Dumalo din naman ako no'n. Medyo late na nga lang ang dating ko. Pero, wala na akong pake do'n. At least nakaabot pa ako.

Nakita ko siyang sumasayaw ng walang mask. Masquerade ball 'to, diba? Ba't wala siyang mask?

Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Nagulat nga ako ng mapansin niya ako agad.

"I know it's you behind that mask Adrian."

A smile curved on my lips from ear to ear. Kilalang kilala na niya talaga ako.

Hinila niya ako paakyat sa grand staircase ng function hall na ito. Dumiretso naman kami sa balcony.

Doon ko inamin na may gusto ako sa kanya. Di ko akalain na gano'n din pala ang nararamdaman niya para sa akin. In fact, she said that I'm her crush since 1st year highschool. Sobrang saya ko no'n.

It was like a fairytale in real life. It was indeed euphoric.

Di ko din akalain na ang sayang 'yon... Ay unti-unting maglalaho. I fought for her. Ipinaglaban ko siya laban sa passion ko. The 'Straight A' student before, failed for the first time. Inaamin ko, napabayaan ko ang pag-aaral ko. Naalis din sa isipan ko ang pagiging Math Wizard ko. Minsan, naboboring na ako sa Math subjects, na dati naman ay hindi. My professors also noticed the change on my grades. 'Yung iba pa nga, pinagsabihan na ako. Ganito pala ang epekto ni Iana sa akin. Nakakalimutan ko na ang sarili ko kasi parang sa kanya na lang umiikot ang mundo ko.

"Adrian, kung nakakaapekto na ako sa studies mo, please, tell me. Para hindi naman 'yung feeling na unti-unti kang lalayo sa akin."

Hindi ko siya diniretso. Ayoko din naman siyang masaktan. Though nagiging cold na siya sa akin. Humingi siya muna ng space. Binigay ko naman 'yon. Panahon na din siguro na itama ko muna ang passion ko.

I was busy with my comeback ng umeksena na naman siya. Nanalo lang kami sa Regional Math Cup. And we're reviewing for the Nationals. Medyo nataranta na naman ako ng marinig ko mula sa kanya ang mga katagang hindi ko inaasahang sasabihin niya.

"Alam ko na mula sa simula pa lang, darating tayo dito."

Inexpect ko na din ito eh. Akala ko sa teleserye lang ito makikita, sa totoong buhay din pala.

"Choose. Me or your passion?"

*
Dalawang araw ko ding pinag-isipan ang mga sinabi niya.

She challenged me. February 27 ang National Math Cup. The same date ang flight niya papuntang New York. Kung mananalo daw kami, makakaabot pa daw ako sa flight at susunod sa New York. Pero kapag natalo, expect that I'll lose her too.

February 26 na ngayon. Todo review na silang lahat habang nandito ako, nakatunganga lang. Akala kasi nila, alam ko na lahat.

But no matter what, lalaban ako. Bahala na kung saan ito pupunta.

*
"Recheck this. Dapat walang kamali."

Ayoko na ding magkamali.

This is the last question para sa Nationals, kung mananalo kami dito, very good, at makakasama ko pa rin siya. Pero kapag hindi, hindi lang ang passion ko ang masisira... I'll let go of Iana.

"Raise your boards."

Confident kong tinaas ang board namin. Umaasang tama ang naisagot ng Group A, ang grupo namin, dahil kung hindi, automatic na kaming talo.

"Only Group B got the correct answer."

What the fuck?

Hindi ko pa din ibinababa ang board namin. Hindi kami pwedeng magkamali.

"Adrian, ibaba mo na. Out na tayo--"

"NO."

Sumulyap ako sa coach namin. Kinukumbinsi niya akong ibaba na ang board. That 'it's-okay' look plastered on his face.

No, ayoko ng gumawa ulit ng isa pang mistake.

"CONGRATULATIONS TO GROUP B, WHO WILL REPRESENT US ON THE INTERNATIONAL MATH CUP."

D-did I just lost?

"It's okay team, at least nakapunta tayo sa Nationals."

I lost... Everything.

Napaupo ako at napasapo sa ulo ko. Accepting the fact that now... As in now... I'm just her variable.

Kumbaga sa '2x', si Iana 'yung 2. Ako 'yung X.

NOW a fucking VARIABLE... X...

***

Variable X (OS)Where stories live. Discover now