"Kung ganyan ang itsura ko, hindi ko na papangarapin na ipanganak."

Pinigilan ko naman ang tawa ko nang nakita ko siyang huminga nang malalim. Asar-talo. Pfft.

"Pasalamat ka may sakit ka at mabait ako," sabi niya naman at bigla niya akong tinulak papunta sa lamesa.

"Ikaw? Mabai—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang sinubo sa akin ang kutsarang may lamang kanin.

"Oo. Ayan nga o, pinagluto pa kita. Hay. Ang bait ko talaga."

Tinignan ko na lang siya habang dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at nakahawak pa rin siya sa mukha niya. Kapal talaga ng isang 'yon. Feeler.

Nagsimula naman na akong kumain at wala talagang kupas ang luto niya. Feeling ko kasinggaling niya si Kuya pagdating sa pagluluto, pero syempre hindi ko 'yon sasabihin sa kanya dahil baka biglang lumaki ang ulo. In fairness, wala akong ginawa ngayon. Ligtas sa pagluluto at paghuhugas!

Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako sa kwarto para sana magpahinga ulit dahil napagod ako sa tatlong babaeng 'yon pero nakita ko si Dylan na nakatambay lang sa kama niya.

"Huy. May pasok ka 'di ba?" tanong ko at tumingin naman siya sa akin.

"Hindi ako papasok."

"Ha? Bakit?"

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahawak ako sa pinto. Nakita ko namang nagmadali siyang pumunta sa akin.

"P-pumasok ka na nga," mahina kong sabi pero hindi niya ako pinansin at nilagay niya ulit ang kamay niya sa leeg at noo ko. Bakit sobrang lamig ng kamay niya?

"Paano ako makakapasok kung may lagnat ka na naman?"

Pagkasabi niya no'n ay inalalayan niya ako papunta sa kama ko at mukhang tama nga siya dahil biglang uminit ang mukha ko. Nang makahiga na ako ay inayos niya ang kumot ko kaya napatingin ako sa kanya. Ang bait niya talaga ngayon. Sobrang weird.

"Sorry," mahina niyang sabi.

"Hmm?"

"Mukhang nilagnat ka ulit dahil sa akin." Nagkatinginan kami at hindi ko alam kung anong meron pero parang may kakaiba sa kanya ngayon.

"Hin—"

"Hot ko kasi, eh. Sorry talaga," sabay iling niya.

Okay. Binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi siya mabait. Walang kakaiba. Bwisit na lalaking 'to! Sasamaan ko na sana siya ng tingin pero kapag ginagalaw ko ang mata ko ay nahihilo ako. Napahawak tuloy ako sa ulo ko.

"Nahihilo ka na naman?"

"Obvious ba?"

"Hindi. Malay ko ba kung acting lang 'yan?" Aba talaga naman!

"Ang galing palang mag-acting ng mga nerve cells ko—ouch!"

"Di nga? Nahihilo ka talaga?"

"Di mo ba narinig na nag-ouch ako?"

"Magandang proof yan Lyka"

Hindi ko alam kung bakit ganito ang usapan namin pero lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Pinikit ko na lang ang mata ko at iniwan na niya ako para makapagpahinga hanggang sa makatulog ako.


***

Nagising naman ang diwa ko pero hindi ako dumilat. Siguro gabi na dahil mas lumamig at naririnig ko ang night life ng ibang estudyante sa floor sa taas namin.

"Gising ka?" Nagulat naman ako nang narinig ko si Dylan sa pwesto niya.

"Mmm," mahina kong sagot. "Hindi na ako makatulog."

"Ako rin."

Napadilat naman ako dahil iba ang tono niya. Kahit may nakaharang sa pagitan namin ay naiimagine ko ang serious and calm expression niya.

"Bakit?" tanong ko naman.

"Naalala ko kasi 'yong kanina."

"Kanina?"

"'Yong sa open field."

Open field? Kung saan ako hinimatay? Ano pa bang ibang nangyari ro'n?

"Ano bang nangyari? Wala na akong malay no'ng mga oras na 'yon, eh."

"'Yon nga."

Bigla naman siyang natahimik at gano'n din ako. But after a few seconds, I heard his voice again.

"Lyka?"

"Hmm?"

"Please don't do that again. It scared the hell out of me."

Pagkarinig ko no'n, pakiramdam ko ay magkakalagnat ulit ko.


***

7th UnitWhere stories live. Discover now