At dahil may sakit ako, ligtas ako sa house rules. Yeeeey! Feeling senyorita ang drama ko ngayon. Wawa Dylan. Pero kasalanan mo naman. Buti nga!


Natawa naman ako bigla dahil sa pinaggagawa ko. Ano 'to, diary na post-it notes version? Hindi naman ako mahilig talaga mag-diary. Actually, sinubukan ko noong high school pero hanggang simula lang. Ni hindi nga ako nakakaabot ng isang buwan kaya tinigilan ko na.

Dinikit ko nalang sa pader sa medyo ibaba ang mga sinulat ko. Magsusulat pa sana ako ng isa pa pero nabitiwan ko ang post-it at ballpen dahil biglang sumigaw nang malakas si Dylan.

"Leave!"

Agad naman akong tumayo at binuksan ko ang pinto pero napatigil ako sa nakita ko. May tatlong babae sa may pintuan at nagpapabalik-balik ang tingin nila sa amin ni Dylan.

"Hey!" sigaw sa akin ng isang babae.

"Di ba siya 'yong laging kasama nina James at Dylan?" dagdag ng isa pa.

"Get out." Mahinang sabi ni Dylan pero ramdam ko ang galit sa boses niya. Maging ako ay natakot at napahawak sa door knob ng kwarto.

"Bakit nandito siya, Dylan? Tell us!"

Aba, sino ba 'tong mga 'to? Ano namang pakialam nila kung nandito ako? Mga chismosa.

"And you," sabay turo sa akin ng isa pa at kumunot naman ang noo ko. "Ganyan ka ba kababaw? Ikaw pa ang pumupunta sa bahay ng lalaki? At talagang sa loob pa ng kwarto niya ha?"

"Malandi."

Pagkarinig ko no'n ay nagpintig na ang tenga ko. Hindi na ako nakapagpigil. I arm-locked her. Pasalamat siya at nanghihina ako ngayon pero mukhang effective pa rin dahil sumigaw siya.

"S-stop!" Hahampasin na sana ako ng dalawa pang babae pero sinipa ko sa tagiliran ang isa at ang huli naman ay tinulak ko sa dibdib gamit ang isa ko pang kamay.

"Pag hindi pa kayo umalis, sisiguraduhin kong mababalian na kayo ng buto."

Pagkasabi ko no'n ay kumaripas na sila ng takbo at agad kong nilock ang pinto. Kasi naman, bakit hindi naka-lock 'to?!

Pagtalikod ko ay nakita kong nakatitig lang sa akin si Dylan pero bigla siyang tumawa. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano pero sobrang effective. Gusto ko rin tuloy siyang bigwasan.

"Para akong nakakita ng amasona," he said between his laughs.

"Bwisit kasi, eh. Kala mo naman kung sino silang makasugod dito. Kala nila ang gaganda, mukha namang mga bisugo. Puro satsat, wala rin naman palang laban. Nakakainis."

Matapos kong sabihin 'yon ay tumigil siya sa pagtawa at tumitig ulit sa akin na para bang iba ang kausap niya ngayon.

"Ano na naman?" Bigla naman siyang lumapit at nilapat ang kamay niya sa leeg ko kaya lumayo ako.

"Ganyan ka ba kapag may sakit? Iba ka," sabay iling niya pa.

Sinikmuraan ko nga. Siya na nga 'tong may kasalanan kung bakit nakapasok ang mga 'yon, siya pa ang may ganang mang-asar.

"Sino ba 'yong mga 'yon?" tanong ko at umupo ako dahil medyo nahilo ako.

"Stalkers," sabay tingin niya sa gilid at this time, ako naman ang tumawa.

"Seryoso? May nangsstalk sa'yo? Pfft!" Sinamaan niya ako ng tingin at mukhang na-offend siya.

"Kung ganito ba naman ang itsura mo," he said smugly while holding his face tenderly. Yuck.

7th UnitWhere stories live. Discover now