57: Engagement

En başından başla
                                    

"Bulag ka ba? Nagde-date kami rito sa library."

Amp! Inasar pa ni Marky si Pusa, kita na ngang umuusok na 'yong tenga sa galit.

"Marky Lim!" Para siyang pusang nag-transform sa isang leon.

"Kayong tatlo riyan! Out!" Galit na galit 'yong librarian sa 'min. E, sino bang hindi? Sobrang ingay ni Jeydon, e. Nakakahiya tuloy sa mga estudyante roon.

Noong palabas na kami, kinuha ni Jeydon 'yong kamay ko tapos hinila niya ako palabas. Noong nasa labas na kami, ang sama ng titig ni Jeydon kay Marky. Hala, lagot ka, Marky! Huhu, bubugahan ka niyan ng apoy.

"Hoy, Kie! Umayos ka."

"Haha! Ang sarap mo talagang asarin, Jaydee. Nag-uusap lang naman kami ni Candice."

"Nag-uusap? Kayong dalawa lang?" Napatingin na naman kami ni Marky sa isa't isa.

"Selos ka ba?" sabay pa kami ni Marky.

Hindi makatingin sa 'min si Jeydon. Seryoso siyang nagseselos siya? E, best friend niya kaya si Marky.

"Hindi, ah! Nagtatanong lang ako."

'Sus, kunwari pa siya, e. Natawa tuloy si Marky. Gusto ko ring matawa kaso baka makita ako ni Pusa, e.

"Ewan ko sa 'yo! Candice, kita na lang ulit tayo, ah." Kinindatan pa ako ni Marky bago siya umalis. Loko talaga 'yon, gustong-gusto niyang inaasar si Jeydon.

Napatingin ako kay Jeydon, ang sama ng tingin sa 'kin. Hala? Ano kayang ginawa ko?

"Bakit magkasama kayo?"

"Ano namang masama kung magkasama kami?"

"Masama kasi ayoko."

Hindi raw nagseselos, ha? "Kung nagseselos ka, umamin ka na lang. Hindi 'yong ang dami mo pang dahilan."

"Oo na! Nagseselos na ako." Hindi pa rin siya nakatingin sa 'kin. Para siyang batang nahihiya, gano'n pala siya magselos, haha.

"Wala ka naman dapat ipagselos, e! Magkaibigan lang kami tsaka ano ka ba? Best friend mo si Marky!"

"May gusto kaya siya sa 'yo!" Nagulat ako sa sinabi niya. Si Marky?! E, pakana lang naman niya 'yon, e.

"Wala siyang gusto sa 'kin at gano'n din ako kaya tumigil ka na nga riyan!"

"Basta, ayokong makikita kayong magkasama na kayong dalawa lang! Nagseselos ako, e!"

Hindi ko na napigilang matawa. Seloso pala siya? Wahaha. Sumama tuloy ang tingin sa 'kin ni Pusa.

"Lahat na lang ba pagseselosan mo, ha? Una, 'yong kapatid mo tapos ngayon, 'yong best friend mo?"

"Selfish ako, e! Gusto ko, sa 'kin ka lang." Namula siya tapos hindi na naman siya makatingin sa 'kin. Napangiti tuloy ako.

"Gusto mo, sa 'yo lang ako? Boyfriend na ba kita?"

Tinitigan niya ako. "Bakit, bu-busted-in mo ba ako?" Nakatitig pa rin siya sa 'kin, napalunok tuloy ako.

"Paano kita sasagutin kung may... may fiancée ka na?"

Bigla siyang napangisi sa sinabi ko. Hala! Ano ba kasi 'yong sinabi ko? Bakit ko ba 'yon sinabi?

"Sabihin mo kung nagseselos ka." Natawa siya. Aba, loko 'yong pusang 'yon. Siya kaya 'yong nagseselos, hindi ako. Sige, sabihin na nating nagseselos ako pero kaunti lang naman.

"Haha! Hindi kaya!"

Hinawakan niya 'yong kamay ko. Nakatingin ulit siya sa 'kin. Gusto niya ba akong tunawin sa mga tingin niya? Ang ganda pa naman ng mga mata niya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin