CHAPTER 11

8.1K 164 6
                                    

Kinalma ko ang sarili ko at tsaka unti-unting hinakbang ang aking mga paa sa loob ng bahay.

Pagkadating ko sa sala ay nakita ko agad ang daddy na nakaupo sa couch at nanonood ng TV.

Lumapit ako sakanya at tsaka humalik sa pisngi niya. Sasabihin ko na ba?

Tumikhim ako at tsaka umupo sa tabi niya. Naramdaman niya din siguro na may importante akong sasabihin kaya agad niyang hinanap ang remote at pinatay ang TV.

Alam ko, kailangan kong unti-untiin. Agad naman na hinanap ng mga mata ko si mommy na nasa likod ko lang pala hindi ko alam na nakasunod pala siya sa akin kanina. Tinanguan naman niya ako at tsaka umupo sa tabi ni dad. So bale, napapagitnaan na namin siya ni mommy ngayon.

"Romeo, may gusto sanang sabihin sayo ang anak mo." Nakangiting sabi ni mommy at tsaka hinimas ang braso ni daddy. Sana ganyan din kami.

Bigla namang umayos ng upo si dad at tsaka nagsalita.

"Spill it." Matigas niyang sabi.

Napalunok ako. Paano ko nga ba dapat umpisahan?

"D-dad." Naiiyak na sambit ko. "B-buntis po ako." There, I said it.

Pero pagharap ko sakanya ay bigla nalang lumipad ang palad niya sa pisngi ko. Parang namanhid ang buong mukha ko dahil sa sampal na yon. Nagulat din si mommy dahil sa ginawa ng daddy. Kahit ako, hindi ko akalain na masasampal niya ako. Bigla na namang bumuhos ang mga luha ko.

"S-sorry po." Yun nalang ang nasabi ko at muli akong niyakap ni mommy.

"Sshh. Tahan na." Pag-aalo niya sa akin. Pero yumakap lang ako. Hindi ko kayang salubungin ang tingin ni daddy. "Baka makasama sa baby mo ang pagiging emosyonal mo." Bulong pa niya.

"You're such a big disappointment, Alessa! Alam mo namang ikaw na lang ang inaasahan ng pamilyang to pero ganito pa ang ginawa mo!" Bulyaw ni dad sa akin.

Buong buhay ko, ngayon niya lang ako napagsalitaan ng ganito. Am I really a big disappointment? Kailan ba ako nagkamali? Ngayon lang, ngayon lang naman. In fact, hindi ko nga matatawag na pagkakamali ito dahil para sakin blessing ang bata na nasa sinapupunan ko.

"Now tell me, who's the father of your child?" Napailing ako. "WHO'S THE FATHER OF YOUR CHILD, CANDICE?!" Bigla ulit nagtaas ang boses ni daddy.

"SINO?!" Hinawakan niya ang dalawang braso ko at tsaka ako muling tinanong. Si mommy naman ay walang ibang nagawa kundi pigilan si dad.

"T-tristan Del Tierro." Nanghihinang sagot ko. "Don't worry, dad. Papanagutan niya a-ako." Oo, alam kong masama magsinungaling. Pero wala naman akong magagawa.

Bigla namang napabitaw si dad sa pagkakahawak ng braso ko. Biglang pumutla ang mukha niya at tsaka muling bumaling sa akin.

"No! You are not going to marry him! He's no good for you!" Umiiling na sabi niya.

Our Steamy MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon