Chapter 6

3.1K 95 1
                                    

  "BRENT, TINGNAN mo si Jecka, diba okay naman siya?" Ani ni Miko.

Agad na nilingon ni Brent ang dalagang busy sa pagba-barbeque. Kasama sina Pinky at Berry.

Mag mula kasi ng matapos ang kasal nina Berry at Uno, ay palagiang may pagbo-bonding silang ginagawa.

"Siguro naman hindi ka ganoon ka-manhid para hindi mo mahalatang special ang mga tingin niya sayo?" Dugtong pa ni Ferdz.

Natawa naman ang binata sa mga narinig.

"Pinaka mabait pa yan sa kanilang tatlo." Nanunudyo ding wika ni Uno.

Totoo namang maganda si Jecka. Sa katunayan hindi sila nagkakalayo ng tindig at taas ni Berry. Kaya lamang ay sobrang simple nito. May pagka conservative din ito sa pananamit.

"Yeah, she's nice, sweet and simple." Aniya.

"So? Iyon lang? May posibilidad bang gustuhin at ligawan mo siya?" Ngiting-ngiti na tanong ni Miko na sinabayan ng pagkindat.

"To tell you guy's, i don't think so. I don't feel the spark everytime are eyes meet. I don't find any something special. And i see her just like an ordinary girl. But..." Naputol pa ang ibang sasabihin ni Brent ng nagsalita si Ferdz sa likuran niya.

"Jecka.." Halos magkaka-sabay na wika nina Uno.

Bahagyang nagulat si Brent nang paglingon niya ay nakatayo na si Jecka sa likuran niya.

Natulo ang luha nito at nakatitig sa kaniya.

"Tama nga naman, sino ba naman ako kumpara sa mga babaing napa-ugnay sa'yo? Ambisyosa ba ako masyado, Brent? Hinahangad ko na mapansin ng isang tulad mo. Tanga ko kasi, akala ko makikita mo ang tunay na ako pag sinubukan kung abotin ka, nagkamali pala ako. Mataas pala masyado ang pamantayan mo sa pagpili ng babae." Luhaang pinupunasan ni Jecka ang mga luhang walang tigil sa paglandas.

"Jecka wait, i didn't mean to.." Muling naudlot ang sasabihin ng binata, ng tinaas ni Jecka ang isang kamay.

"Tinatanggap ko naman lahat ng sinabi mo. No need to explain, Brent." Aniya at mabilis na tumalikod.

"Jecka, wait!" Habol ni Miko sa kaibigan ngunit mabilis itong nakaalis.

Napa-buga nalang ng hangin si Brent, at iiling-iling.

Dalawang linggo pagkatapos ng nangyari, ay nabalitaan nalang ni Brent na umalis si Jecka patungong california. Ayon kina Berry, ay magbabakasyon ito sa tiyahin niyang naninirahan na doon.

Mariing napapikit si Brent, ng bumalik ang diwa niya sa kasalukuyan. Oo nga at nasabi niya ang mga bagay na iyon, pero nais pa sana niyang idugtong sa mga nasabi ay kung makikilala at kung mabibigyan siya ng lubos na pagkakataon ay nais niya itong kilalanin pa. Dahil bukod sa independent at business woman ito, ay wala na siyang alam na iba pang impormasyon dito. Nitong huli lang niya napag alaman na palaki pala ito ng lola at lolo, dahil galing ito sa broken family.

"Alyanna Jecka Suarez, pinupukaw mo ang kuryosidad ko." Aniya sa sarili. Pagkaraa'y napangiti siya ng maalala kung gaano katamis ang labi nito.

Kung titingnan ang itsura ngayon ay tila isang baliw siya na pangiti-ngiti.

...

ISANG LINGGO bago ang launching ng Adam's collection, ay may isang tawag na natanggap si Jecka mula sa pamunuan nito. Muli siyang kinukuha na mag-model at mag-fashion show kahit para lang sa gabi ng event.

"Please miss. Suarez, you've become a part of our company for five months, so please gratify us for just another one night fashion show." Wika ng marketing head.

Saglit na nag isip ang dalaga. Isang gabi lang naman, at saka mag-fafashion show lang naman siya. Bakit nga ba hindi?

"Okay, mr. Kentucky. My pleasure and I'm willing to present the great design of your collection's in the catwalk." Masiglang sagot ng dalaga.

"Oh, thank you. I will send some details in your email. And i'll give you the contact number of the fashion director of the event. Thank you so much." Masayang wika nito.

Pagkaraa'y agad na tinawagan ni Jecka, sina Berry at Pinky, upang ibalita dito ang magaganap na fashion show.

...

NANG MGA sumunod na araw ay naging abala si Jecka para sa paghahanda ng
nalalapit na malaking event. Kinakailangan niyang mag-practise kasama ng mga batikang modelo. Karamihan ng mga kasama niya ay mga international model na galing pa ng california. ilan lang silang filipina, at bukod tanging siya lang ang hindi talaga model. Pakiramdam tuloy niya ay talagang pinagpapala siya ng diyos. Marami ang nangangarap na mapasama sa ganitong klaseng event, ngunit siya na hindi naghangad ay nabiyayaan.

"Perfect Jecka! Good job! Very good!" Puri ng fashion director habang nagpro-project ang dalaga sa paglakad.

Isang matamis na ngiti ang sinukli niya, mas lalo tuloy siyang ginanahan maglakad at magpose.

Samantala, ilang araw ng pabalik-balik si Brent sa petal's flower shop, ngunit lagi din siyang bigo na maabutan si Jecka. Ang sabi ni Arida ay may importante daw itong inaasikaso. Nais niyang makausap at muling makipag ayos dito. Ngunit mailap ang pagkakataon. Ganoon pa man ay nagbabasakali parin siya.

Habang si Berry at Pinky ay excited na sa magaganap na fashion show. At tulad ng plano nilang dalawa, lahat ng mga kaibigan nila ay isasama nila sa gabing iyon, lingid sa kaalaman ng mga ito na makikita nila ang kakaibang Jecka, lalong-lalo na si Brent.

"Hhmm..Mukhang masaya ang sunshine ko ah." Malambing na niyapos ni Uno ang asawang pangiti-ngiti, habang inaayos nito ang necktie niya.

"Super happy Tarzan. You'll gonna found out soon." Ganti ni Berry, at kinawit niya ang mga braso sa leeg nito.

"Na-eexcite tuloy ako. Wala bang clue, hhmm?" Aniya at dinadampi-dampian ng halik sa labi ang asawa.

"Saka nalang. Basta save the date ha?" Matamis na ngiting wika ni Berry.

"Okay, ikaw pa. Takot ko lang sayo. Pero shine kailan tayo gagawa ng 'baby cloud?' para may kapatid na si Heaven." Pilyong wika ni Uno.

"Tse! Hindi pa pwede! Umalis kana nga at kung anu-ano na naman 'yang iniisip mo. Baka nakakalimutan mo, James Uno Monreal tatlong buwan palang ang anak mo." Natatawang taboy ni Berry sa asawa.

Nakangiting kumindat lang si Uno, bago tuluyang umalis.

...

"Shit Jecka! Where are you?" Inis na binagsak ni Brent ang cellphone. Kanina pa siya tawag ng tawag sa numero ng dalaga ngunit hindi talaga ito sumasagot.

Frustrated na siya kung paano ito makikita at makakausap. Pati sa unit nito ay hindi niya mahagilap.

Pagkaraa'y tumunog ang cellphone niya. Isang tawag mula kay Berry.  

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon