Chapter 1 (REVISED)

386 11 0
                                    

Jessica's POV

Maybe I came on too strong

Maybe I waited too much

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Bwisit talaga. Kahit na boses pa ni Ed Sheeran na favorite singer ko ay wala akong paki. Bwisit. Nagtalukbong ako ng kumot ng may humila naman nito. Argh.

"Jessica, wake up. Late ka na!" Malakas na boses ni mommy ang gumising sa'kin. Buti nalang wala na s'yang water gun or whatsoever.

"Mommy naman eh..." Bakit ba ang hilig nila akong gisingin kahit wala pang oras? Argh. 'Di pa ko late, no.

Napansin siguro ni mommy na tinitignan ko s'ya ng kakaiba kaya umirap. Ang moody talaga ni mommy kahit kailan.

"Tsk. Bahala ka dyan!"

Pagtingin ko sa clock, holy cats and dogs. Bakit 7:30 na? 8:00 pa pasok ko!

Pumasok agad ako sa cr. Tinapos ko muna 'yung daily routines ko like, toothbrush, naligo, nagbihis, nagsuklay, then pagbaba ko kumain na ako.

Yari talaga. Iiwasan ko na ngang manood ng k-drama till midnight. Hindi na talaga maganda 'to.

Sana lang late ang teacher at hindi traffic para hindi late. Please!

Binilisan ko ng kumain wala pa yatang tatlong subo ay tapos na ako. Mamaya nalang ako kakainin ng bongga.

"Manong pakihatid na si Jess baby." sabi ni mommy. Hayys. Baby daw. Kelaki ko naman para maging baby. Baby damulag. Hakhak.

"Okay ma'am!" Makalipas ang dalawampu't segundo ay nakarating na sa wakas. Oras na huminto ang sasakyan ay dali-dali akong lumabas. Hindi ko na napansin ang paalam ng driver.

Nasa second floor ang room namin kaya kailangan talagang magmadali.

Nakatatlong katok ako sa pinto staka nag greet. "Good morning, I'm sorry i'm late."

Nagtinginan naman sila sa akin ang iba pa nga ay natatawa. Jusme. Anong nakakatawa?

Sinenyas naman sa akin ni Kyle ang wrist watch ko. May five minutes pa pala ako.

Shocks. Pahiya ang beauty ko. May beauty nga ba? Syempre oo!

Masasabi kong maganda naman ako dahil yung mga kakilala ko ay tinatawag naman akong maganda kaya lang kinulang ako sa height. 4/11 ang height ko. Pandak kumbaga. Cute pero pandak ang tawag nila sa'kin. Ang masasabi ko lang, hindi man biniyayaan ng height, atleast gifted naman sa ibang bagay.

"Hi Jess, ano na naman ang nangyari sa'yo?"

"As usual naman Kyle, may tinapos na naman ang kaibigan natin na K-drama at inabot ng madaling araw." Nag apir naman ang dalawa staka ngumisi.

"Kayo talaga. You know how I love watching K-Dramas. Why are you bullying me, Kyle and Chelsea?"

"Syempre, pwede ba namang si Zyra ang mambwisit sa'yo edi hindi na 'yon si Zyra."

Nagtawanan sila. Saya saya.

Hindi naman ito marinig ni Zyra kasi nga naka earphones.

Dumating ang teacher namin at nagpa activity agad. Buti nalang ay by group naman kaya ayos lang.

Dumating ang oras ng break time at dumayo sila si Chelsea sa amin ni Kyle. May ic-chismis daw kasi siya.

"Guess what guys, Kilala niyo si JC diba? I heard sa aking mga sources na may gang daw siya.'' Nakuha nito ang atensiyon ko kaya itinigil ko muna ang pagsusulat.

Wala namang pakialam si Zyra at nagbabasa ng paborito niyang libro di kalayuan sa pwesto namin.

"Tapos?"

"According to my sources, pinabugbog ni JC ang bestfriend niya which is JD because of some misunderstanding."

"Tsk. Naturingang best friend pero hindi pala iyon ang trato niya."

"At pinabugbog pa!" Silang dalawa

"Mga sissy may naisip akong ideya, sundan natin si JC mamaya." Mukhang maganda ang naisip ni Kyle.

"Huh? Bakit naman? Pano pag tayo pinabugbog nun?"

"Easy lang. Aasarin lang natin sya pero di natin papangalanan! Ano game?"

"Game/ayoko" kami ni Chelsea.

*****

Sa huli, ako ang napilit nilang sumama. Inintay muna namin na magsialis ang mga kaklase namin para walang sabit. By the way, maaga ang uwian namin.

Habang sinusundan namin si JC, hindi ko maintindihan kung bakit ako ay napilit nila samantalang si Zyra ay hindi?

Naabutan namin na naglalakad si JC kasama ng mga kaibigan niyang gangster. Papunta sila sa isang abandoned warehouse may kalayuan sa school. Sa tingin niyo ba natatakot ako? Oo natatakot ako pero itong mga kasama ko ay hindi! Pambihira.

"Oh my! It's true nga!"

Lumingon naman si JC sa likuran nya. I know that he knows that we are following them. Tsk.

Sayang sya. May itsura siya pero yung ugali nya. Tsk. Turn off. Buti nalang hindi alam ng mga nag kakagusto sa kanya ang true attitude nya. Kawawa ang mga maaarteng fangirl nya! Kasi po yung ibang fangirl nya eh keaarte! Ang ikli ng shorts! Tapos nakapalda naman ung iba pero maikli din! May mga lipstick pa sa mukha. They looked like a clown.

"Shh. 'wag kang maingay Chelsea!" Saway ni Kyle dito.

"Oo nga! Naknakan ka ng daldal! Pagnahuli tayo lagot tayo! Shut up!" Nakalimutan ko. Andito nga pala kami sa warehouse. Buti mahina ang boses ko.

"Tara na nga alis na tayo!" Medyo malakas na sigaw ni Chelsea.

Napatingin naman kami sa mga tao sa warehouse. Buti hindi nila kami narinig. Nakahinga na ako ng maluwag.

Ayun! Buti nalang at nakaalis kami ng maayos at ligtas sa warehouse na yun. Horror eh! Bwiset na Chelsea at Kyle yun! Dadamay pa ako sa gulo nila!

5:30 ako nakauwi. 3:00 uwian namin. Darn!

"Baby, bakit ngayon ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.

"Ah... Kasi po gumawa kami ng group project kila Zyra eh." Pagsisinungaling ko.

"Ah okay. Umakyat ka na sa kwarto mo."

Hayys. Naka pagsinungaling pa tuloy ako kayo mommy. Good luck sakin bukas!

Pagbukas ko ng cabinet ay may nakita akong aso. Tangines lang?

Dali-dali ko itong isinarado at nagtatalon sa kama.

ANO.ANG.GINAGAWA.NG.ASO.SA.CABINET.KO?

Nakarinig naman ako ng iyak. Mukhang naipit ito. Tsk. Ano ba naman yan Jessica!

Binuksan ko ito ay nakitang ang isang paa nito ay naipit nga.

Kinuha ko ito ay inilagay sa kama. Hinimas himas ko ang balahibo nito. Lagot ako kay Mommy kapag nakita ito.

"Hello! Sino ang naglagay sa'yo doon?" Hindi ito nagsalita at dinilaan lang ang kamay ko.

Syempre, diba mas nakakatakot kapag nagsalita ang isang aso?

My Boyfriend Is a Mafia Boss LeaderTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang