TEASER

294 6 1
                                    


Ultimate crush ni Rebecca (Ikay) David ang best player ng Eagles na si Cristofer (Top) Austria kaya kahit pinipigil ng mga kaibigan ay itinuloy niya ang kanyang plano—ang literal na ligawan ito. Wala siyang pakialam kahit pa nagagalit sa kanya ang lalaki noon tuwing sinusundan-sundan niya ito para bigyan ng kung anu-ano. Nagbunga naman ang effort niya dahil 'sinagot' siya ni Top just a month after.

Okay na sana. Masaya na sana ang love life niya kung hindi lang black and white ang tema ng kanilang relasyon. Kakatwang sa lahat na lang ng bagay ay hindi sila magkasundo nito. Hindi niya alam kung sadyang magkaiba sila ng lalaki o nananadya lang ito para makipag-break siya. Pinilit niyang tiisin lahat, huwag lang itong makipaghiwalay sa kanya ngunit dumating din ang araw na kinatatakutan niya. Top broke up with her. When he left, her heart was broken into pieces. She was deeply hurt. Sagad sa buto ang sakit ng ginawa nito sa kanya so her wounded pride had just decided to let go and move on. After all, she had no choice. Kung ayaw nito sa kanya ay hindi na niya ipipilit pa ang sarili. Pero magagawa ba niyang panindigan ang 'pagtatampo' ng kanyang pride kung kahit sinaktan siya ni Top ay wala pa rin siyang ibang gustong makasama kundi ito? That after all the heartaches and everything, it was still him?

Pero ganoon lang ba kadaling kalimutan ang sinabi nito sa kanya noon?

'You're the biggest joke that ever happened to me, Rebecca. Call it anything you want but it's over. I'm out.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear EX...(Bakit Ikaw Pa Rin?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon