam nakaramdam ako ng sakit sa tiyan!.. Siguro ay nagugutom na ako, dahil kahapon pa ako hindi kumakain.."- ouch!!"

"Bakit sam?!.. Anong masakit sayo?!"- rico may halong pag-aalala sa tinig ni rico.

"Masakit kasi yung tiyan ko!.. Nagugutom na siguro ako!"- sam daing ko at nakahawak sa aking tiyan

"Ahh ganun ba?!.. Sandali!, jan ka lang ah!!.. Hahanap ako ng makakain natin.."- Rico umalis si rico para humanap ng makakain nila ni sam.

Paano ba ako makakahanap ng pagkain nito?!.. Hindi naman maaaring magnakaw ako!.. naalala ko yung ginagawa ko nung nasa kalye palang ako nung bata palang ako!.. Ang mamalimos..

Nagsimula na mamalimos si rico.

"Ate!, palimos po!.. Kuya!, palimos po!!"- ni isa wala man lang nagbibigay kaya naisip ko na kumanta nalang..

"thinking out loud song"-

Dahil sa ginawa kong pagkanta ay nakalimos rin ako!

yes! ...makakabili na ako ng pagkain namin ni sam..

Binalikan ko si sam sa may tulay pero naabutan ko itong wala..

Sam?!.. Sam!!, nasaan ka?!!.. Nataranta na ako sa paghahanap

**

Gutom na ako!, Saan ba ako kukuha ng pagkain! naiiyak nako dahil sa sobrang gutom.. lumapit ako sa nagtitinda ng mais at nanghingi ako pero..

"Ale!!, Pwede po bang makahingi?.. Nagugutom na po kasi ako eh"- sam

"Aba!!, hindi to nahihingi ineng!, Binibili to!!.. Kung hindi ka bibili!, umalis kana!!.. Mamalasin pa paninda ko eh!!"- pagtataboy ng ale kay sam

Dahil hindi ko na matiis ang gutom ay kinuha ko ang isang mais at kinain to,.. sa halip na tumakbo ako ay kinain ko to mismo sa kinuhanan ko!

"aba!.. Hoy!!, anong ginagawa mo?!!.. Magnanakaw ka!!!"- galit ng babae kay sam

"Paumanhin po ginang!, pero nagugutom na po kasi ako!"- sam pakiusap ko sa babae at naiyak narin ako

"Hindi!!.. May magnanakaw dito!!!.. Mamang pulis!!, May babaeng nagnakaw ng paninda kong mais!!"- tawag ng babae sa pulis na kasalukuyang nandon

"Anong nangyayari dito?!"- Pulis

"Etong hong babaeng ito kinain ang paninda ko na hindi binabayaran!!.. Hulihin nyo na yan?!!!"- tinder

"Halika!, sumama ka sa akin!"- Pulis

"Bitawan nyo po ako!!.. Parang awa nyo na!!"- pagmamakaawa ko sa pulis na dumampot sakin at isinakay ako sa isang sasakyan..

Dinala na sa police station si samantha..

**

Patuloy na hinanap at pinagtanong-tanong ni rico kung may nakakita kay sam..

Nagtanong siya sa tindera ng mais kung saan nagnakaw si sam ng mais..

"Hijo!, bibili ka ba ah?!"- tindera

"Ahh hindi po!"- rico

"Hindi naman pala eh!.. Umalis kana!, kung ayaw mong ipadampot rin kita sa mga pulis!!"- tindera

"Ahh itatanong ko lang po sana kung may nakita kayong babae.. Ang suot nya po ay parang nakapangsagala?!"- rico

"Ahh yun ba?!.. Siya siguro yung nagnakaw ng mais ko!!"- Tindera

"Ahh nasaan po siya!"- Rico

"Dinampot siya ng mga pulis!!"- Tindera

"Po?!... Nagpunta ako sa police station para tingnan kung nandon nga si sam..

**
Police station

Ininterview ng mga pulis si sam..

"pakiusap mamang pulis!, pakawalan nyo na ako!.. Hindi ko naman nais nakawin yun!, subalit kumakalam na ang aking sikmura.."- sam pakiusap ko.

"Pero mali parin na magnakaw ka miss!.. Sige na ikulong na ito!"- pulis

"Pakiusap!, wag po!!"- Sam

Ikukulong na dapat si sam ng dumating si rico..

"Rico!! :D"- Sam

Hindi na ikinulong ng mga pulis si sam.. Ang dapat na kakainin nila ay pinagpiyansa nalang sa kanya ni rico..

**

"Rico!!.. Rico pansinin mo naman ako
!, hoy!!.. Galit kaba ah?!"- sam habang naglalakad sina sam ay hindi siya kinikibo ni rico dahil nagtatampo dahil sa ginawa niya..

"Hoy!, sorry na!!"- sam hinarap ni rico si sam at tiningnan siya na parang galit..

"Bakit mo ginawa yun ah?!!.. Sinabi ko naman sayo na hintayin mo ako at maghahanap ako ng makakain natin!!, Alam mo ba yung pagpiyansa sayo kanina ay dapat pambili natin ng pagkain yun!!, napakahirap na nga mamalimos eh!!!.. haaay!!! "- rico Tinalikuran na ni rico si sam at gumawa ulet ng paraan kung paano makakalimos para may makain sila..

Hindi ko napansin na may luhang bumagsak sa mga mata ko!, Buong buhay ko! Ngayon lang ako nasigawan nang ganun.. :'( (sam)

"Rico sorry na!!.. Kung gusto mo, tutulungan kita mamalimos para makabawi naman ako!.. Sorry na!"- Sam habang sinasabi ko yun ay may luhang bumagsak sa aking mga mata.

"Wag na!"- rico galit ito at umalis na si rico para muling mamalimos.

Suddenly its MagicWhere stories live. Discover now