1st Shot - Best Friend

146 2 2
                                        

Sandra's POV

"Sandy!"

Napalingon ako nang narinig kong may tumawag sa precious name ko. Nakita ko ang best friend ko na si Alex na tumatakbo papalapit sakin.

"Anong kailangan mo sa isang dyosang katulad ko?" Taas kilay na tanong ko.

"Wow. Ang hangin," Pang-aasar nya at nagkunyari syang natangay ng hangin. Letse talaga to! Masyadong basag trip kahit kailan.

"Psh. Ano ba kasi yun?"

"Pwede favor?"

Kumunot noo ko. Madalang lang kasi to manghingi ng favor kaya nakakapagtaka talaga na nanghihingi ng favor saken to ngayon.

"Oh sige. Ano ba yun?" Tanong ko. Nakakacurious ah.

"Uhm, kase.. ano.." Sabi nya habang kinakamot pa ang batok nya. Anong meron dito? Parang nahihiya pa sabihin.

"Sige, pag di mo pa sinabi di na ko papayag gawin yang favor mo na yan." Pananakot ko sa kanya. Naiinis kasi ako, di nalang ako deretsuhin.

"PwedemobaakotulunganligawansiRose?" Mabilis na pagkakasabi nya. Ano daw?!

"Ha? Ayusin mo nga pananalita mo. Nakakainis to, inuubos oras ko." Kunyari akong naiinis pero sa totoo lang, natutuwa pa rin ako kahit ganto lang ang conversation namin. Di nya alam na kahit gantong kaliit na bagay lang, it means so much to me. Yes, I'm in love with my best friend, Alex. I loved him since we were little. Yeah, sounds cliche I know pero naramdaman ko eh.

Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita. Mukhang kabado sya. "Ang sabi ko, tulungan mo ko ligawan si Rose." Sabi nya. Ayun, narinig ko na ng malinaw. Tulungan ko raw sya ligawan si R---

Teka?! Si Rose?! Ligawan?! Tama ba ko ng pagkakarinig?

"H-ha? P-pakiulit." Nauutal na sabi ko. Alam kong anytime, handang bumagsak tong mga luha ko.

"Tu. Lu. Ngan. Mo. Ko. Li. Ga. Wan. Si. Rose." Madiin na pagkakasabi nya upang makasigurado na madidinig ko na.

"B-bakit?" May gusto pala sya kay Rose? Bat ngayon ko lang nalaman? At talagang sakin pa sya magpapatulong manligaw? Yung mahal ko, nagpapatulong manligaw sa mahal nya? May mas sasakit pa ba jan? Bat sakin pa? Balak ba nya kong torturin?

"E kasi, diba pinsan mo yun? Kaya magpapatulong ako sayo para mas mapadali yung pagsagot nya sakin." Pagpapaliwanag nya. Oo, pinsan ko ang taong mahal nya. Ang taong liligawan nya.

Sobrang sakit na talaga. Pero di ako nagpahalata. Ngumiti ako. "S-sure. Yun lang p-pala e." Sabi ko at tumalikod na. "U-uhm, sige u-una na ko." Sabi ko at nakakaisang hakbang palang ako ng magsilaglagan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Para silang falls sa dami nila at sabay-sabay pang nahuhulog.

Tumakbo na ako. Wala akong pake kahit pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko. Di ko mapigilan eh. Ang sakit. Sobra. Parang sinaksak yung puso ko ng ilang beses. Ganto pala ang feeling ng nasasaktan dahil sa love. Madalang lang kasi ako masaktan dahil kay Alex eh kasi never nyang nabanggit sakin yang mga ligaw-ligaw thingy na yan pero sana naman binalaan nya ko na bibiglain nya ko para naman kahit papano nahanda ko ang puso ko.

Bakit ba kasi ang tanga-tanga ng puso ko. Sa lahat ng pwedeng mahalin, bakit best friend ko pa? Bakit si Alex pa na simula't sapul palang alam ko ng malabong maibalik nya sakin ang pagmamahal na binibigay ko sakanya.

Pumara ako ng taxi at sumakay dito. Mukhan nagtataka yung driver dahil umiiyak ako pero di ko nalang sya pinansin.

"San tayo, miss?" Tanong nya sakin. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi kung saan ako pupunta.

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now