Voice

3.6K 128 4
                                    

Cleo

"Anong nangyari sa kanya Mist?"

"Sya ba talaga ang nagsalita kanina?"

"Akala ko ba telekenesis lang kapangyarihan nya?"

Ako rin nagtataka. Tsaka sino yung narinig ko kanina? Parang may alam sya tungkol sa akin. Tsaka yung mga sinabi nya mga palaisipan na naman..

Dinilat ko ang mga mata ko. Napansin kong nasa Sacred garden ako. Umupo ako at pumunta ang mga guardians ko sa tabi ko.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa mga protectors.

"Di rin namin alam Cleo. Pero ikaw ba ang may gawa nun?" Tanong ni Lime

"No and yes, may isang tinig ang may gawa nun. Pero ga- wala di ko rin alam." Di ko na lang tinuloy ang sasabihin ko. Parang may nagsasabi sa akin na di pwede dahil may mangyayari. Kaya nanahimik na lang ako.

"Sumugod sila dahil sa mga candidates?" Ako

"Oo, kaylangan namin silang itraining para kaya nilang protektahan ang sarili nila. Dahil pakiramdam ko pipigilan kami ng malalakas na dark magicians." Lloyd

"Binibini kapag kami ay nageensayo gusto namin na manatili ka dito sa Sacred garden." Patuloy ni Lloyd.

"Eh? Ayoko gusto ko kayong panoorin." Ako

"Maaring dumating ang mga dark magicians at malalaman nilang ikaw ang selector." Jun

"Pero..." Ako

*********

Cleo

Pagkatapos naming magusap ay bumalik na ko sa dorm ko. Marami pa ring palaisipan sa akin.

Naalala ko yung libro kinuha ko ito at inispeksyon. Wala syang bukasan. Ang tanong pano ko to bubukasan. Sino kaya ang siraulong gumawa nito?.

Aray!

Tiningnan ko ang daliri ko. May tumutulo na dugo napatakan nun ang libro. Biglang lumiwanag ang libro at bumukas.

Binasa ko ito.

Serena

Yun ang pangalan na nasa gilid ng libro. So Serena ang pangalan ng may ari nito.

Binuklat ko ang isa pang pahina.
Diary ito ni Serena

Walang date. O di na sya nagabala pang lagyan.

Nakarating din ako sa wakas sa Florence. Maganda ang ginawang mundo ni ama para sa mga nilalang na ito kaya nga lang marami na syang ginagawa. Kaya nagdesisyon kong ako na lang ang magaalaga. Nung una ayaw ni ama pero sa bandang huli pumayag sya kahit na daw di na kami makikita pa tsaka mapanganib daw sa akin na manatili doon. Sabi ni ina pagnasa alanganing sitwasyon na daw ako iuuwi daw ako ng mga great spirits sa amin. Hindi ko naman hahayaan yun.

Kaylangan kong maghanap ng magiging hari para sa Florence. Pero di ako maaring manatili ng matagal dito dahil may nakalaang lugar para sa akin. At magisa lang ako doon kasama ng mga spirits at guardians ko. Nakakalungkot nga e.. Pero kung para sa mga mahal na nilalang ni ama gagawin ko.

Nasarado ko bigla ang libro. Si Serena. Ang unang selector. Pano? Di ko maintindihan. Sya ay anak ng bathala? Alam kaya to nila Lloyd at ng iba pang dating protectors? Sasabihin ko ba sa kanila? Ay gulong gulo na ko.. Kaya ba sya wala dahil nasa lugar na iyon na tinutukoy nya sya?

Bago pa ko mabaliw sa kakaisip bigla na lang may kumatok sa pinto. Napatingin ako sa libro. Mamaya ko na lang ulit ito babasahin. Tumungo ako sa pinto at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang galit at nagaalalang mukha ni Adik.

Selecting The KingWhere stories live. Discover now