“Dr. Aquino gusto mo bang malaman ang bahay ko?”

“At bakit ko naman gustong malaman?!” sabi niya habang nakataas na naman ang kilay niya.

“E kasi po Dr. Aquino parang sinusundan niyo ko,” sabi ko sabay ngumiti lang ako sa kanya. Feeling ko kasi sobrang mapride nitong tao para aminin yun mga ganitong bagay. Pero bakit niya ko sinusundan?

“Palagay mo gusto kong malaman ang bahay mo? At anung mapapala ko dun Ms. Tan?” he said with his signature smirk.

“Ah..oo nga po no.Okay, sige po thanks! Have a good night!” sabi ko tapos tumakbo na ko dahil konting hakbang nalang naman bahay na namin. 

I reached the gate then he suddenly honked.

Nabingi ako dun ha. Ano bang gusto nito? Nangtitrip lang?  Papasok na ko when I heard he slammed the car door. Anong nangyayari?

“Hey!” sasarahan ko na sana ang gate ng tinawag niya ako at nakita ko siyang papalapit. Ano bang balak nito? Hindi ko maintindihan ang pinagagawa niya ha.

“Anong problema, Doc?” sabi kong iritado kasi hindi ko siya maintindihan.

“Ahm… ahmm” he mumbled. Hindi makapagsalita si Dr. Aquino? Anong meron?

“Yes?!” salita ko.

Nagkatinginan lang kami. Ngumiti ako kahit nawiweirduhan ako sa kanya. Hindi ko alam kong anong reaction meron siya. Yun tipong parang may gusto siyang sabihin kaso nahihiya siyang sabihin. Ewan. Ang gwapo niya lang talaga kahit anung situation, kahit na mukhang siyang ewan dahil hindi siya makapagsalita sa harap ko. 

“Ka—“ hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya tapos bigla siyang tumalikod at naglakad na ulit sa sasakyan niya.

“Wait!!” sabi ko sabay habol.

Tumingin lang siya sakin looking relieved. Dahil ba hinabol ko siya?

“Ano yun? Ano pong sasabihin niyo?” salita ko sabay ngiti. Ano dadalaw ka ba sa bahay namin?  Kasi yun lang naman ata sa palagay ko ang reason bakit tiklop magsalita ang lalake kapag itatanong niya kung pwedeng dumalaw sa babae. Iyon ang madalas kong napapanuod na scene sa movie kaya!

Pero hindi, I haven’t felt any intention of liking from him from the moment I saw him. Inis lang nakita ko sa pagmumukha niya.

“Ahm.. No.. don’t mind me. Sige, goodnight!” salita niya tapos umupo na siya sa kotse niya.

HInawakan ko ang pinto para hindi niya masarahan.

“Huh?! Dr. Aquino? I insist. Ano po ba yun? I am your secretary even for a month and I think I should have known what’s bothering my boss?” The first long spiel that I have said. Pa-caring epek pa ako sa kanya.  Baka nga naman mag-open up agad siya sakin ng feelings niya. Puro kalokohan ang naiisip ko dahil sa napapanuod kong movies!

Old and UnwantedWhere stories live. Discover now