PiII 40 Di Lang Ikaw

Magsimula sa umpisa
                                    

"Krissa, bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba sa nakita mo?" Tanong sa akin ni Kean at hinawakan niya ang magkabila kong braso

"Oo! Oo Kean dahil doon sa nasaksihan ko kanina. Ang sweet niyo nga ni Shelly eh! Magkayakap pa talaga ah? Kahit alam mong may girlfriend ka. Alam mo ba kung gaano kasakit dito sabay turo sa puso sana pala hindi na lang ako pumunta senyo para hindi ako nasasaktan ng ganito." Sabi ko ng pasigaw habang umiiyak pa rin ako sa sakit at sama ng loob na idinulot niya

"Krissa let me explain, mali yung nakita mo kanina. Una sa lahat hindi kita niloloko at kung iniisip mong may relasyon kami ni Shelly nagkakamali ka. Nasasaktan din ako lalong-lalo na at nakikita kitang nagkakaganyan." Sabi niya habang lumuluha na rin

"Kean, pagod na pagod na ako! Katatapos lang nung tungkol kay Kristoffer ngayon kay Shelly naman! Lagi na lang ganito! Siguro kailangan ko munang magpahinga." Sabi ko sa kanya at bigla akong napaupo sa may daan

"Krissa, wala nga kaming relasyon ni Shelly! Alam mo bang nahihirapan din ako sa sitwasyon natin ngayon! Diba sabi ko sayo, kahit anong problema ang pagdadaanan natin ay haharapin natin ng magkasama kaya huwag ka namang bumitaw please?" Sabi niya at lumuhod siya para yakapin ako

"Kean, hindi lang ikaw ang nahihirapan! Ako rin! Hirap na hirap na ako! Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin eh! Kaya please rin itigil muna natin ito!" Sabi ko then tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko

"Krissa, hindi ako papayag diyan sa kagustuhan mo! Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Mahalaga ka kaya hindi ko hahayaang mawala ka!" Sabi niya at niyakap ako habang nakaluhod pa rin siya sa daan

Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Nakikita ko sa kanya na sincere siya at nagsisisi pero naguguluhan ako sa mga pangyayari. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay tinanggal ko yung yakap niya sa akin at tumawag ako ng taxi para makalayo sa problemang ito.

Pagsakay ko ay kinatok-katok niya yung pinto para pababain ako. Dahil nga sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan na akong nakalayo sa kanya.

Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Gusto siyang paniwalaan ng puso ko pero yung utak ko ay ayaw marahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

I need someone to comfort me!

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon