"Kung magpapakamatay ako, madadamay ba 'tong bata?"


"Miss?!" Anong klaseng tanong 'yon? Malamang naman na pag magpapakamatay siya, mamatay rin ang bata. "Miss may problema ba?"


Okay, ang tanga lang nung tanong ko. Umiiyak ang tao kaya malamang may problema siya.


"HUHU! 'YON KASI NAKIKITA KO SA MGA PALABAS NG MGA TAO KAYA GUSTO KONG I-TRY AT BAKA BALIKAN PA AKO NG GUNGGONG NA YON SA BUROL KO!" Halos mapanganga ako.


"Miss okay ka lang?" Naguguluhang tanong ko. Pero umiling siya at ngumawa ulit.


"Ayoko na ng alak! Miss, gusto ko ng pizza--- ay hindi pala ako pwede 'non. Miss may dugo kayo dito?" Mas lalo akong napanganga.


"Miss aanhin mo ang dugo?"


"Iinumin."


Nagulat ako, maya maya'y miski siya nagulat sa sinabi niya.


"A-ha-ha daldal ko miss 'no? W-wag mo ng intindihin yung sinabi ko kanina. Jokijoki lang 'yon hehehe!" 


May namunuo sa isipan ko ngayon pero ayoko siyang paghinalaan.


"Haays ilang araw na akong uhaw."


"Bakit?" Inilapag ko sa harap niya ang isang baso ng gatas pero agad siyang napatakip ng ilong at bunganga.


"Miss paki layo sa 'kin niyan. Mukhang ayaw ng anak ko." Natigilan ako.


"Ah ganun ba?" Mabilis siyang tumango.


"Gusto ko talaga ng dugo este ano, wala hehehe." Pinaningkitan ko siya ng mata. Mas lalong lumaki ang paghihinala ko.


Palihim kong kinuha ang cutter sa bulsa ko at---


"Hala amoy dugo! Este ano amoy yosi, hehe tama! Amoy yosi!" Napangisi ako, ang laki ng pinagkaiba ng amoy ng yosi at dugo. Kumpirmado. Pero nakakapagtaka na imbes matakot ako ay naaawa ako sa 'kanya.


"Miss umuwi ka na, masama sa kalusugan ng bata ang pananatili mo dito."


"Ayoko! Mag isa lang ako 'don. Ang boreeeeeeng. Wala namang dugo este inumin doon."


Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang trabaho.


****


Nag inat inat ako, sa wakas! Tapos na rin ang trabaho. Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na pero halos mapaigtad ako nang may sumundot sa bewang ko.


"HELLO~!" Napalingon ako. Akala ko ba umalis na siya?


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon