2.VIII

45.9K 1.2K 138
                                    

2.VIII

*HARU

'Good morning, beautiful. These flowers are from my garden. Hope you like it and feel the love I put into them as I make them grow. They are special as you.'
-Vander

Napangiti ako ng mabasa ko ang letter sa boquet ng red tulips na ipinadala sa 'kin. Tuwing may okasyon ay hindi niya ako nakakalimutang bigyan ng bulaklak. Muli akong napangiti nang sulayapan ko ang kalendaryo sa harap ko at sa lalaking nakasimangot sa desk niya. It's been two weeks since he started working or should I say watching me. Today is Valentines so I'm somehow expecting something from him. I want to spend this whole day with him. Masaya ako na nandito siya sa espesyal na araw na 'to.

"Will you quit staring that filthy tulips?" Napitlag ako nang bigla siyang magsalita sa harap ko at agawin ang boquet saka padaskol na itinapon sa dingding.

"Neien?! Ano ka ba? Ibinigay 'yan sa 'kin. I should appreciate it." Inirapan ko siya at tumayo para pulutin ang hinagis niyang bulaklak. Sayang din yun. Akmang hahakbang pa lang ako ay agad niya akong pinangko sa upuan ko at iniharang ang magkabilang braso niya sa armrest ng swivel chair ko para hindi ako makaalis.

"Subukan mo lang pulutin 'yan at ihahatid ko sa 'yo ang nakakahon na katawan ng nagbigay niyan." Mapanganib niyang sabi. Agad naman akong kinilabutan kaya tumango na lang ako.

"Buti nga nakakatanggap ako ng bulaklak mula sa ibang tao pero sa 'yo ni minsan hindi mo pa ako binigyan kahit dahon ng rosas." Nakasimangot na turan ko sa kanya.

"What do you want me to do? Gusto mo ba ng flower farm? Garden? What? Name it and I'll give it to you." Salubong pa rin ang kilay niyang tanong sa 'kin. Malungkot ko siyang tinitigan sa mata at marahang itinulak.

"You don't understand what I want." Mahinang sabi ko saka tumayo para pulutin ang itinapon niyang bulaklak pero muli niyang inagaw 'yon sa 'kin at pinagaapakan.

"Sinusubukan mo talaga ako, Haru." Mariin niyang sabi.

"Oo na! Palagi naman! Tuwing sinusuway kita palagi kitang sinusubukan! Sinusubukan ko kung kaya mo bang intindihin ang gusto ko! Kung kaya mong pahalagahan yung saya na idinudulot sa 'kin ng mga simpleng bagay na pinagkakait mo!" Naiiyak kong sigaw sa kanya saka itinulak siya ng malakas. Napaatras siya kaya lumuhod ako para pulutin ang mga petals na nasira na at ang mismong boquet na inapakan niya. Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Narinig ko ang mahinang pagmumura niya kaya agad akong tumayo at nagtungo sa na silid sa opisina ko. Isinara ko ang pinto at nahiga sa kama na naroon. Dito ako nagpapahinga kapag pagod na ako sa trabaho. Minsan ay kasama ko si Red dito. Dito kami natutulog kapag hindi ko maiwan ang mga trabaho na nandito.

Nakakainis! Napakasama talaga ng ugali! Hindi pa rin siya nagbabago. Napaka-bossy pa rin at napakabayolente. Hindi niya ba naiintindihan na gusto ko lang ng kahit bulaklak sa tabi-tabi na pinitas niya para sa 'kin? Iyong bagay na pinaglaanan niya ng panahon at lakas para lang maibigay sa 'kin. I miss him so much and I want to do a lot of things with him. But being Neien, he trully knows how to kill fun. I want to be with him together with our son. Pinunasan ko ang luhang kanina pa pumapatak. Ipinikit ko ang mga mata ko para itulog sandali ang inis ko sa kanya.

"Baby... wake up." Tawag niya sa 'kin habang masuyong hinahaplos ang pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nadatnan ko ang gwapo niyang mukha na matiim akong tinitignan. Agad akong napapiksi at napaupo. Matagal ba akong nakatulog?

"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Tanong ko sa kanya. Nginitian niya ako at hinagkan sa noo.

"Hindi naka-lock ang pinto kaya pumasok na ako. Hindi mo naman sinabi na may kama ka pala dito." Nakangisi niyang sabi habang hinahaplos ang braso ko. Tinabig ko ang kamay niya at lumayo sa kanya.

The Devil's Better Half (TDBM 2 on DREAME)Where stories live. Discover now