" O narito na pala sila senyorito, Tara na at simulan na ang kasiyahan. " Anunsyo ng host dahilan upang maghiyawan naman ang mga tao doon.

Sa ilang oras na nandito kami sobrang saya, madaming kalokohan, marami na rin palaro. May mga batang umakyat sa kawayan para abutin yung flag na nasa tuktok noon, meron din agawan buko, at ang pinakamalupit pabilisang kumain ng sili.

Sinilip ko naman si Eziekel na nanonood lang habang nakangiti, kanina pa nga siya niyaya na maglaro kaso sadyang kj hinihindian lahat.

" Oh! Yung mga barako diyan tara na dito. Ang pinakasikat na palaro na! " Pinalapit kami sa isang kulungan na may punong puno ng mga putik at yung isang binata don ay inilapag ang isang biik. Namili naman na sila ng mga maglalaro sa mga lalaking nandoon. " O magsi'pasok na kayo doon. " Anunsyo niya ulit. Tinignan ko naman si Eziekel na tahimik lang sa gilid ko.

" Psst. " Tawag pansin ko sa kanya kaya nilingon niya ako. " Sali ka naman. " Kumunot naman ang noo niya at bahagyang umiling.

" Ayoko. " Tch kj talaga.

" Wala ng sasali? " Pagkatanong niya ay agad kong itinaas ang kamay ko. Kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat " Ah eh, senyorita? " Naramdaman kong nilingon ako ni Eziekel.

" What are you doing? " Tanong pa nito.

" Si Eziekel daw po, sasali! " Sigaw ko. Narinig ko naman ang pagmura niya.

" Stephanie ayoko. " Binalewala ko iyon saka siya hinila na papunta sa harapan. Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin.

" Senyorito Javier, halika na. " Tawag dito ng naga'anunsyo. Kaya bahagya siyang umiling.

" Wag ka ngang kj! Minsan lang 'to, kung ayaw mong sumali ako sasali! " Medyo tumaas na ang boses ko.

" Then go. " Sumimangot naman ako, bwisit.

" Kj mo talaga! Bahala ka na nga diyan. " Tatalikod na sana ako ng pigilan niya ko. " O bakit? " Tanong ko.

" Okay, fine. Sasali na ko. You will pay for this. " Ngumiti naman ako ng paglapad lapad saka siya itinulak doon.

" Sasali ka rin pala ang dami mo pang arte. " Asar ko pa dito.

" Sige, mang'asar ka pa. Dami mo rin iniiyak diyan eh. " Magsasalita pa sana ako ng hubarin niya ang damit niya. Napalunok ako dahil naalala ko na naman ang nangyari sa kubo kanina, agad naman akong umiling para mawala 'yon sa isip ko.

Nakatitig lang ako sa mukha niya pababa sa Adams apple, pababa sa collar bone hanggang sa matitipuno niyang dibdib, huminto lang ang paglalakbay ng mata ko sa six pack abs niya. Shet!

Nawala ang pagpapantasya ko ng ihagis sakin ni Eziekel yung damit na hinubad niya. " Mamaya mo na ko gahasain. " Pagkasabi niya non ay tumakbo na siya sa loob ng kulungan.

" Panira ng moment. " Bulong ko. " Mamaya mo na ko gahasain. " Gahasain? Aba! Ang kapal ng mukha samantalang siya.yung.nanghalik.sa.kubo. MAY PABUHAT BUHAT PA SIYANG NALALAMAN!

" Senyorita baka mapunit yung damit ni senyorito. " Napatingin ako kay chie-chie ng bigla itong magsalita. " Eh kasi senyora halos lamutakin niyo na yung damit eh. " Pagkasabi niya ay tinignan ko yung damit, lukot lukot na nga ito.

Maya maya ay nag-umpisa na ang laro, mukhang hindi madali dahil mabilis tumakbo yung biik, puro putik na nga yung katawan ni Eziekel dahil minsan ay madadapa ito para lang mahuli yung biik. Minsan sumisigaw sigaw pa ko para i-cheer siya.

" Eziekel! Kaya mo yan! Hoooo go Eziekel! Ayun! Kornerin mo. " Tumingin siya sakin habang nakasimangot para bang sinasabi mukha-bang-madali?-fuck!-look.

Sa mukha naman ni Eziekel ay nage'enjoy na 'to sa pinaggagagawa niya sa buhay niya. Dahil ngumingiti na ito minsan nga ay maga'apir pa sila ng mga binatang kasali rin doon. Ilang sandali pa ay na corner nila si biik, at dahil malaking tao rin si Eziekel naging advantage niya 'yon para harangin yung kalaban niya.

" Wooooo! Ayan na! Nahuli na niya. " Binitbit ni Eziekel yung biik. Magsasalita pa lang yung host ng biglang bumuhos yung malakas na ulan. Tumakbo ako palapit sa kulungan dahil nandon pa rin si Eziekel, nagtakbuhan na lahat yung mga tao kaya kami na lang yung nandirito. " huy! Eziekel! Tara na nababasa na tayo! " Sigaw ko rito.

" Come on, basa na ko sa putik. Come. " Bahagya pa niyang nilahad yung kamay niya. Kaya wala na kong nagawa kundi ang lapitan siya. Hinigit naman niya ko palapit sa kanya kaya nagkadikit yung mga bewang namin. " Dahil sayo naputikan yung short ko. Alam mo bang sa Canada ko pa 'to binili? And this is one of my favorite. " Tinaasan ko lang siya ng kilay.

" So? Anong gagawin ko? " Tanong ko pa dito. Nilapag niya yung biik kaya medyo umatras ako.

" Hmm, ano nga ba? " Tumaas naman yung sulok ng labi niya kaya mas umatras pa ko. Pero dahil mas malaki nga siya ay agar niyang hinigit yung bewang ko.

" Ayy ano ba! Bastos! " Tinulak ko siya ng punasan niya ng putik yung mukha ko. " Bakit mo ko pinunasan?! Ganyan gusto mo? O sige. " Kumuha ako ng putik saka binato ko sa kanya. Ganon rin naman siya kaya tumakbo ako palayo sa kanya.

Wala kaming ibang ginawa kundi takbo, bato ng putik, minsan hihigitin niya malapit saka hihilamusin yung mukha ko.

***

Nagpupunas na ko ng buhok ng pumasok si Eziekel sa kwarto ko. Katatapos rin niyang maligo dahil basa pa ang buhok nito. Pagkatapos kasi naming magbatuhan ng putik nag'stay pa kami don bago namin napagpasyahan na umuwi na.

" Bakit? " Tanong ko rito dahil nakatitig lang siya sakin. Para ngang biglang nawala yung pagka'ilang ko sa kanya simula ng pumunta kami dito sa Pangasinan.

" Nothing. " Naglakad siya palapit sa'kin saka hinawakan yung pisngi ko. At sa Sandaling iyon naglapat ulit ang mga labi namin. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya para humingi ng suporta. Bumaba ang halik niya sa leeg ko akmang kakagatin niya iyon ng biglang mag ring yung cellphone niya.

Pero parang wala lang iyon sa kanya at mas nilaliman pa ang paghalik sakin. Kaso panira talaga yung cellphone niya.

" Eziekel, sagutin mo muna baka importante. " Bahagya ko pa siyang itnulak at baka hindi siya magpapigil.

" Damn! " Inis niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya saka sinagot yon. " What? " Tanong nito sa kabilang linya. " What?! Where?! Shit, I told you look after him! Uuwi kami. " Pagkatapos non ay binaba niya na ang tawag niya. " Stephanie, we have to go. " Natataranta nitong kinuha ang bag niya sa gilid ng kama saka pumunta sa pinto.

" Wait! Eziekel anong nangyari? " Tanong ko, dahil kabadong kabado ako sa inakto niya kanina. And he look so worried.

" Noah is in hospital, he had an accident. "

Itutuloy...

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now