Chapter 14

4.1K 87 10
                                    

Naiinis si Sarah kay Josh dahil hindi man lang nito sinabi sa kaniya na isinama ng ina nito ang kaniyang anak para mag shopping.

"Bakit ba ang hilig mo makialam sa buhay naming mag ina?Ako iyong ina ni Niccolo!"

"So?"

Lalo pa naasar ang dalaga dito,na parang baliwala dito na siya iyong ina ng bata at ito ang masusunod.

"How many times I told you na mas safe dito iyong bata,hindi mo siya kailangan alalahanin dahil hindi siya pababayaan ni Mommy.

"Ano isasama mo bahay ni Black Rose iyong bata tapos iiwan mo sa tagaalaga niya?

Come on ihahatid na kita."anito sa naiinis na dalaga.

Nakasimangot na sumunod siya dito patungo sa sasakyan nito.Pinagbukas ito ng pintuan ng binata bago umikot sa driver side.

Nakarating sila sa harap ng mansion ni Black Rose ng hindi niya kinikibo ito.

Napalingon siya sa paligid saka hinarap ito.

"Bakit dito ka pumarada?Gusto mo bang makita nila tayo?"anang dalaga.

"Just tell them na nag Grab ka in case na may makakita sa iyo."

Bubuksan na sana niya pinto ng sasakyan pero naka lock ito.

"What?"

"Paano ako lalabas eh nilock mo!"reklamo niya dito.

"Tsskk...bakit ba ang sungit mo eh naka iskor ka naman kagabi!"tukso nito.

"Gago ka talaga!"hinampas ito ng dalaga.

Iunlock mo at lalabas na ako!"utos niya kay Josh.

"Okay...come here.."

"What...bakit?"

Suminyas ito na lumapit siya kaya naman lumapit siya ng konti dito.

"Pahalik....kinabig niya ito at mariing hinalikan sa labi.Mainit at mapusok ang labi nitong umaangkin sa nakaawang nitong labi.Nakangisi siyang pinakawalan ang dalaga.

Hinampas ito ng dalaga na ikinatawa lang ng binata.

"Ikaw sumusobra kana!Nakakarami ka na sa akin!"reklamo niya dito.

"So?Sige na bumaba ka baka hindi lang halik ang gawin ko eh."tukso nito.Sa asar ng dalaga bumaba na nga ito at baka umisa pa ang lalaking iyon.

Pinaharurot naman ni Josh ang kaniyang sasakyan nang makita niyang nakapasok na sa loob ang dalaga,kailangan niyang puntahan ang kaibigan.

"Hi Sky where's your Boss?"tanong ni Josh kay Skye ang secretary ng kaniyang magaling na kaibigan.

"In his office Sir Josh kanina ka pa hinihintay ni Boss."tugon nito na busy sa kakadutdot ng kaniyang cellphone.

Napailing si Josh dahil nahuhulaan na niya kung anong pinagkakaabalahan nito sa mobile phone nito ang Starmaker apps.

Abala si Sky sa Starmaker hindi niya napansin ang Boss niyang nakatayo sa likod niya.

"Tsskk...Starmaker pa more!!"salubong ang kilay nito at naka cross arms na hinarap si Sky.

"Oppss sorry Boss busy ako sa obihan para maglaman baggage ko hehe sorry."hinging paumanhin ni Skye sa Boss niya.

"Gustong mo lamanan ko baggage mo?kanina pa kita tinatawag para gumawa ng kape namin."

Tumayo siya at inilapag ang phone sa table.

"Ito na nga Boss magtitimpla na hehe gusto niyo ho ba utusan ko si Paulo bumili ng pandesal?"alanganing ngumiti siya sa gwapong amo.

"No need!Coffee is enough kaya bilisan mo!Unahin mo iyong kape namin bago iyang  lintek na pinag gagawa ma sa cellphone mo.Ipasok mo sa office ko."utos nito.

"Hmp..gwapo sana masungit lang!"ani Sky habang nagtitimpla ng kape nito.

Inilipag niya ang dalawang tasa ng kape sa mesa,medyo na curious pa siya kung anong pinapanood nito at ng kaibigan nito na si Josh.

Mukhang kuha sa CCTV ang video.

"What are you doing?Can you go out or do you want to catch some gossip??"masungit na turan nito kay Sky.

"Sabi ko nga Boss lalabas na ko eh hehe."alanganing ngumiti ang dalaga sa masungit na Boss.

Daig pa nito ang may pinagdadaan sa buhay o baka naman broken hearted or iniwan ng jowa at pinagpalit sa iba.Napailing na lang ang dalaga pasalamat nga ito at pinagtiyagaan niya ito sa kasungitan nito kahit gwapo ito.

Seryosong pinapanood nila ang mga video footage na kuha sa bar nung gabing iyon upang malaman nila kung sino ang babaeng pumasok sa VIP room nanakatalik ni Josh.

Kumabog ang dibdib ni Josh nang mamukhaan ang isang babae sa loob ng Bar na iyon.

At hindi siya nagkakamali na si Sarah nga ang isa sa dalawang babae na umuukupa sa isang table.

Hindi na siya magtataka kung bakit nalasing ang dalaga that night.

Mukhang hindi ito sanay uminom ng alak pero sige pa rin sa pag inom ng alak na inorder sa isang waiter.

Nakikita nila sa kuha ng cctv na mukhang lasing na ang dalawang babae.

Iniwan ng isang babae ang dalaga at nagpunta sa dance floor,naiwan naman ang dalaga sa mesa ng mga ito.

Maya maya lang ay tumayo na rin ang dalaga na halatang lasing na.Nagtungo ito kung saan naroroon ang VIP room.Kumpirmadong ito ang babaeng makatalik niya dahil kitang kita s CCTV ang pag pasok nito sa isa sa mga VIP Room,hanggang doon na lang ang kuha ng CCTV dahil hindi na sakop nito ang loob ng kwarto bilang privacy ng mga customer.

Bumalik si Josh sa kaniyang sasakyan na magaan ang dibdib.Ngayon alam na niya kung sino ang babaeng laman ng kaniyang panaginip,ang babaeng nakatalik niya 3 years ago.

Hindi niya kailangan pang ipa DNA ang anak nitong si Niccolo dahil maliwanag pa sa sikat ng araw kung sino ang ama nito.

Kaya pala ganun na lang kagaan ang loob niya sa bata nung unang kita niya lang dito.

Ngayong alam niyang siya ang ama nito,mas lalo pang hindi siya papayag na ibalik ito ni Sarah sa poder ni Black Rose.

Ang dalaga na lang ang kailangan niyang ma convince na umalis na sa poder ng Black Poison Syndicate dahil ayaw niyang mapahamak sa kamay ng mga iyon ang dalaga.

Bukod sa mission niya kailangan niya ring bantayan ang dalaga dahil masama na ang kutob niya na may balak sina Brando sa dalaga.

Hinding hindi niya iyon mapapayagan kailangan niyang gumawang paraan para maialis niya ang dalaga sa lugar na iyon.

Bumalik siya sa Mansion ni Black Rose na hindi niya dala ang sasakyan,iniiwan niya lang ito sa isang lugar na safe ang kaniyang sasakyan.

Nag iinuman na naman ang grupo ni Brando na tinawag siya.

Lumapit siya sa mga ito at nakitagay upang hindi siya pag hinalaan ng mga ito.

Mga walang kwentang topic at puro kabastusan ang bukangbibig ng mga ito na sinasabayan na lang din niya ng tawa.

Napatiim bagang siya ng mapunta kay Sarah ang topic ng mga ito.Nararamdaman niyang malakas ang tama ni Brando at ng ibang tauhan sa dalaga.

Kung ano man ang plano ng mga ito ay hindi siya makakapayag,bahala na si batman kung pati mission niya ay malagay sa alanganin wag lang mapahamak ang dalaga.






Captured Heart-JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon