I : Aftermath

Magsimula sa umpisa
                                    


*****


Nakasandal lamang ako sa malamig na tiles habang nasa ilalim ng malakas na shower. Hinahayaan kong bumuhos ang luha ko kasabay ng pagtama ng tubig sa ulo at mukha ko. Sa mga pagkakataong 'to, hindi ko na pinipigilan ang sarili kong umiyak at maging mahina. Wala rin naman kasing saysay kung magsisinungaling ako sa sarili ko.


"Dana? You there?"


Narinig ko ang boses ni Mira kaya sumagot ako habang pilit na itinatago ang luha ko.


"Hindi ka na naman lumangoy no?" Tanong pa niya kaya tumawa na lamang ako.


"Not in the mood Mira." Sabi ko.


"Nga pala, nag-text si Raze sa akin, nagtatanong siya kung kamusta ka na raw. Hindi mo parin ba kayang makipag-usap sa kanya?" Tanong ni Mira pero hindi na ako sumagot, "One month nang hindi pumapasok si Raze, pati si Shem hindi ko narin nakikita. Si Ha—"


"Say that name and I will make you eat soap." Banta ko agad kay Mira. Marinig ko pa lamang ang pangalan ng babaeng 'yon sumisikip na ang dibdib ko't kinakain na ako ng galit. Wala akong ibang gustong gawin kundi saktan siya. Wala akong ibang hinihiling sa kanya kundi kapahamakan kaso totoo nga ata ang kasabihang ang masamang damo, matagal mamatay.


Mira knows what happened even after siya mismo ay mamatay. Sa kanya ko sinabi ang lahat ng mga nangyari dahil magkasama kami nang araw na magsimula ang lahat. Magkasama rin kaming nagtago at nakipagsapalaran sa imburnal na 'yon pero napahamak siya at muntikan pang pinatay si Cielo.


****


"Hi Dana!" Bati sa akin ng mga babaeng nakasalubong ko sa hallway kaya ngumiti na lamang ako ng tipid at nagpatuloy lang sa paglalakad habang inaayos ang sleeves ng suot kong kulay asul na polo.


"Ba't bigla siyang naging weird?" Narinig kong sambit ng isa. Sa totoo lang gusto kong batuhin ang babaeng 'yon ng hawak kong biology book kaso kung andito si Cielo, for sure pagagalitan ako nun kaya 'wag nalang.


Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang cellphone ko. May missed calls, akala ko galing kay Raze pero galing pala kay Chief Razon. Ano kayang kailangan niya?


Nang makuha ang mga gamit ko ay isinara ko na agad ang pinto ng locker pero laking gulat ko nang biglang bumungad sa tabi ko ang isang pamilyar na mukha. Nakatayo lamang siya sa tabi ko, nakasandal sa locker habang naka-ekis ang braso.


"Sup?" Taas-noo niyang sambit nang may ngisi sa kanyang labi.


Sa sobrang gulat ko'y wala akong ibang magawa kundi ngumiwi. Okay, pogi siya. Super pogi niya. Pero what the hell? Nakakapangilabot 'tong asta niya and to think ngayon lang kami nagkita after one month. He looks so manly with his plaid blue polo and black inner shirt pero alam ko na kasi ang tungkol sa pagka-tililing niya kaya so wala paring appeal para sa akin.


"And what are you doing here?" Tanong ko na lamang.


Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon