The Greenville High

38 1 1
                                    


CHAPTER ONE

"Mga dude party party raw mamaya sa bar lodge. Madaming chicks!"

Nawala ang konsentrasyon ng dalawang lalaking naglalaro sa pagsigaw ni Raven.

"Damn Raven can you shut the fuck up! Damn!" Inis na singhal ni Jhon Albert sa bagong dating.

"Ano Pre mukhang nilulumot ka ngayon ah!" Pang-gagatong naman ni Travis kay Jhon Albert ng makitang matatalo na niya ito.

"Damn damn damn!!!Noooo!!!"

Boooogsh

"Dude! Bakit mo naman binato! Bagong bili ko pa naman ang x-box na iyan! Naman oh." Maiyak-iyak na pinagmasdan ni Raven ang x-box na talagang wasak.

"This is your damn fault! Kung 'di ka sana umentra hindi sana ako mawawala sa konsentrasyon. Panalo sana ako ngayon!" Duro ni Jhon Albert ni hindi nito alintana ang maiyak iyak na mukha ng kaibigan sa pagwasak niya sa x-box nito.

Ang kaninang naiiyak sa inis na mukha ni Raven ay napalitan ng puppy face. "Hey Dude let me explain." Mababang tonong aniya at itinaas pa niya ang dalawang kamay sa ere.

Alam niya kasi kung paano magalit ang kaibigan niyang 'to. At talagang iiwasan mong maging sentro ng galit na 'yon.

"Explain what?" Crossed arm na tanong ni Jhon Albert.  May inis pa rin ang tono ng boses pero hindi na tulad kanina na naka max volume.

"Excited lang naman akong sabihin sa inyo na nagpaplano ang lahat ng party mamaya sa bar lodge. All the girls are be there. Isn't it a very good news?" May laman ang ngisi na nakapaskil sa labi ni Raven.  Nagsalit salitan pa sa pagtaas baba ang dalawang kilay niya.

"Nope it's not. It's boring. I rather sleep." Bored ang boses na ika ni Travis na ngayon ay may hawak ng libro.

"Argh! Ang corny mo talaga Dude! Isa kang certified nerd!" Inis na sinigawan ni Raven ang kj niyang kaibigan.

Minsan talaga hindi niya maintindihan kong pano naging matalik na magkakaibigan silang tatlo. Napaka layo ng ugali ng bawat isa sa kanila. Araw araw hindi mawawala ang 'di pagkakaunawaan dahil may kanya kanya silang ayaw at gusto.

Ngunit masasabi niya rin ito din ang dahilan kaya nagiging masaya ang samahan nila. Na e-enjoy nila ang presensya ng bawat isa. At kahit sa ginta ng di pagkakaunawaan hindi parin natitibag ang tibay ng samahan nilang tatlo.

"Oh ano na J.A go na tayo?" Excited na baling ni Raven kay Jhon Albert. Alam naman niya kasing wala talaga siyang aasahan kay Travis dahil walang itong kahilig hilig sa party.

Halos isumpa niya ang araw na naisama niya ito sa isang house party noon. Ikaw ba namang magparty na imbes alak,sayawan at babae ang aatupagin mo. Pagbabasa lang ang aatupagin mo! Grr nakakahiyang kasama sa party ang nerd na 'to. Binigyan pa niya ng matalim na tingin si Travis.

"I pass."

"WHAT?!!" Napasigaw ng malakas si Raven sa narinig na sagot mula kay Jhon Albert. Nanlaki pa ang singkit niyang mga mata.

Sino ba naman ang hindi mabibigla.

This is Jhon Albert were talking about. The oh so great Jhon Albert.

Isang notorious badboy/playboy/heartthrob ang lalaking 'to. Walang pinapalampas na party ang kaibigan niyang ito. Dahil ayon pa mismo dito kung saan may party, merong pagkain.

Nag-angat naman ng tingin si Travis at nakalimutan ang pinkamamahal na libro sa narinig mula sa kaibigan. Tulad ni Raven nakalarawan din sa mukha nito ang di pagkapaniwala.

"May gusto kasi akong alamin." Balewalang paliwanag ni Jhon Albert ng makitang hindi pa din siya nilulubayan ng tingin ng dalawa niyang kaibigan. "Gusto kong alamin kong sino si Ryn Smith." Dagdag paliwanag niya na mas lalong nagpagulo sa utak nina Raven at Travis.

"Bakit?"

"What for?"

Sabay na bigkas nina Raven at Travis. Nagkatinginan ang dalawa at nagbabatohan na naman ng masamang tingin.

Nagkibit balikat naman si Jhon Albert na nakita ang batohan ng tingin ng mga kaibigan na kinasanayan na niya. "Curiosity. Mula ng tumuntong tayo dito sa Greenville High lage na natin naririnig ang pangalan na 'yan. Kesyo siya ang matalino siya, masama siyang magalit, iwasan siya etc etc. Sa dami ng narinig ko sa kanya halos marindi na ang tainga ko!" Nanggigil na ika niya. Dahil sa lobus na inis at gigil na nararamdaman ni Jhon Albert  hindi niya namalayang niyuyupi na niya ang coke in can na hawak.

Napailing na lamang sina Travis at Raven sa narinig mula kay Jhon Albert. Ayaw talaga nito ang nalalamangan sa lahat ng bagay lalo na ang atensyon at kasikatan.

Mula noong nasa Grade school palamang silang tatlo saksi na nina Travis at Raven kung paanong hawak ni Jhon Albert ang atensyon ng lahat.

Pinanganak itong ubod ng yaman kaya lahat nakukuha nito. Biniyayaan din ito ng taglay na kagwapohan na siyang hinahabol habol ng mga babae sa school nila. At may ibubuga din naman ito sa klase kong hindi lamang ito nag cu-cutting classes para lang tumikim ng ibat ibang putahe.

Gusto nitong palageng nasa limelight kaya hindi nakapagtatakang mainis ito kapag hindi nakukuha ang atensyon na gustong gusto nito. Siguro nga kulang sa pansin itong si Jhon Albert.

"Even though we hear a lot about this guy. Never naman nating siyang nakita ng personal." Dugtong ni Travis na nasa libro na muli ang atensyon pero hindi parin napigilang di magbitaw ng komento.

"Yes! At iyan ang ikinaiinis ko! Sigurado akong lampa at pangit at hindi totoong magaling ang Ryn Whatever na iyan! Dahil kung magaling siya dapat hindi siya parang isang daga na nagtatago ngayon!" Hindi parin naiibsan ang inis na nararamdaman ni Jhon Albert.

Ikaw ba naman halos walang sandali sa isang buong araw na hindi pwedeng hindi marinig ang pangalan na Ryn Smith. Dapat wala silang bukambibig kundi ang pangalan ko!Nag susumigaw sa isip ni Jhon Albert.  

...

"Oy alam niyo ba ang balita?"

"Oo ngayon palang nanginginig na ako sa takot. Kung pwede lang lumipat ng classroom kanina ko pa ginawa Grrr. "

"Gosh tama ka bakit ba kasi dito pa siya nalipat?"

Natigilan si Jhon Albert sa narinig mula sa dalawang babaeng kaklase niya.

Ayun na naman ang mga ito na para bang takot na takot sa kung sino man ang pinag-uusapan ng mga ito.

Ryn Smith.

Alam niyang ito ang tinutukoy ng dalawa dahil wala namang ibang matunog na pangalan sa school na ito kundi ang Ryn Smith na 'to.

At naiirita siya. Sobra niyang kinaiirita iyon.

Siguro nga kulang siya sa pansin. Gusto niyang siya ang sentro ng atensyon. Ang kinatatakutan. Ayaw niyang nababalewala siya.

At kung sino man ang Ryn Smith na iyan.

Humanda siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE UNKNOWN: UntouchableWhere stories live. Discover now