The Start

11 0 0
                                        

"Eliza Suares, 24 out of 25" mahina akong napamura pero tumayo naman ako at pumunta sa harap para kunin yung paper ko. I glimpsed her smiling to herself, medyo tricky kasi yung last question sa quiz.

"And lastly, Cassandra Lee, 25 out of 25, Perfect." Mas lalong lumawak yung ngiti niya as she got out of her seat and walked to the front.

Nasalubong ko si Cass sa pagbalik ko and we had another silent conversation

"Still can't beat me?" Her eyes seem to mock me as she flashed me a sweet smile na sinuklian ko naman ng pagtaas ng kilay ko 

"Mag-antay ka lang" mas lumawak ang ngiti niya 

and it turned into a smirk "I guess I'll be waiting forever" 

I hissed.


"Yo Liz!" Nang makita kung sino yung tumawag sakin, napasimangot ako at tumuloy sa paglalakad, kakadismiss lang samin at medyo masama ang timpla ng mood ko

"Huy!" Narinig kong tawag niya ulit, naabutan na niya ako

"Bakit?" Asik ko sabay lingon sa kanya

"Tumawag parents mo sa'kin, di ka daw nila ma-contact," sagot niya. hala, low-batt nga pala phone ko "mag-eextend daw sila sa Hongkong" tuloy niya

Bigla tuloy ako nanghinayang, akala ko pa naman makikita ko sila this weekend, pero ano pa ba ineexpect ko?

"Eh ano ngayon?" Pagsusungit ko, pero alam kong sanay na siya sa sungit mode ko

"Sus, sungit nanaman. Okay lang yan, mas pangit naman si Cass" medyo lumambot naman yung ekspresyon sa mukha ko.

"Thanks Jh--"

"Pero pangit ka din, mas pangit lang siya" bawi niya sabay hagalpak ng tawa

Pinalo ko siya sa braso at binilisan ang paglalakad "Che! Dyan ka na nga!"

"Huy joke lang naman eh" di ko siya pinansin "Tara arcade after class, treat ko" Naramdaman ko yung pag liwanag ng mukha ko. Gosh, This guy really knows my weakness

"Sigurado ka Jhon? Baka di na kayanin ng ego mo pag natalo nanaman kita" panunudyo ko pero tumawa lang siya 

"Don't worry, I will Survive, hey-e-hey!" Sabi niya sabay kanta sa last part kaya natawa rin ako. Iba talaga pag ang bespren mo lalaki. I have my Girl friends, but... Well, we'll get to them later.

Ilang taon pa lang kaming magkaibigan but we already know each other inside out. Maraming nang-aasar samin as a couple pero we both know na hanggang friends lang kami at masaya na kami dun, at sa pagdaan ng panahon, natanggap din ng buong Preisler University ang katotohanang iyon

"Sige ba, sabi mo eh" sabi ko as we headed for our next class

"Uy, si Miss Eliza" rinig kong bulong ng isang student pagdaan ko.

Tsk, andito nanaman ang mga gossips, wala na silang naidulot na maganda sa mga gawain nila. Ginugol nalang sana nila ung time nila na mag-aral kesa mangalap ng tsismis.

"Diba siya yung Student Council President?" Bulong din ng isa pa

"Hindi, si Miss Cassandra yung president, vice lang si Miss Eliza, favorite kasi si Ms.Cass ng teachers kasi malapit na sa imposible ang magkamali siya sa test, laging perfect,"

"Nagagawa lahat yun ni Ms. Cass kahit patong patong ang extra curricular activities niya? Ang galing naman niya, idagdag mo pa na pang dyosa ang kagandahan niya, mas maganda din daw siya kasama kesa kay Ms. Eliza"

Love WarWhere stories live. Discover now