Leo:"(slow clap) Ikaw na..."

Ngumiti lang ng todo todo si Tristan.

5pm.

Kakay:"Akala ko ba ako lang yung inimbita manood?... eh ba't kasama kita?"

Tumingin ito kay Bea ng may pagkapoker face.

Bea:"Hindi ako pumunta dito para kay Tristan nuh... pumunta ako dito para kay Ryan."

Pagkarating nila sa praktis... Nakita agad ni Ryan si Kakay at si Bea. Lumapit ito sa kanila.

Ryan:"Panget!!"

Nainis si Kakay...

Bea:"Hi, Ryan..."

Ngumiti lang ito kay Bea..

Ryan:"Ba't nandito ka?... gusto mong makita yung triceps ko nuh(sabay pakita ng triceps niya)"

Nabighani si Bea samantalang si Kakay ay tinarayan lang ito. Biglang dumating si Tristan at nakita si Ryan, matagal ng kakompitensya ni Tristan si Ryan simula pa noong nasa middle school pa sila ay karival niya na ito sa maraming bagay. Ngunit para kay Ryan ay wala lang ito dahil hindi naman kasi siya nakikikompetensya sa kanya.

Lumapit agad ito kay Kakay at inakbayan. Nagulat si Ryan. Habang si Kakay naman ay gulat na gulat dahil inakbayan siya ni Tristan Sardalla!!

Tristan:"Kakay! Buti na lang at nakapunta ka!"

Kakay:"E-e-e-e-e-h?!"

Tristan:"Bro..." sabay abot ng kamay kay Ryan at nagshoulder bump ang dalawa.

Ryan:"Ahhh... kaya pala nandito si panget"

Tiningnan lang siya ni Kakay ng masama. Maya-Maya ay nag umpisa na ang praktis. Start ng praktis ay ang pagtakbo ng pabalik balik sa 5 meters na layo.

Habang tumatakbo ay nag uusap ang dalawa. Sabay silang tumakbo.

Ryan:"So.. Pre, Ikaw pala ang ipinunta dito ni Kakay"

Tristan:"Ah. Oo, Inimbitahan ko eh"

Ryan:"Ahhh... balita ko ikaw rin yung nagbigay ng flower sa kanya"

Tristan:"Ah. yun ba? Oo"

Ryan:"Ganun. Balita ko rin maraming umaaligid ligid na player"

Napatigil si Tristan sa pagtakbo ganun din si Ryan.
Nagtinginan ang dalawa for 3 seconds.

Tristan:"Anong ibig mong sabihin dun?"

Ryan:"Ewan... depende na lang sayo kung ano ang pagkakaintindi mo" sabi ni Ryan ng mataray.

Naging seryuso ang mukha ni Tristan.

Tristan:"Pre, parang nag iiba ata yung tono mo"

Ryan:"Hindi naman... nagtataka lang, kilala kita Tristan matinik ka sa babae pero BLACK SHEEP ka sa pamilya mo, perfect combination di ba?"

Nagpipigil si Tristan sa galit. Hindi niya inintindi si Ryan, lumapit si Tristan kay Kakay. Hinawakan ang kamay ni Kakay at hinila ito palabas ng gym.

Napabibig na lang si Kakay ng 'Anong ginawa mo?!' kay Ryan.

Lumabas na nga sila ni Tristan, dinala ni Tristan si Kakay sa may damuhan at bumili muna ito ng maiinum. Bumalik naman agad si Tristan na may dala dala ng dalawang canned na softdrink.

Tristan:"Eto oh (sabay abot sa kanya ng sofdrink)"

Kinuha naman agad ni Kakay. Katahimikan... Pasimpleng tumingin si Kakay kay Tristan, napatingin din si Tristan kaso biglang ibinaling ni Kakay yung paningin niya sa ibang direksyon. Pasilip ulit si Kakay tumingin hindi niya alam nakatitig sa kanya si Tristan kaya nagulat siya at ibinaling niya ulit sa ibang direksiyon ang paningin niya. Natawa na lang si Tristan...

SCRIPT: Ang Istorya ng Panget (one shot)Where stories live. Discover now