Chapter 2: Personal Trainer

1.7K 22 3
                                    

Daniel's Pov :

 Nakakatamad.

Gan'to pala feeling ng mag-aral, akala ko masaya. exciting. pssh, nageexpect ako ng magandang kaklase. Hindi naman yung magandang-maganda, nakakasawa na kasi. basta yung aish.

Tapos dito pa ko sa building nung mga geeks and nerds. Sabi ko sa ordinaryong private university e. hindi sa katulad nito. ang weird.

Di rin kasi ko mahilig sa anime, kaya wala kong alam kung saang lupalop ba binased 'tong school na 'to.

pagpunta ko ng Canteen, nakakasuya yung pagkain. Ito ba talaga kinakain ng mga tao dito? Hindi kaya may pagka-alien sila?

-_______________-

Nawalan na ko ng gana, magpupunta na nga lang ako sa library. 

Hindi ako pupunta sa library para matulog, kundi para magbasa. Hindi man ako geek o nerds tulad nila, mahilig lang talaga ako magbasa. wag mo ng itanong kasi hindi ko rin alam kung bakit. naimpluwensyahan lang siguro talaga ako nung kapatid ko. Pss, bat nga ba ako nageexplain.

Nagearphones nalang ako at nagsimula ng magbasa nitong hunger games trilog5.

3 hrs later ..

The best book talaga 'to. Oh katniss, saan ba ko makakahanap ng tulad mo?

Tumayo na ko para isauli itong libro sa bookshelf, papasundo nalang din ako sa driver. medyo inaantok na ko, katamad na tuloy pumasok.

Habang inilalagay ko ang libro sa lalagyan nito, may isang batang babae ang lumapit sakin. Tingin ko nasa 1st year palang ito base dun sa batch na nakalagay sa collar nito.

"kuya, pakiabot naman yung librong yun."

May mga hawak na din kasi syang libro at medyo mataas ang kinalalagyan nung tinuturo nyang libro, kaya ako ng kumuha.

"Aha! andito ka lang pala, kanina pa kaya kita hinahanap."

Nahulog ko yung librong inaabot ko dahil sa pagkagulat sa babaeng nagsalita at ngayo'y nasa harapan ko na.

Halos sabay naming nadampot ang libro.

"Akalain mong mahilig ka palang magbasa ng -- "

*awkward*

50 shade of grey pala 'tong nakuha ko, pagtalikod ko, wala na yung batang nagpapa-abot nito. pagminamalas ka ng naman oh.

"wag mo kong tignan ng ganyan, hindi .. "

"ajuju, huling-huli na magpapalusot pa. utut mo."

napakunot noo naman ako dun. Tignan mo tong babaeng 'to. makapagsalita akala mo kilalang-kilala ako.

"tara! iuuwi mo ba 'to? ipacounter mo dun sa librarian, i-totour pa kita sa school."

dala-dala nya yung librong yun at nagumpisa ng maglakad papunta sa librarian. Pssh.

"Good afternoon! Itatakehome daw po ni Mr. Rodriguez ang librong 'to."

inusisa naman ng matandang babae ang libro bago tatakan.

"ay naku, ang mga pinagbabasa talaga ng mga kabataan ngayon. osya osya, after 3 days isasauli mo na ito ah."

pagkatapos ay dali-dali naman inabot sakin nung babaeng weirdo yung libro. this count as my most embarassing moment so far.

tapos may dala pala syang clipboard, na may nakasulat na parang todo list. tapos salita lang sya ng salita. baliw nga ata 'to.

"tapos na tayo sa library, kasi alam mo na. so umm, next destination is the gym!"

LDG(Loving my Dream Guy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt