Chapter 8

3.6K 81 1
                                    


Nagtitimpla ng gatas para kay Niccolo si Sarah ng kornerin ni Josh sa may kitchen.

Lumingon muna ito sa paligid bago siya harapin.

"I told you before,you need to get out of this place!"pabulong nito kay Sarah.

"Ilang beses ko rin bang sasabihin sa iyo na hindi ako aalis dito."ani Sarah na itinuloy ang ginawa.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?Ikaw at ang kapakanan naman ni Niccolo ang iniisip ko.Hindi magandang lumaki ang bata dito sa lugar na ito.Kung wala kayong lugar na pupuntahan sagot ko na iyon basta lumayo lang kayong mag ina dito sa lugar ni Black Rose."ani Josh.

"Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko?Me and my son are not going anywhere,I have a reason why Im staying here!"anas ni Sarah may ibang tao kasi sa sala.

"Mas mahalaga pa ba iyang reason mo na iyan kung ano man iyan,sa kapakanan ng anak mo?"naiinis na turan nito sa dalaga.

"Puwede ba Josh tigilan mo nga ako!"anito na iniwan ang binata.

Naiinis na nilingon na lang ito ng binata.

Pinagmamasdan ni Sarah ang dumedede sa feeding bottle ang mag tatalong taon pa lang na si Niccolo.Kahit gusto niyang umalis sa lugar na ito ay hindi niya magawa,hanggang hindi niya nalalaman kung saan dinala ni Black Rose ang Daddy niya.Ito na lang ang pamilya niya at si Niccolo.

Maiaalis niya rin ang anak niya sa lugar na ito once na mahanap niya ang kaniyang ama.Naikuyom niya ng mahigpit ang kamao dahil sa galit,nagpapanggap siyang walang alam sa harap ni Black Rose kahit alam na niya ang totoo.

Ito ang dahilan kung bakit nawawala ang Daddy niya,ito rin ang dahilan kung bakit sila naaksidente nang kaniyang ina.

Ang ina nito at ang baklang iyon ay dati nilang tauhan na hindi niya aakalaing may interest sa yaman ng pamilya niya.

Kung hindi siya nagkaroon ng partial amnesia hindi sana aabot sa ganito.Ilang taon siyang gina gago ng baklang iyon.Malaman niya lang kung nasaan ang Daddy niya at masigurong ligtas ito siya mismo mag papakulong sa gahamang Black Rose na iyon.

"Anong gagawin natin dito?Mamatay ito kung hindi natin papakainin."anang isang tauhan.

"Gago ka ba?Ang sabi ni Boss wag daw natin pakainin ang isang iyan!"

"Ikaw pala itong gago,paano makukuha ni Boss ang kailangan niya dyan kung patay na iyan?nagiisip ka ba?"

"Sumusunod lang ako sa utos ni Boss!Bahala ka nga dyan lalabas muna ako."anito na inwan ang kasamahan.

Napilitan namang ibigay nito ang pancit na nasa styro at isang baso ng tubig sa lalaking nakagapos ang mga kamay at paa.

Umalis ito na hindi kinalagan ang pagkakatali ng lalaki.

Lumabas sa pagkakatago sa isang sulok si Iago at tahimik na nilapitan ang nakataling lalaki.

Nanghihina na ito at mahihirapan din siyang itakas ito.

Binababa niya ang busal sa bibig nito at pinainom ito ng tubig.

"Hey kailangan mong kumain para lumakas ka,gagawa ako ng paraan para maitakas kita dito."ani Iago.

Sinubuan nito ang lalaki kahit paunti unti ng pagkain at pinainom.Hindi na niya ibinalik ang busal sa bibig nito.Bago pa siya makita nang kahit sino umalis rin agad ang binata.

Hindi ito ang tamang oras para maitakas niya ito baka pumalpak ang mission niya sa lugar at mahihirapan din siyang iakyat ito kung ganito ang kalagayan nito.Sinabihan niya itong mag palakas at nangakong itatakas niya ito.

Hinarang siya ni Josh at hinatak sa isang sulok upang hindi sila makita ng ibang mga tauhan.

"Ano ba bitawan mo nga ako!"mahinang daing ni Sarah dahil baka may ibang makarinig sa kanila.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?Im warning you Sarah,para sa inyong mag ina itong pinagagawa ko sa iyo."anas ni Josh.

"Eh bakit ba ang kulit mo?Hindi mo ko pwedeng utusan kung ano man ang aking gustong gawin."

"Its for Niccolo's sake!!"naiiritang tugon ni Josh sa dalaga na hinigit ito palapit sa katawan niya ng marinig ang boses ni Brando na patungo sa kanila.

"Anong ginaw-

"Shh..."walang pag alinlangang hinapit nito ang dalaga at idiniin sa gilid ng pader at mariing hinalikan.

"Josh!"tawag ni Brando dito ng makita ang binata pero hindi ito pinakinggan ng binata at sinigurado ni Josh na hindi nito makikilala ang dalaga na idiin pa ang katawan dito.

Naramdaman naman ito ni Sarah kaya naman hinayaan niya ang binata na patuloy sa kaniyang paghalik.

Lalo pang lumalim ang mga halik ni Josh na malayang gumagalugad ang dila sa loob ng kaniyang bibig na nagpaungol sa dalaga.

Naiiling na lang si Brando sa nakita sa pag aakalang ang kausap na bakla kanina ni Josh ang kahalikan nito.

"You asshole get a room!"anito kay Josh at sinagot ang tawag sa hawak na cellphone ng biglang mag ring ito at muling lumabas ng bahay.

Naramdaman iyon ni Josh pero hindi niya magawang putulin ang pakikipaghalikan sa dalaga.

Ang malambot at matamis nitong labi na hindi niya pagsasawaang halikan.Muling naalala niya ang babaeng nakatalik niya three years ago.

Ang pigura,ang amoy nito at ang lasa ng mga labi nito ay iisa sa dalagang kaharap.

Hinila niya ang dalaga pabalik sa kwarto nito at sinigurado niyang walang ibang tao na makakakita sa kanila.

Nilock niya niya ang kwarto at hinila ang dalaga patungo sa isang couch at pinaupo ito sa kaniyang kandungan.

"Josh!! nanlalaki ang matang saway niya sa binata.

"Sshh..magigising si Niccolo ano ka ba!"ani Josh na seryoso ang pinkish na mamula mula na mukha nito.

"Iyon na nga baka magising iyong bata at makita tayo."ani Sarah.

"Im not doing anything promise I just want to hug you baby."anito na muling sinakop ang bibig ng dalaga na hindi na nakapag protesta dahil mainit nitong sinakop ang kaniyang bibig na napaawang sa kapangahasan ni Josh.

Mahimbing namang natutulog sa kama ang bata na yakap pa ang isang unan.Ngayon nakikita niya ang sarili nung kaedad niya si Niccolo.Nakaharap ang mukha nito sa kaniya kaya malayang napagmamasdan niya ang mukha ng bata.

Sinundan ng tingin ni Sarah ang tinitingnan ni Josh na natigilan sa pakikipghalikan sa kaniya.

Mataman itong nakatingin kay Niccolo na himbing na natutulog.

Tumayo si Josh at tinapik sa pwet si Sarah na nag pasinghap dito.

"Im going back to my room lock your door!At wag mong pag bubuksan kahit may kumatok sa iyo."bilin nito sa dalaga bago lumabas ng pinto ng kwarto.

Tumango tango na lang si Sarah for safety na rin nilang mag ina.Wala rin naman siyang tiwala sa mga tauhan ni Black Rose.May point naman si Josh kaya lang hindi niya magawang umalis sa poder ni Black Rose hanggang hindi niya nalalaman kung nasaan ang Daddy niya.

Captured Heart-JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon