Special Chapter 1

Start from the beginning
                                    

Ngumiti ako at tinanggap iyon. Naglakad kami patungo sa labas at ang Chevy at Monterro ng dalawang lalaking ito ang sumalubong saamin.

"Where's your car, anyway?" Tanong niya saakin at pinindot ang alarm para mabuksan ang sasakyan.

"Hindi ako nagdala. Nagcommute lang ako."

Tinignan niya ako. "You should've told me. Edi sana kanina pa ko umalis sa opisina."

Umiling ako sakaniya. "No need. Alam kong madami kang kailangan gawin. Nagh-hire kayo and I know isa ka sa nasa nagiinterview."

"Just inform me whenever you'll go out on your own. I thought you brought your car with you. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa asawa ko."

Alam kong namumula na ang pisngi ko. Kahit ilang beses niya ng sinasabing ang ganyan feeling ko teenager pa din ako at kinikilig pa ng husto.

Sumakay na ako at kinalma ang sarili ko habang umiikot si Blake patungo sa drivers seat.

"Calm down!" Parang baliw na sinabi ko sa sarili ko.

Pinaandar na ni Blake ang kotse niya at sumunod na kay Vanessa.

"We'll pick up Lianna?"

"Yup. Dadaan muna tayo sa bahay."

Nang makadating kami sa bahay nila ay nauna siyang bumaba para pagbuksan ako. Naglakad na kami patungo sa loob at nakita ko agad si Tita Helen na pababa ng hagdan.

"Oh, hi Kylie!" Masaya niyang bati ng makita niya ako.

"Hi tita!" Bati ko pabalik at nang magkalapit kami ay nagbeso kami sa isa't isa.

"I told you to call me Mom." Nakanguso niyang sabi saakin.

Hindi talaga ayon sa edad niya ang mukha niya pati ang kurba ng katawan niya. Para siyang nasa 25 pataas pa lang.

Kinagat ko ang labi ko. "I'm sorry, M-mom." Nahihiya kong sabi dahilan upang matawa ang mag ina.

Lalo akong nahiya. Hindi pa ako sanay.

"Hey son!" Napalingon kami doon sa nagsalita at nakita si Dad na kakababa lang din. Baka galing siya sa opisina niya sa taas.

"Yo, Dad." Sabi ni Blake sakaniya at nagman hug.

"Hello, Dad." Bati ko sakaniya at lumapit.

"Hi there beautiful lady." Aniya at niyakap ako. "So what's up?"

Tumabi sakaniya si Mommy at nilagay ang kamay sa braso ni Dad. Ugh! Masanay kana nga Kylie.

"Kukunin lang namin si Lianna, Dad. May pupuntahan lang kami." Sabi ni Blake.

"Oh, nandoon siya sa kwarto niya. Kasama niya yaya niya. Saan kayo pupunta? Anyway, aalis din kami ng Mommy mo."

"Basta, Dad. Eh kayo? San kayo pupunta?"

"Sa kambal mo."

Napatingin ako kay Blake at nakita kong tumango siya. Nabisita na din namin ang puntod ng kakambal niya. Looks like they're really close dahil noong kinausap siya ni Blake ay paulit ulit niyang sinasabi na namimiss niya na ito.

"Subukan naming sumunod." Sabi ni Blake at nilingon ako. "I'll get Lianna upstairs. Dito ka lang." Tuloy niya at hinalikan ang noo ko.

"Sus, para namang mawawala ka." Tawa ni Mom habang tinitignan si Blake na paakyat.

"I heard you, Mom." Sabi ni Blake habang tuloy na naglalakad paakyat.

"Yeah right."

"Sorry, I just love her so much." Ani Blake bago lumiko papuntang kwarto ni Lianna.

Campus QueenWhere stories live. Discover now