Ikatlong Liham

38 1 0
                                    

Iniibig kong Nidora,

Isang buwan na ang nakararaan simula nang magkakilala tayo. Sa mga araw na nakakasama ka'y maslalong lumalakas ang damdamin ko para sa'yo. Iniibig na nga yata kita, Nidora. Ako'y napapangiti tuwing naaalala ka. Halos lahat ng bagay na aking natatanaw ay naaalala kita, Nidora. Naloloko na ba ako, Nidora? Naloloko na ba ang hangal na umiibig sa iyo? Kung ganito ang pakiramdam ng naloloko, handang handa ako maloko basta ikaw ang dahilan. Ano kayang nararamdaman mo para sa akin, Nidora? Nais kong malaman, ngunit alam kong dapat akong maghintay. Ngunit, Nidora, hayaan mo sana ako. Sa susunod nating pagkikita, malalaman mo ang tunay na nararamdaman ko.

Umiibig,
Anselmo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Mga Liham na Hindi Mo MababasaWhere stories live. Discover now