Tristan:"Sige na magtanong ka na..." sabi ni Tristan na natatawa pa siya.
Kakay:"ah...eh hindi naman sa nangingialam ako ah, ayoko naman nasabihin mong integorista ako kasi malay mo isipin mo yun ah pero sa totoo lang hindi naman talaga sadyang nacucurious lang talaga ako pero kung aya-"
Tristan:"Sh!... Okay sige magtanong ka na..."
Kakay:"hehe... Ano ba yung pinag usapan niyo kanina ni Ryan?"
Tristan:"Bago ko yan sagutin tatanungin muna kita..."
Kakay:"Okay sige, ano ba yung tatanungin mo?"
Tristan:"May relasyon ba kayong dalawa?"
Kakay:"Oh?!... Ako?!(sabay turo sa sarili niya) Kanino?!"
Tristan:"Kayo ni Ryan..."
Sa pagsabe ni Tristan ng 'Ryan' eh parang nabulunan si Kakay habang umiinom ng softdrink.
Kakay:"Huh?! K-k-kame?! ahhaha! hindi ah! Mamatay muna ako bago maging kami"
Tristan:"Oh? eh baket parang napakaclose niyo?"
Kakay:"Close?! Kame?!... hay naku!! hindi kami close! tiyaka never kaming magiging close! at tiyaka teka nga! nasagot ko na yung first mong tanong ah panu yung akin?"
Tristan:"Ay oo nga pala... Wala yun. Nagkainitan lang"
Kakay:"nagkainitan? ba't naman?"
Tristan:"Alam mo bang matagal ko ng karibal si Ryan sa maraming bagay?"
Kakay:"Oh? ... te-teka! kung ganun matagal na kayong magkakilala ni Ryan?"
Tristan:"Oo, since middle school"
Kakay:"Hindi halata ah... sa anung mga bagay bagay kayo nagkakasangga?"
Tristan:" Marami... tulad na lang sa basketball at pogi points"
Kakay:"Wait! pakiulit?"
Tristan:"tulad na lang sa basketball"
Kakay:"Hindi yan... yung isa"
Tristan:"Ang pogi points?"
Kakay:"Magkaribal kayo sa pogi points?"
Tristan:"Oo"
Kakay:"Ahahahahah!!!!...(biglang sumeryuso ang mukha) hindi ako naniniwala"
Tristan:"wehhh??"
Kakay:"Oo, kung nag aaway kayo dahil sa looks... panalo ka na... napakaguwapo mo kaya(sabi niya ng may pagkalande)"
Tristan:"hm. Pampaumay lang ng loob"
Kakay:"hindi biro! Guwapo ka, guwapo ka" tinapik tapik niya si Tristan sa likod.
Tristan:"oh sha sha sige na guwapo na ako"
Kakay:"Good! oh tara na!"
Tristan:"Sige..." tumayo na nga si Tristan at naglakad paalis habang si Kakay ay itinaas yung kamay at umaasang tutulungan siya ni Tristan na tumayo ngunit umalis na si Tristan kaya siya na lang ang kusang tumayo.
Kakay:"Mahirap maging feelingera ah..." sabi niya sabay papag ng puwetan niya at umalis na din ito.
Pagkauwi ni Kakay sa bahay nila. Sinalubong agad siya ng tita niya. Nagulat si Kakay dahil bigla na lamang itong sumupot na parang kabote.
Kakay:"Ay! Mukhang kabayo!" gulat na gulat si Kakay dahil nakita niya ang kanyang tita na parang kinuryente dahil ang buhok nito ay napakagulo kaysa sa kanya, mag tita nga talaga sila.
Kakay:"Tita!!! papatayin mo po ba ako sa atake sa puso?!"
Tita:"Oo, kase hindi ka pa pala nakapaglalaba! kaya ako na ang kusang naglaba! kaya eto! eto! isampay mo yan ah! Isampay mo yan!" sabe ng tita niya at binigay sa kanya yung lalagyan ng mga damit at alis agad ito.
Papasok na sana si Kakay sa loob ng bahay. Nang biglang dumating si Ryan inunahan siya nito at napatigil sa unahan ni Kakay na para bang traffic enforcer. Si kakay naman ay tiningnan siya lamang na parang ewan.
Ryan:"OPS!"
Binalewala lang ito ni Kakay kaya naglakad na lang ito ulit at hindi inintindi si Ryan.
Ryan:"Teka, teka, teka, teka (hinabol niya si Kakay at pinigilan niya ulit ito)"
Kakay:"Ano ba?!"
Ryan:"sabe ko nga kase teka lang!"
Kakay:"Eh ano nga?!"
Ryan:"Antaray mo ah!"
Kakay:"eh nakita kita eh!"
Ryan:"Ba't ka sumisigaw?!"
Kakay:"Eh ba't kase humaharang harang ka diyan!"
Ryan:"Gusto nga kasi kitang makausap!"
Ibinaba ni Kakay yung lalagyan ng mga damit. At inilagay niya yung dalawang kamay niya sa magkabilang braso.
Kakay:"Oh ano?" mahinahon niyang tanong ngunit may pagkamataray.
Ryan:"Saan kayo pumunta?"
Kakay:"Anong pake mo kung san kami pumunta?"
Ryan:"Nagtatanong lang naman."
Kinuha ulit ni Kakay yung lalagyan ng mga damit.
Ryan:"Uy! sagutin mo tanong ko!"
Kakay:"F.Y.I. Mr. Berdinez wala po akong responsibilidad na sagutin yang tanong mo"
Ryan:"Kahit na! Nagtatanong ako eh!"
Kakay:"Baket kaano-ano ba kita?... Lola? Ate?o baka naman Mama kita"
Ryan:"Te-Teka baket puro pang babae?"
Kakay:"Kung makadada ka po kase parang babae!... At tandaan mo toh ah, hindi tayo ganito kaclose! Wala tayong koneksyon! WALA!" tiningnan niya si Ryan mula paa hanggang ulo sabay alis.
Kakay:"Hm!" mataray niyang sabe.
Ryan:"Wala talaga as In wala! ASA KA! Panget! (bleh)"
Binigyan lang siya ni Kakay ng 'WHATEV' na sign.
END OF SCRIPT 2
VOCÊ ESTÁ LENDO
SCRIPT: Ang Istorya ng Panget (one shot)
RomanceIsang babae na pinagkaitaan ng kapalaran at ganda... isang mala-cinderelang istorya ang iyong tutunghayan sa buhay ni Kakay... may dadating pa kayang magandang bukas sa isang panget na katulad niya? ABANGAN. author's note: hahaha! ginawa ko lang it...
The Punishment
Começar do início
