Chapter 1

315 8 0
                                    

Yippieee start na :)

-------

I'm back

Jino's POV

Apat na taon, apat na taon na mula noong umalis ako ng Pinas at nagsimulang kinalimutan ang mga sakit na dinanas ko.

Kung noon ay mahina ako at nakakaya pa akong maliliitin, pwes ay ginawa ko ang lahat para maging malakas.

Sinakap kong baguhin ang sarili ko, at iwan na ang dating ako.

Ginawa ko ang lahat para maayos ang aking plano sa aking pagbabalik.

Sapat na ang apat na taon. Sapat na upang pabagsakin at iparanas ko sa kanila ang naranasan ko.

Ang ginawa nilang pasakit sa akin at sa aking pamilya.

"Sir, the plane is taking off in 15 minutes." pagputol sa aking mga iniisip ng aking sekretarya.

Ngayon ang araw ng pagbabalik ko sa Pinas. At ako'y nasasabik na magsimula sa aking mga plano.

Nagtungo ako sa lugar kung nasaan ang eroplano at sumakay na. Nagsimula na akong magisip isip ng kung ano ano. Kung anong kalagayan niya. At kung magtatagumpay ba ako.

Lumipas ang ilang minuto ay nakatulog ako mula sa pagiisip.

""Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Ninoy Aquino International Airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you."

Inayos ko ang aking mga gamit at hinintay na mag landing ang eroplano, hinintay ko munang makababa ang ilang pasehero bago ako bumaba. Lumapit sa akin ang aking sekretarya, "Sir nandyan na po ang mga bodyguards . Tara na po" Sinuot ko ang aking sunglass at naglakad na, agad akong pinalibutan ng mga reporter buti na lamang at agad dumating ang mga bodyguards pero kahit ganon ay inulan pa rin ako ng tanong ng mga reporters.

"Are you staying here for good ba Jino?"

" Or are you here for vacation"

"Are you taking over your dad's company?"

"Are you going to have a gig here?"

"We heard you're having a project here Jino is that true"

"Your fans here in the Philippines will be happy for your visit Mr. Yakishima "

At sunod sunod pang mga tanong ang sinabi nila nginitian ko na lamang sila at dumere-dertso na ako patungo sa sasakyan para makauwi na, mayroon rin naman akong interview bukas so ano pang sense para sagutin ko ang mga tanong ng mga reporter.

Ako ay isang tagapagmana ng isa sa mga malaking kumpanya dito sa Pinas maging sa ibang bansa. Bukod doon ay isa rin akong sikat na Mangaawit at Modelo sa Korea at Japan kaya naman matunog ang pagpunta ko ulit sa Pinas.

Habang umaandar ang sasakyan ay pinagmamasdan ko ang Maynila. Its good to be back! Namiss ko ang Maynila, ng makita ko ang McDonalds ay sinabi ko kay Manong na mag drive thru muna, bumili ako ng Fries dahil namiss ko rin ito kahit papaano.

Sa loob ng apat na taon ay hindi naman ito ang huli kong punta sa Pinas pero ito na ang uwi ko na sigurado akong gagawin ko ang lahat ng plano ko.

Umuwi ako rito dahil sa isang offer ng isang magazine ng malaman ko kung sino ang makakasama ko ay hindi ako nagdalawang isip na pumayag dahil siya lang naman ang punot-dulo kung bakit ako maghihiganti ngayon. Si Milka, Milka Irene Ignacio.

Maraan kong ipinikit ang aking mata at bumuntong hininga. Magsisimula na, magsisimula na ang paghihiganti ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon