BSK piptin :3

19.3K 639 83
                                    


"Mag-exchange gift muna tayo. Kanina, nagbunutan na kung anong number n'yo," ani Kendi.

"Huh? Wala ako nong nagbunutan," bulong ko kay Jikloy.

"Okay lang 'yan, teh. 'Yung wala, 'yun ang bibigyan mo."

Tinawag na ang bawat number. 'Yung iba masaya, 'yung iba parang disappointed pa. Hanggang sa naubos na at napansin kong kaming dalawa lang ni Air ang walang natanggap o binigyan ng regalo.

"Waahh! I love this! Kung sino ka man I love you!" ani Jikloy nang malamang makeup kit ang nakuha niya.

"Wow! Makakapag-nose line ka na! Hindi ka na mahahalatang pango," pang-iinis ko sa kanya, makaganti man lang.

"Ang yabang mo, teh! Por que't maganda ang ilong mo?" sagot ni Jikloy sa akin.

"Natural 'yan, si God ang gumawa. 'Yung sa'yo, sino?" pang-iinis ko pa lalo.

"Walang gumawa! Nagpasira ako ng ilong! sampung konduktor ang nagtulong-tulong para sirain ang ilong ko! Huwag kang ano." Natawa ako sa sinabi niya at natawa din siya. "'Tsaka, sa taas ng bus namin ginawa," pahabol pa ni bakla.

"Uy teka, bakit kaming dalawa ni Air, hindi nakatanggap at wala din kaming binigyan?"

"Ambot sa kambing na may bangs!" aniya at tumayo. "Oh classmates! Magsikainan na muna tayo bago magsilangoy!"

"Tingnan mo 'to. Tinatanong ng maayos, hindi sumasagot ng maayos." Napatingin ako sa pang regalo ko. Sayang naman ito kung walang mapagbibigyan.

Tinawag ako ni Kendi at nakidalo na sa kainan. Si Air naman ay busy sa pakikipagkwentuhan habang kumakain. Sobrang dami ng pagkain. Nahiya ako dahil wala akong ambag kahit piso, kahit pa sabihing kanya-kanya ng dala ng pagkain.

Pagkatapos ng kainan ay pahinga. Ilang saglit lang ang lumipas ay nagkaroon ng games. Una ang longest line. Nahiya ako dahil konti na lang, wala na akong suot. Kailangan kasi eh, pero nanalo naman ang team namin. Humiga pa kami sa buhangin para lang humaba ang aming linya. Ang sumunod na game ay ang paglalagay ng mga straw sa bawat bote, paunahan. Nakakapagod, kaya team nina Air ang nanalo, at aaminin ko, nag-enjoy ako. Siguro kung hindi ako nakasama, bangenge ako ngayon sa bahay at nanonood lang ng TV.

Pagkatapos ay napagdesisyunan na naming maligo. Ang sarap sa pakiramdam dahil mainit-init ang tubig.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Air. Kahit hindi pa malaki ang katawan niya ay sakto ang korte para sa kanyang edad.

"Oo," simple kong sagot. "Pero pagbabayaran n'yo pa rin lahat ng ginawa n'yo."

"At least, nakasama ka 'di ba? Gusto nilang lahat na kasama ka."

"Hmmmnn."

"Gusto din kita--"

"Guys! Tara, Island hopping! Mura lang ang bayad, dali!" Sigaw ni Kendi. Agad akong umahon at sumunod sa kanya. Teka? Nasaan si Jikloy?

"I'm ready, guys! Go!" Hinagis nila si Jikloy sa dagat. Nag-180 pa ang bruha! Nanlaki ang mga mata ko at napanganga.

"Astig ni Jikloy," ani Air at tumawa. Baliw ba sila? Eh, kung nabalian si Jikloy? Patay sila sa mga magulang niya.

"Air! Jikloy! Koiji! Tara na!" sigaw ni Kendi. Maglalakad na sana ako nang bigla akong matigilan. Wala nga pala akong pera.

"Dito na lang ako sa cottage. Magbabantay sa mga gamit," ani ko at tumakbo papunta sa cottage. May iilang hindi sasama pero mas okay siguro na nandito lang din ako.

"Hoy Koiji! Bakit ka bumalik d'yan?" ani Air.

"Sumakit bigla ang tiyan ko! 'Saka dito na lang ako para may magbantay sa mga gamit," pagsisinungaling ko at umarteng masakit ang tiyan.

Ang Bastos Sa Kanto III (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon