Chapter Two - The Raid

Start from the beginning
                                    

Nakita nilang bumaba na sa entablado si Semira kaya agad siyang tumayo upang sundan ang alkawete. Dumaan sila sa isang dressing room kung saan may maraming mga babaeng abala sa pag-aayos ng mga sarili. Narating nila ang isang kwarto saka pumihit ang alkawete.

"Hanggang dito na lang ako. Ikaw na ang bahalang mamroblema kung paano makapasok sa kwartong ito."

_______________________________

Alam mo bang gabi-gabi kitang inaabangan sa club na 'to? saad ng isang sulat na natanggap ni Semira.

Ibibigay ko ang lahat na gusto mo, pagbigyan mo lang akong makasama ka ng isang gabi, alok ng isang regalo.

Ako na siguro ang pinakamaswerteng lalaki kung mapipili mo akong ka-table ngayong gabi, laman naman ng isang liham na kasama ng isang regalo.

Naaliw siya sa pagbabasa hanggang sa nakarinig siya ng hiyawan sa labas. Alam niya ang protocol kaya agad niyang naisipang dumaan sa kabilang pinto kung saan dito ang daan patungo sa fire exit ngunit bago pa man niya mabuksan ito ay iniluwal na nito ang isang lalaking ngayon lang niya nakitang napadpad sa club. Mabilis siyang pumihit upang sa kabilang pinto dumaan ngunit agad siyang hinawakan ng lalaki sa kanyang palapulsuhan.

"Huwag ka nang magtangkang tumakbo dahil napaligiran na ang buong club."

Alam niyang wala siyang kawala kaya agad siyang napaisip ng sasabihin. "M-Maawa po kayo," pagpapanggap niya bilang karaniwang pananayaw lang, "Naghahanapbuhay lang naman ako dito."

"Sa presinto ka na magpaliwanag."

Kinabahan siya sa narinig niya. Alam niyang ito ang magiging katapusan ng buhay niya kapag mangyari ito.

"S-Sandali," agad siyang nag-isip ng lusot. "Huwag n'yo na lang po akong dalhin sa presinto."

"Ano?!" bulyaw sa kanya ng lalaki.

"S-Sarhento, papaligayahin kita," palusot niya. "Sa bahay mo na lang ako dalhin. Libre na ang serbisyo ko," suhestiyon niya habang iniisip kung paano matakasan ang sitwasyon niya.

"Tsk," paklang napangiti ang sarhento. "Hindi ako pumapatol sa mga babaeng katulad mo!"

"Grabe ka naman." Nagpanggap siyang isang babaeng walang pinag-aralan. "Hindi ka ba nadadala sa alindog ko?"

"Asa ka pang pagnanasahan kita," saad nito. Napangiti si Semira sa sinabi ng sarhento dahil isang hamon ito para sa kanya. "Sa presinto ka na magpaliwanag."

"Sarhento . . ." Kunwari ay isa siyang walang kalaban-laban na babae habang inaaral niya ang kapaligiran. Alam niyang dehado siya kung manlaban siya kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid upang makita kung isa ba sa mga nahuli si Daegan. Hindi niya ito nakita. Marahil ay nakaalis na ito kasama si Jao Min Phong bago pa nagsimula ang raid. Ibig sabihin nito, kailangan niyang gumawa ng sariling deskarte upang makawala sa kapahamakan.

Narating na nila ang labas ng club at nakita niyang sa iisang van lang isinakay ang mga nahuling kababaihan. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Naalala niya ang kwento ng tutor niya sa Chemistry.

Si Divo Rosch, ang unang babaeng itinalagang magiging asawa ni Daegan. Kasing edad lang ito ni Daegan at tulad niya, dumaan din ito sa isang matinding pagsasanay ngunit sa kasamaang palad ay napunta siya sa kamay ng awtoridad. Isang panuntunan, na tanging elite members lang ng Amano-Kai ang nakakaalam, ay ang sinumang Amano-Kai member na mahuli ng awtoridad ay isang matinding paglabag. Kapag mangyari ito, kailangang makawala ang miyembro bago sila mapatawan ng kamatayan.

Sa nangyari kay Divo, kahit siya ang itinuturing na prinsesa ng Amano-Kai noong panahong iyon, ipinataw pa rin ni Godfather ang kamatayan sa kanya at sa kanyang mga kasamahan. Ginagawa ito ni Godfather upang masigurong mananatiling sekreto ang lahat na misyon ng Amano-Kai.

The Kiss of Poison VenusWhere stories live. Discover now