[ I L ] Passed Out

Start from the beginning
                                    





Umakyat na ko papunta sa kwarto ko at pagkapasok ko pa lang ay binagsak ko na ang buong katawan ko sa kama. 






Sobrang daming nangyari ngayong araw na 'to at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Mixed emotions kumbaga. 







Hindi ko inaasahan yung makita si Sehun na may kasamang ibang babae. I mean, first time talaga yun at ewan ko kung bakit ganun ang naramdaman ko? 








May nagbukas ng pinto at napatingin ako dito ng pumasok si Baek. Napagawa ko na nga pala yung pintuan ko na sinira niya nung isang araw. Leche tong kapatid ko at ako pa ang nagbayad, nabawasan tuloy ang ipon ko.





"At sinong may sabi na pwede ka pumasok?"







"Si Marlou, kase nakabrace na siya. Pak ganern"






"At sino naman si Marlou?" Takang tanong ko sakanya.







"Grabe ka Sis huli ka na sa balita. Boyfriend ko yun" Napabangon naman ako sa pagkakahiga ng marinig ang sinabi ng kapatid ko. Ano daw? May boyfriend na siya?







"May boyfriend ka na?!!"







"HAHAHAHAHAHAHHA teka natatawa ako HAHAHAHAHHA Sis yung mukha mo" Napaupo na siya sa sahig at patuloy lang sa pagtawa habang tinuturo ang mukha kong puno ng pagtataka.







"Oh sige tumawa ka na lang ng tumawa makakaalis ka na" tinuro ko ang pinto para umalis na siya. Kitang nagdadrama ako dito eh tapos pupunta lang siya dito para tumawa at pagtripan ako. Malay ko ba kung sino yung Marlou na yun.


Indubitable Love [HunHan FF]Where stories live. Discover now