Chasing Lance

57.8K 596 70
                                    

Hi! If you have a Twitter account, kindly use #ChasingLance to give some feedbacks! I'd love to read them! And you can tag me, @jLolaAlexandria. Thankies! <3

Chasing Lance

by: jLolaAlexandria

Date Started: August 2, 2013

 

PROLOGUE.

Sabi nila, ang pag-ibig daw ay hindi hinahanap, dahil kusa ‘yang dumadating. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.

 

Sabi ko naman, ang pag-ibig, hinahabol yan, dahil paano na lang kung magising ka isang araw na dumating na pala siya at nakalagpas na habang natutulog ka at ngayon ay sobrang layo niya na? Anong gagawin mo? Maghihintay pa din? Di’ba mas tama na habulin siya? Lalo na kung alam mo naman na nag-effort siya na puntahan ka, nagkataon nga lang na hindi mo siya nakita.

 

So.. tingin niyo ba may hinabol na ako?

 

 

Answer is.. OO.

 

 

 

 

Friday. August 2.

Less than 4 weeks na lang Intramurals na! Isa ‘to sa mga most anticipated na events sa University namin. Bakit? E dahil sa bukod sa ilang linggo na halos walang klase ang karamihan, e sa mga panahong ‘yun naglalabasan ang mga.. you know, crowd’s favorites. (Alkalosis. ><)

Well anyway, last day na ngayon ng pagf-finalize ng lists ng mga kasali sa team and individual sports events at pati na din sa cultural (cheerdance, Mr. and Ms. Palaro, modern dance at folk dance, etc.) at bilang SA at member din ng student council, inutusan ako ni Ser Jay (coach ng basketball ng department namin) na hanapin yung star player niya “daw” na ayaw magpa-line-up at pilitin ito. Ang arte di’ba? Kung ako lang si Ser, di’ko na pipilitin yun e. Gusto pa susuyuin. Tsk.

But then again, napag-utusan lang naman ako kaya sumunod ako.

Kanina pa ako nakaupo sa may HE Building. Dito kasi ang klase ni loko ngayon. And since ayoko siyang i-excuse sa prof niya, hinihintay ko na lang siya na lumabas. Tutal vacant naman ako ngayon.

Umupo ako sa isang bench sa may “Korea” (tawag ng mga kolehiyala sa likod ng HEB, kasi daw cherry blossom na lang ang kulang para ng nasa Korea yung features ng lugar. IKR, parang mas kilala yung cherry blossom sa Japan e. Hay. Mga tao talaga) at nagbasa ng book ni Ramon Bautista na “Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?”. The guy is really awesome. Napaka-witty ng retorts niya.

I was laughing my heart out while reading when I suddenly looked up and saw him with his friends exiting the premises. OMG! Papunta na siya sa parking lot!!!

Chasing Lance |PUBLISHED UNDER VIVAPSICOM|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon