BSK twentipor :3

18.1K 532 105
                                    

Lumipas ang mga araw,ang tanging nasa isip ko ay ang pinag usapan nina Mama at Air. Ganon pa man,kahit araw araw ay namimiss ko si Air,umiiwas ako. Ayokong si Rein mismo ang maghinala.

"Handa na ba kayo para sa PROM? ang bilis ng panahon,sa March gagraduate na kayo." Ani Maam. Oo nga,ang bilis ng panahon. Dati wala akong panahon sa pag-ibig,pero heto ako ngayon halos mapraning na.

At oo,ready na sa prom ang lola niyo. Pagpasok pa lang ng February may suit na ako,color lavender siya,maganda at malamig sa mga mata. Kaya kahit na maging wall flower ako sa prom ay ayos lang.

"Something is really off." comment ni Wella,as usual magkakasama kami kahit gabi na.

"Nabanggit nga sa akin ni Air." ani Ken na parang may malalim na iniisip.

Nagpapasalamat ako na kaibigan ko sila,dahil kung ako lang mag isa ay umiiyak pa din ako at super emo. Im not saying na kailangan ko sila para ma solve ang love life ko,ita just that masaya ako na kahit hindi ko hilingin ay ginagawa nila.

"Pustahan! yang Kneel na yan ang may pakana! may mga rason siya,pwedeng gusto niya si Koiji kaya kinuntsaba niya si Rein. Pwede ding sila ni Rein at may balak sila against Air. Wala akong tiwala sa pagmumukha niya." galit na sabi ni Jive,napanganga na lang ako sa conclusion niya.

"Kapal ng mukha ng Kneel na yan,ewan ko ba kay Koiji at naging crush niya yun dati. Hindi ako nagsisisi na sinabuyan ko siya ng juice! kahit isumpa pa niya ako hindi na yun tatalab,lahat ng problema at bagyo pinagdaanan ko na. Tingnan niyo mukha ko o? May nangyari ba? sumpa pa kaya,letseng Kneel yan." mahabang sabi ni Jikloy na mas ikina nganga ko.

"Ako nga dapat sasampalin ko siya eh." dagdag pa ni Kendi.

"Nako,guys. Mabait naman si Kneel. Its just that may mga insecurities siya." sabi ni Key.

"Huwag na natin siya pag usapan,hindi dapat tayo ganyan sa ibang tao." ang pag suway ko sa kanila. I dont think its right na pag usapan ng ganon si Kneel.

Nagkayayaan na din umuwi ang tropa,sakto lang dahil inaantok na ako. Kailangan na din naming mag review dahil malapit na din ang final exam. Pakiramdam ko ay ang dami kong bagsak. Kaya nagdadalawang isip ako kung magka-college pa ba? kahit hindi na siguro,tutal vocational naman itong last year namin,pwedeng deretso trabaho na.

Isang araw,pumasok sa isip ko na pumunta sa plaza independencia para makapag isip at makagawa ng paraan sa masalimuot naming love life ni Air. Sa totoo lang nakakapagod na,simple lang naman ang problema,kailangan lang maayos. May tiwala naman ako kay Air.

Naupo ako sa lilim ng puno,sumandal ako. Ang sarap ng ihip ng hangin.

"Nandito ka lang pala."

"Air?" naka ngiti pa ang gago at naka pamewang,parang walang problema.

"Hinanap talaga kita. Malaya--"

"Bwisit kaaa!" napatingin kami sa boses,parang beki? "Naligaw na tayo! dapat nag google map tayo eh!!"

"Jiko naman! hindi lahat makikita sa google map,swerte nga natin nanalo tayo sa promo kaya nandito tayo sa cebu." gwapo yung lalaki,napalingon ito sa amin.

"Ano nga sinasabi mo?" baling ko kay Air.

"Maayos--"

"Pwede magpatulong?" sabi nung lalaki,nakalapit na sila. OH my gaaaaassh! beki ba tong kasama niya? ang ganda!

Tumayo na ako para maharap sila. " Saan itong mga lugar na ito?"

May ipinakita silang listahan,lahat naman yon ay alam ko.

"Alam ko lahat yan!!" sabi ko.

"Koiji,mag uusap pa tayo" ani Air.

"Hala! Narinig mo yun Chance? nagtatagalog sila!!" pumalakpak pa yung beki,nakakatuwa siya.

"Kung hindi nakaka abala pwede ba kayong maging tour guide? dont worry ililibre namin kayo." sabi nung lalaki.

"Okay lang,wala din kaming ginagawa." ani ko at nilingon si Air na naka nguso.

"By the way,Im Chance. This is my life Kiji." waahh! my life talaga? si magjowa sila,kainggit na naman.

"Im Koiji,ito nman si Air."

"Hello sa inyong dalawa! wow! halos parehas tayo ng pangalan!" ani Kiji.

"San niyo ba unang gusto pumunta tol?" tanong ni Air. Hindi kaya siya hinahanap ni Rein?

"Dito sa Robinsons" ani Chance.

"Sige sakay lang tayo ng jeep." ani Air.

"Ilang araw ba kayo dito?" tanong ko kay Kiji ng nag aabang na kami ng jeep.

"Tatlo lang,gusto ko nga dapat nung sinulog pa. Kaso umabot na lang ang February at ngayon lang nakuha ang promo." sagot nito.

Nang makarating sa Robinsons ay panay na ang picture nina Chance at Kiji,minsan sinasama pa kami ni Air.

"Nakaka inggit sila." ani Air,halatang masaya sila sa isa't isa." seryosong sabi ni Air.

"And they look so contented with each other." dagdag ko pa.

Nang nagutom ang dalawa way niyaya kaming kumain,pati ata si Jollibee ay may something sa kanila.

Kami ni Kiji anh pumila,pagbalik namin ay seryoso ng nag uusap sina Air at Chance,nagkatinginan kami ni Kiji at napangiti.

"Alam niyo,tol Air at Koiji. Madami kaming pinagdaanan ni Jiko bago kami umabot sa ganito. Ang sekreto lang ay,pagmamahal,tiwala at huwag susuko." ani Chancw habang siya nag aayos sa pagkain ni Kiji,ang sweet lang.

"Hindi mo naman kasi matatamasa ang kaligayahan kung hindi ka masasaktan,mahihirapan. At habang pinaglalaban niyo ang pagmamahalan niyo,hindi maiiwasang may mga taong masasaktan." Dagdag ni Kiji. Napalingon ako kay Air,parang biglang umaliwalas ang mukha niya dahil sa mga narinig.

"Gaano na ba kayo katagal?" tanong ni Air ng nagsimua na kaming kumain.

"Mula grade twelve." Sabay nilang sagot,napanganga ako.

"Kayo?" ani Kiji,natatawa ako sa paraan ng pagkain niya sa manok pagkatapos isawsaw sa gravy,napapalunok talaga si Chance.

"Complicated." sagot ko,umangal pa si Air.

"Ayos na ang problema namin,ipapaliwanagko na lang sa kanya,ang tanong ay kung tatanggapin niya ulit ako." ani Air.

Gabi na ng naghiwalay kami,gusto ulit makipagkita ng dalawa bukas,pumayag kami ni Air,nagpalitan ng phone numbers at facebook account.

"Hindi na kita mahahatid hanggang sa inyo." sabi ni Air.

"Ayos lang." gustong gusto ko ng maging sweet sa kanya,pero hindi muna pwede,kailangan ko munang malaman ang lahat.

"May babalikan pa ba ako?" ani Air,shit namumula mga mata niya,nagpipigil siya ng luha.

"Sa prom,malalaman mo ang sagot ko." nginitian ko siya at napangiti din siya.

"Salamat! alagaan mo si Aiji!" At umalis na siya. Paano niya nalaman ang pinagalan ko kay Pikachu?

"Together again?" napalingon ako.

Sina Kneel at Rein. Anong kailangan nila?

Ang Bastos Sa Kanto III (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon