Chapter 1

9.6K 127 3
                                    

  MAKALIPAS ANG TATLONG buwan mula ng mag-silang si Berry sa una nilang supling ni Uno, ay muli namang nagkaroon ng isang engrandeng pagtitipon, dahil bibinyagan na si baby James Heaven Marquez Monreal.

Lahat ng mga ninong at ninang ay pawang mga kilalang tao sa lipunang ginagalawan nina Uno at Berry. Kabilang ang mga kaibigang naging daan para mabigyang katuparan ang isang magandang pag ibig sa pagitan ng dalawa.

Ang mga gwapong ninong na sina Ferdz, Miko at Brent, ang mga nagagandahang ninang sina Pinky, Margie at Jecka.

"Shine, wala pa sina Margie at Jecka?" Tanong ni Uno sa asawa habang karga ang tatlong buwang gulang na anak.

"Si Margie on the way na. Si Jecka hindi ko ma-contact. Sana naman makarating siya on time." Ani ni Berry kay Uno.

Ilang sandali pa ay dumating na si Margie, kasama ang asawa nitong australian psychriatrist. Matapos kasi ang kasal nina Uno at Berry, ay agad na nagdesisyon ang pamilya ni Margie na sa australia na siya tuluyang magpagaling. At doon niya nakilala si Chris, ang mismong psychriatrist niya. Bilang pangako ay sinadya niyang umuwi kasama ang asawa ilang araw bago ang okasyon.

Panay naman ang tingin ni Pinky sa relong pambisig. Wala pa si Jecka, na mang-gagaling pa ng california. Ilang minuto nalang at mag-uumpisa na ang seremonya.

Nang muling lumingon si Berry sa entrada ng simbahan ay masayang nagwika siya.

"Jecka is here." Nangingiting anunsiyo ni Berry. Habang papasok na ito.

Sabay-sabay na naglingunan ang magkakaibigan, sa direksyon ng dalagang agaw-atensyon sa mga naroroon.

Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa itsura nito. Wearing a red empire waist dress, litaw ang maputing long-legged legs ng dalaga. Ang dating itim na itim na mahabang buhok nito, ngayon ay burgundy brown na. Nakadagdag pa ang tunog ng four inches pump shoes nito. Habang naglalakad.

"Is that Jecka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Miko, kay Ferdz.

"I don't know. Parang oo, pero parang hindi eh." Sagot ni Ferdz na titig na titig.

Samantala, kunot nuong nakamasid din si Brent. Ang laki talaga ng pinagbago nito! From semi-conservative and dull looks, ngayon ay sumasabog ang confidence nito, habang papalapit sa kanila. Nakita niya ang ilan sa mga larawan nito, ngunit mas higit pa ito sa inaasahan niya ngayon.

'She's so damn beautiful!' Sigaw ng isip ni Brent.

"Jecka! My god! You are so gorgeous! What took you so long?" Ani ni Pinky at niyakap ito ng mahigpit.

"Bru. Thank you, akala ko hindi ka makakarating." Ani ni Berry at niyakap din ang kaibigan.

"Ako pa? Pwede ko ba namang palagpasin 'to. Medyo na-traffic lang ako." Aniya at ngumiti.

"Hi guy's!" Baling niya sa hilera ng mga kaibigan, ngunit hindi man lang niya pinag aksayahang tapunan ng tingin si Brent.

Si Brent na todo titig sa dalaga.

Nagsimula na ang seremonya at tumagal ng halos isang oras. At nang matapos ay deretso na sa reception, sa mismong malawak na garden ng mansion nina Uno at Berry.

Hindi magkamayaw ang magkakaibigan sa kakatanong kay Jecka.

"We've seen a lot of your photos, pero iba talaga pag personal! In six months na nawala ka dito sa pilipinas ay talagang omg!" Napapalatak na wika ni Pinky.

"Do still have plans to go back in california?" Hindi nakatiis na tanong ni Brent.

"I still don't know." Kaswal na sagot ni Jecka. Nawala ang mga ngiting nakasilay sa labi niya ng magtama ang paningin nila ng binata.

"Bakit ba gulat na gulat kayo masyado sa itsura ko? Wala ba sa hinagap niyo na ang dating 'ordirnary' at 'no spark' na Jecka, ay biglang magsusuot ng daring?" Pinag-diinan pa ng dalaga ang huling dalawang kataga, habang ngumingiti ng matamis.

Nasaling naman ng lihim si Brent. Alam niya kung bakit may pag uuyam ang bawat salitang binigkas nito.

"Ah, hindi naman, kaya lang super hot kasi ng looks mo." Pambawi ni Miko. Dahil ramdam nila ang ibig ipakahulugan ng dalaga.

"Oo nga girl! Infairness 'yong bakasyon mo ay naging career for you. Naging model ka pa ng isang clothing company." Bulalas ni Pinky.

"Well, alam niyo naman kung bakit ako napunta sa ganoon. Nagkataon lang na no choice sila at pinagtyagaan nila ako. And besides, hindi ko naman i-pupush 'yon." Nakangiting tugon ng dalaga.

Wala rin sa hinagap niya, na ang simpleng pagbabakasyon at pagmumuni-muni niya, ang magdadala ng malaking pagbabago sa kaniya, lalo na ang pisikal niyang ka-anyohan.

Senior photograher ang pinsan niya sa isang tanyag na clothing company sa california. At nang mga panahong dumating siya upang mag-self rejuvinate, ay nangangailangan ito nang modelo.
Noong una ay hindi niya tinanggap, ngunit sa kalaunan ay napapayag na rin siya. Naisip niyang bakit nga ba hindi niya subukan?
Idagdag pa ang paninimdim ng puso niya, Isa narin sa mga dahilan ay ang mga lantarang binitawang salita ng lalaking lihim niyang iniibig. Walang iba kundi si Brent.
"Blessing's in disguise ang nangyari sa'yo, Jecka. At napakaganda ng resulta ha." Sabat ni Margie.

"Tama ka, Margie. Dahil sa nangyari, marami akong napatunayan sa sarili ko. Maganda pala ang buhay sa likod ng boring kong life before." Aniya at tumawa ng magaan.

"Do you consider your life, before as boring?" Salubong na tingin ni Brent sa kaniya.

Napaangat ng kilay si Jecka sa narinig.

"To tell you the truth? Yes! As you can see, Brent. Masyado pala akong nakulong sa pagka-manang ko, kaya nga isa ka sa mga nagsabing ordinaryong babae lang ako diba? Walang trill. Not unlike my bestfriends. Berry and Pinky, na stand out in anything. Most specially, 'yong pinakilala mong beauty queen girlfriend mo." Walang gatol at matalas na wika ng dalaga.

Nakaramdam naman ng tensyon ang mga kaharap nila.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Brent sa narinig.

"I didn't say that. Kung pinakinggan mo lang mabuti ang mga sinabi ko, mas maiintindihan mo sana." Seryosong wika ng binata. Habang titig na titig sa dalaga.

"Oh, forget it Brent. No one cares. Tama na nakalipas na iyon." Aniya at ngumiti ng matamis sa binata. Sinadya niyang ipamukha dito na hindi na siya apektado

"A-ah, guys change topic. Reaunion natin 'to. So let's enjoy." Alanganing sabat ni Pinky.

"Ofcourse! Girl. Let's not spoil the occassion, remeniscing some unnecessary memories." Nakangiti, ngunit balewalang wika niya.

Huminga nalang ng malalim si Brent, bilang reaksyon.

"Excuse us guys. Puntahan lang namin si Berry." Ani ni Pinky at hinila si Jecka.

Napapatulalang nagwika naman si Miko ng makaalis ang dalawa.

"Nawala ang soft-spoken na Jecka. Instead, naging sharp magsalita." Aniya.

"Super agree, dude. Malaki talaga ang pinagbago niya. And i bet, marami pa tayong makikita sa susunod, now that she's back." Tumatangong dugtong ni Ferdz.

"I think, that's good for her. Kasi nawala 'yong pagiging timid niya. I like the new Jecka." Wika naman ni Margie, habang sinusundan ng tingin si Jecka.

Tahimik lang na nakikinig si Brent. Alam niya sa sarili na may malaking parte siya sa pagbabagong iyon.

...

NATAPOS ang okasyon ng masaya at puno ng kulitan.

"Girl, sigurado ka bang kaya mong mag-drive?" Tanong ni Berry kay Jecka. Naparami kasi inom nito.

"Don't worry, pati pag inom ay na-practise ko na." Aniya na umiinit na talaga ang mukha dala ng alak.

Dahil mapilit ito ay wala nang nagawa si Berry. Halos magkakasunuran lang ang mga sasakyan nila. Ngunit si Brent ay sinadyang sumunod sa sasakyan ni Jecka. Nag aalala din siya dahil naparami talaga ang nainom nito.

Habang nasa daan ay napansin ni Jecka na nasa likuran niya si Brent. Kaya't gigil niyang tinapakan ang silinyador.

"Oh shit! Jecka!" Halos magdikit na ang kilay ni Brent ng makitang humaharurot ang kotse nito.

Napapangiti naman si Jecka, dahil naiwan na niya ang binatang naka-sunod. Ngunit ganoon nalang ang gulat niya ng sa isang kisap mata ay nag-overtake ito sa kaniya at hinarang pa mismo ng binata ang kotse nito sa harapan niya.

Mabilis na bumangon ang inis sa dibdib niya at halos magkasabay silang bumaba ng mga sasakyan.

"What's gotten you?! Alam mong nakainom ka!" Sigaw ni Brent.

"Ano bang problema mo?!" Naniningkit na mga mata ni Jecka.

Madilim ang mukha ng binata at walang anumang salita, ay hinapit niya sa bewang si Jecka.

Nanlalaki ang mga matang naitukod naman ng dalaga ang dalawang kamay sa malapad nitong dibdib.  

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon