Chapter 36.

12K 495 133
                                    

Chapter 36.


Tapos na ang midterms week namin. It's been a week, ang last na kita namin ni Clar ay nung birthday 'ko pa. Busy siya at naging busy din ako sa pagaaral. Panay ang out of town niya dahil sa mga seminar na kailangan niyang puntahan bago siya magtrabaho sa kumpanya nila. Mas lalo siyang naging busy nung grumadute na siya pero naiintidihan ko naman.


May 1 week break kami dahil katatapos lang ng midterms. My friends are planning to go out of town at sasama ako doon. I need to unwind. Sobrang nastress ako dahil sa acads these past few weeks. Tapos may talent manager pa kumukuha sa akin as an endorser. They started texting me nung nanalo ako sa pageant.



Nandito kami sa bahay nina Jen ngayon. Nag-break sila ni Chris at nagmakaawa siya sa amin na samahan namin sya. She's my great friend so why not.



"Grabe. Ang fuckboy talaga! Just so I thought I could trust him again kahit sobrang terrible ng past niya!" Jen cried. "Fuck.. Why does it have to be my friend diba?!" Mas humagulgol siya. Well, she knew that Chris was having an affair with her friend na kapit bahay lang nila.




"Jen, maybe si Kristie yung nauna. And Chris being a guy, natempt.. Nangyari." Dexa scoffed.




"But if he really loves Jen, he wouldn't bang her." Shan.




"Fuck my life! Ilang years akong nagsayang ng oras para sakanya ha!" I can feel Jen's pain. Nagthrowback tuloy sakin yung twice na panggagago ni Bruce sa akin.



"Sayang naman kung tuluyan kayong magbbreak.." Ang tanging nasabi 'ko. Sayang na sayang ang ilang years nila!




"Why Marga? Nanghinayang ka ba sa tatlong taon niyo ni Bruce?" Jen asked. Napatitig ako sakanya dahil sa tanong niya. Do I?




"Before I had Clarence, oo. Sobrang nagmamaka-awa pa ako kay Bruce noon na 'wag kaming mag break and everythaaang. Pero nung nangyari si Clarence, nabura iyon lahat. Naging thankful pa ako somehow na nagkabalikan si Bruce at Yanna para maging kami na ni Clarence." Mahabang saad 'ko.




"Then that's it. Maybe kapag tuluyan kaming nagbreak, makahanap pa ako ng mas matino kesa kay Chris." Nagpahid ng luha si Jen. "Break na kami. For real." Aniya habang may dinadial sa phone niya.


Napailing nalang ako. If she's unhappy and fed up with Chris' bullshits, edi mas okay nang magbreak kesa mapuno ng hinala and lack of trust ang relationship nila.



Nag-aya sila nag club at kailangan ko daw sumama. I dialed Clarence's number at it took me 6 dials para sagutin niya. Ang tagal ha?



"Babe.. Mag-club kami ah." Pagpapaalam 'ko.




"NO." Mariin na sabi niya. "Stay in your home, Margarette."



Bakit parang iba ang tono ng boses niya? Parang.. May mali. "Sige na babe, please? Nagbreak na kasi sina Chris at Jen.. Sasamahan lang namin si Jen kasi depressed siya—"



"Depressed ka rin ba para sumama? Hindi naman, diba?" I bit my lip. Fudge. Badtrip ba siya? May problema? "Hindi. Hindi ka aalis."




"N-nasaan ka ba? Puntahan na lang kita. Miss na miss na kita Clar eh.." Malungkot na saad 'ko.




"I miss you too Marga pero busy ako. I'll take you on a date tomorrow, okay babe? I love you so much!"



Gumaan ang pakiramdam ko sa huling sinabi ni Clarence sa akin. After a week ay magkikita ulit kami! Nakakamiss naman pala ang boyfriend ko!



"I'm sorry pero hindi ako makakasama.. Iinom niyo nalang ako ng shot." Sabi 'ko.




"God, Marga. Kung kailan kailangan kita, wala ka?" Madramang sabi ni Jen.




"Hindi ako pinayagan ni Clarence, e.. Bukas, pupunta ako ulit dito bukas para samahan ka." I said and hugged Jen.



"Badtrip ka naman Marga! For once, gumawa ka naman ng kasalanan." Humalakhak si Shan.



Hindi 'ko alam kung anong nangyari at ito ako ngayon sa Club haze. Kabadong kabado ako kasi alam kong hindi alam ni Clarence na andito ako. I texted him na tulog na ako pero hindi naman siya nagreply. Promise. Ngayon lang ako tatakas kay Clarence! Hindi na ito mauulit!



Kasama namin ang iilan sa blockmates ni Jen. Nagooffer sila ng shot pero pass lang ako ng pass. I don't wanna drink specially when Clarence is not around AND he doesn't know where i am, who i am with and what i'm doing. Kaya magbebehave ako.



I excused myself para mag-cr. Sobrang haba ng pila kaya I decided na umakyat nalang sa VIP area at 'doon umihi.


Bababa na sana ako nang may matanaw akong pamilyar na mukha sa VIP area.



Wait.. Is that Monica? Si Monica nga! Lalapitan 'ko na sana siya kaso napatigil ako sa susunod na nakita 'ko... Si Clarence. Fudge. Namamalik mata ba ako? Masyado ko ba siyang miss para maisip na andito siya?


Lumapit ako ng kaunti... Fuck. Si Clarence. Naka-akbay siya kay Monica habang magkatabi sila sa couch. Expose na expose ang binti ni Monica habang nakapatong ito sa mga hita ni Clarence. Wow. As in... Wow.


Busy pala siya? Kaya pala hindi nagrereply. Kaya pala parang ayaw niya ako kausap. Kaya pala hindi man lang gumagawa ng paraan para makita ako! Tangina!



Aalis na sana ako nang mabangga 'ko ang isang lalaki at sinalo niya ako. Fudge. Muntik pa akong mapatid!



"Holy shit! Margarette Andes? Yung nanalo sa pageant?" Anang lalaki. Marami ang napatingin dahil sa medyo malakas ang pagkakasabi niya non.


Napalingon sa gawi 'ko si Clarence. Agad siyang tumayo at  patulak na inalis ang legs ni Monica sa kanlungan niya.




Mabilis akong tumakbo. Hindi ko mapigilan ang pagiyak 'ko. Grabe!! Hindi ko ba deserve maging masaya? Hindi ba talaga ako enough na girlfriend? Wala ba akong kwenta? Walang halaga? Walang thrill? Manang?


My ex boyfriend and I broke up because of third party. At ngayon, nangyayari na naman sa present boyfriend ko. Fuck. Pinanganak ba ako para lokohin? Hindi ba talagang pwedeng makontento sila sa isa? Tangina! Pinanganak ata ako para masaktan!


------------------------------------------

BAKA di ko na po ito idelete.. BAKA... Hehehh. Happy 113k!

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon