Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )

Começar do início
                                    


" Magaling." Nabaling ang atensyon naming lahat sa nagsalita sa harapan namin.


Dalawang lalaki ang nasa harapan namin ngayon. Ang isang ay may katamtaman na katawan at may hawak hawak na baraha na shinushuffle niya gamit ang isang kamay lang. Nakasuot rin siya ng sumbrero at may hawak hawak na tungkod sa kaliwang kamay niya. Isa ata 'tong salamangkero na ewan. Tapos yung isa naman ay may brusko at napakalaking katawan at wala siyang hawak na kahit ano maliban sa isang brass knuckle sa kanang kamay niya.


Kung titignan mo sila, ang lalayo ng mukha nila sa isa't isa.


" Akala ko ba kambal sila, Ish?" Naguguluhan ring tanong ni Benz " Pinagloloko lang ata tayo nung Jack na yun eh."


" Hindi ko rin alam. " Base sa itsura nung bruskong lalaki, parang may ginawa siya sa katawan niya para magmukha siyang ganyan. Napakalayo ng itsura nila sa isa't isa.


Nakangisi lang yung may hawak ng baraha. Habang yung may malaking katawan naman ay napakaseryoso.


" Kaya niyo na ba sila Ish, Benz? " Biglang tanong ni Kael samin.


" Balak mo bang umuna? Masyado ng delikado kung ikaw lang mag isa ang pupunta, Kael " Babala ko. Sa tingin ko kasi lima lang ang palapag ng masyon na'to, at kasunod na ng palapag nato matatagpuan si Boss. Baka kung sinu-sino pa ang makakaharap niya dun. Wala siyang makakasama.


" Ubos na ang oras na'tin. Baka wala na tayong abutan pag nagtagal pa tayo dito." Sabagay tama siya. Kung sasali pa siya dito, malamang matatagalan pa kami sa pagligtas kay Boss. Pero kasi..baka may mangyari pang masama sakanya pag mag isa lang siyang pupunta.


" Sige na Kael. Kaya na namin 'to ni Ish." Biglang singit ni Benz kaya napatingin ako sakanya. Nakangisi lang 'to. Ba't ang kalmado lang ng hayop na 'to? -__-


" Sigurado ka ba Benz? " Ako na mismo ang nagtanong. Balak niya bang pasugurin ng mag isa si Kael?


" Wag kang mag alala " Napansin ko pa ang pag ngisi niya. " Tatapusin agad natin ang laban para makasunod agad tayo kay Kael." Hindi ko alam pero bigla na namang nanginig ang katawan ko.


Ganito ba nakakatakot ang makakalaban namin ngayon?


Naramdaman kong may mabilis na tatama sa may mukha ko kaya napalingon ako sa harapan ko at mabilis kong iniwas ang ulo ko. Pero kinapos ako ng konti. Napadalisan ang pisngi ko at nasugatan.


" Awts. Sayang." Nakangiting usal nung parang magician. Ano bang kakayahan meron 'to at nagagawa niyang ihagis ang isang baraha ng sobrang bilis?


Kaasar!


" Ish." Nabalik lang ako sa sarili nung tinawag ako ni Benz, tsaka ko lang napansing nakahanda na pala sila. Ano bang ginagawa ko?


" Alalayan niyo ako." Utos ni Kael pagkatapos ay di na ito nagdalawang isip na sumugod. Agad rin kaming sumunod ni Benz.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora