Nagkita tayo kinabukasan. Sinundo mo ako sa dorm ko at sabay na pumunta sa school. Napakatahimik nga natin nun at alam kong binabasag mo lang ang katahimikan kasi ayaw mong ako ang magsalita.

Sabay din tayong kumain ng tanghalian. Napag-isipan kong itanong sa iyo ang insidente kahapon pero mapaglaro ang tadhana at tinawag ka ng teacher mo. Di mo tuloy nasagot ang tanong ko :/

Mag-isa akong umuwi kasi di na kita nakita matapos nun. Pero I was wrong kasi nakita ulit kita nang mapadaan ako sa coffee shop...

Kasama yung babae kahapon.

 

 

Nag-uusap kayo and I was freaking out what to do kaya napatago ako sa likod ng isang puno na malapit sa inyo.

"What about her Babe?" Tanong nung babae sa iyo. She sounded so sweet.

"Who? Venice?" I felt my heart skipped a beat when I heard my name.

"I'm breaking up with her. Don't worry, babe" I felt like I was cheated. Ang bigat ng pakiramdam ko kaya napaupo ako at napatabon sa bibig ko. Di ko mapigilang maiyak pero natatakot ako na baka marinig nyo ako.

I heard a car park tapos bumukas yung mga pinto tsaka sumira naman agad. Then nakita ko itong umalis at dumaan sa gilid ko. I saw you inside of that car kaya di ko na pinigilan ang sarili kong mapaiyak. What was that all about?

I looked like a zombie when I got home. Ang pula ng mga mata ko at namamaga pa. Napaupo ako sa kama ko at napatingin sa picture frame na nakalagay sa itaas ng study table ko. Tayo yung nasa picture. If I'm not mistaken, that was taken a year ago. Nung naging tayo.

Then memories started flashing in my head, para bang nanunuod ako ng palabas. You were the first boy that made me feel special kasi I was usually bullied for having big eyes. But you said it was kind of cute and since then you became my savior. Well, that was back in high school. Nung first year college na tayo, umamin ka na mahal mo na ako. But I was too scared to fall so I rejected you. I told you loving will always hurt and I think I'm not ready to get hurt pero sinabi mong hinding hindi mo ako iiwan at sasaktan. I must say you really kept your word because you were a careful man. Iniisip mo muna yung mga gagawin mo kung ikagagalit ko ba ito o hindi. You always gave the favor to me which made me like you even more.

A few weeks after rejecting you, you asked me again if you could court me and to your surprise, pumayag ako. We were a happy couple. Though nag-aaway tayo like other couples but what I think is different is hindi ka matutulog unless mareresolve yung problema o away natin. And that's a really big turn on for me. Yung iba kasi ang tataas ng pride kaya nagb-break up sila agad. Naisip ko tuloy na you don't want us to be like them, na nauuwi sa break up ang relationship.

Little BitsWhere stories live. Discover now